TRIPLE X: Sweet Romance 2

106 11 2
                                    

NAKUHA ko ng mabilis ang pera sa bangko. Kaya naman pagkadating na pagkadating ko sa hospital, binayaran ko agad ang ibang bills, ang iba naman ay itinago ko.

"Beatrice, saan ka ba pupunta?" ani Kuya Romeo. Tinawagan ko si Kuya para magbantay kay mama dahil kailangan kong pumunta sa isang Mr. Smith na nagpautang sa akin ng pera. Buti na lang at may ginintuang puso 'tong si Kuya Romeo. Isa siyang malapit na Family friend namin, na hanggang ngayon ay mag-isa sa buhay.

"May aasikasuhin lang po ako, Kuya. Baka mamayang gabi nandito na 'ko." sabi ko nang hindi lumilingon. Abala kasi ako sa pagsuot ng sandals ko.

"Oh, mag-iingat ka. Baka mamaya gumising ang mama mo at hanapin ka," nakangiting sabi ni Kuya Romeo.

"Sana nga Kuya gising na siya pag-uwi ko." malungkot na sabi ko, pero sa kabila noon ay sinubukan kong ngumiti.

Lumabas na ako ng hospital at tinawagan si Jane. Matapos ang ilang pag-ring ay hindi pa rin sinasagot ni Jane ang telepono kaya naisip kong ibaba na lang at ilagay sa jacket na madalas ko namang suot. So, ano ngayon ang gagawin ko?

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya mabilis ko iyong kinuha. Baka si Jane na ito.

| Girl. Sorry sa missed call, nagmamaneho ako kanina. Nakuha mo na ba ang pera? If you want to talk, Meet me at starbucks, malapit lang ito sa bahay, isang sakay lang! ASAP.

PS. Kasama ko siya...|

Kasama? Sino? Ahhh.. Malamang si Mr. Smith ang kasama niya. Naexcite naman tuloy ako sa pagkakasabi niya. Dapat ko bang paghandaan ang Mr. Smith na 'yon? 

Hindi na ako nagreply kay Jane. Mabilis akong sumakay ng Taxi at awa ng diyos ay wala namang traffic kaya mabilis din akong nakarating sa nasabing Starbucks. Pagkababa ko ng taxi, agad na nakita ko si Jane dahil wala naman ito sa loob ng cafe, nandoon sila nagkakape sa labas, sa may green na tent. Ano ba ang meron sa green?

Lumapit ako sa kanila. Hindi ko naman makita ang lalaking kasama niya, nakatalikod kasi ito dahil nag-uusap sila ni Jane.

Hindi pa man ako nakakalapit, nakita na ako agad ni Jane. Mabilis na tumayo ito at lumakad papunta sa'kin para salubungin ako.

"Beatrice! I'm glad you're here, halika doon tayo para makilala mo na si Alexander." nilahad niya ang kamay sa upuan nila. Hindi man lang lumingon 'yung lalaki sa sinabi ni Jane. Napaka-misteryoso niya, gusto ko nang tumakbo papunta sa harap niya para makita ang mukha niya pero kailangan kong magmukhang disente.

Napatingin ako itsura ko sa naka-park na kotseng nadaanan ko. Letchugas! Dapat pala kahit paano inayos ko ang suot kong damit. Kahit damit man lang! Pakiramdam ko magmumukha akong ewan sa dalawang kasama ko. Nakasuot si Jane ng isang white cocktail dress na hindi lalagpas sa tuhod. Naka-silver high heels pa s'ya at mukhang pinaghandaan ang araw na 'to.

Kung titignan naman ang tela ng suot ng lalaking nakatalikod at nakaupo, malalaman mo agad na isa itong Damit pang-opisina! Ano ba ang iniisip ko?  Pinautang ako ng 100,000 nang ganoon lang kadali nitong lalaking 'to, malamang mayaman ito! Dapat nag-ayos man lang ako!

"H'wag kang mahiya! Maganda ka," ani Jane habang nakangiti ng maaliwalas. Mind Reader!

Hinatak ako ni Jane papunta doon sa lalaki at pinalakpak nito ang kamay ng dalawang beses. Napaka-weirdo talaga n'ya.

"Alexander Smith, Meet Beatrice Bartolome." pag-introduce ni Jane sa akin.

Sawakas ay lumingon na ang lalaki. Medyo gumalaw ang itim na itim na buhok nito nang lumingon ito. Bumungad sa akin ang likas na maputing mukha nito at ang batang batang itsura. My heart skip a beat after seeing his face, his whole figure.

TRIPLE X: Bitter-Sweet RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon