Nakatingin lang ako sa kanya, Hanggang sa mapansin kong unti-unting pinikit niya ang mata niya. Marahan, malumanay hanggang sa mag-mukha na siyang kalmado.
Dinilat nito ang mga mata at sinalubong ang sa akin. Unti-unti na naman yatang nahigod ang kaluluwa ko!
"Ipagpaumanhin mo, Hindi ako marunong magtago ng emosyon kung minsan." kalmado na ang ginamit nitong boses. Hay! Sawakas!
"Pasensya ka na rin, dapat akong magpakababa pero sinabihan pa kita ng halimaw."
"Walang anuman iyon. Kalimutan mo na.." Kinuha nito ang kape sa table at muling humigop. Nilasahan pa nito iyon ng mas matagal bago inilapag ang kape sa table. Muling nilingon niya ako.
"So, Ilang taon ka na pala Ms. Bartolome?" tanong niya.
"Mag be-bente dos na ako sa ika-16 ng buwang ito, Ikaw?"
"Hmm.. Bata ka pa pala. Bente nueve na 'ko."
Matipid lang akong tumango. Matanda pala siya sa akin ng pitong taon? Parang magka-edad lang kami sa itsura niya, mas bata pa nga. Mukha siyang bente. Bakit ganun? Tsk, Iba talaga ang nagagawa ng pera.
"Marami sana akong gustong sabihin sayo pero mukhang wala kang ideya sa lahat ng iyon, kaya baka bukas ko nalang sabihin. I'll fetch you tommorrow, magtext ka lang sa akin."
"Bakit hindi pa ngayon? Hindi lahat ng oras ko ay libre, may nanay akong hindi pa gumigising hanggang ngayon at dapat kong alagaan."
"Nanay? So you mean she's in comma?" mediyo kunot noo nitong sabi. "Mukhang hindi ka sinuring mabuti ni Jane. Ang babaeng iyon, ngayon lang siya pumalpak ng ganito!" bulong niya sa sarili. Sapat para marinig ko.
Palpak? Ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya, palpak si Jane sa pagpili sa akin bilang pauutangin ni Jane. Pero bakit naman kaya?
"Anyway, Gagawan natin iyan ng solusyon. Sa ngayon, ihahatid na muna kita." aakmang tatayo na ito, pero pinigilan ko s'ya. Nahawakan ko ang balat ng kamay niya dahil sa pagpipigil ko sa kanyang ihatid ako. At sa sandaling iyon, Parang may naramdaman akong dumadaloy na kuryente na nagbigay ng tensyon sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong parte dahil kalat ang kuryente gumagala, pero alam kong nagugustuhan ko ito. Ang balat niya, sobrang init.
Sobrang kinis at ang sarap hawakan. Ugh! Anong nangyayari sa akin?
Parang pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko dahil sa nararamdaman ko. Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya at muling umayos ng upo.
"H'wag ka nang mag-abala, Sir. May kakatagpuin pa kasi ako dito." sinabi ko kahit wala naman. Ayoko na siyang abalahin pa, mukhang busy siyang tao. Tsaka, paano na lang kapag nalaman niya ang bahay ko? Baka ipadampot niya ako kapag ginalit ko siya.
"Kakatagpuin?" kumunot ang kanyang noo sa pang-isang libong pagkakataon na yata.
"Sino namang 'yong kakatagpuin mo?"
"Matalik kong kaibigan. Actually, kakilala siya ni Jane.. Si Lucas!" nakangiting sabi ko. Siya na lang ang naisip kong paraan.
Pansin kong kumibot ang labi nito.
Tinitigan pa niya ako ng matagal na halos magpatunaw na ng aking mga laman. Shocks! Ano bang pagpapahirap ito? Hinihigop na nga mata niya ang kaluluwa ko, ngayon nama'y ang titig niya ang unti-unti tumutunaw sa akin! Isa siyang diyos ng kagwapuhan!
Gumalaw ang labi niya na parang may nais sabihin, pero muli niya itong tinikom at isinarado ang mata. Mabilis rin naman niyang idinilat iyon at tinignan ako. "Sa susunod, hindi na ito pwede Ms. Beatrice." tuluyang tumayo na siya at tumayo na rin ako.