My Other Side : One

6 0 0
                                    

                      "    H a i l e y   P a r k    "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                      "    H a i l e y   P a r k    "

H a i l e y POV
        Dinilat ko ang aking mata  , puro puti ang nakikita ko , kasabay ng tunog ng isang makina sa tabi ko .

"Gising ka na pala." Isang Tinig ng isang lalaki mula sa aking tabi , Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Huwag ka munang gumalaw di ka pa sanay dahil sa tagal na di ka nagising" Pigil niya sa akin at ngumiti. 

"S-sino ka?" Biglang tanong ko mula sa aking bibig . Napagtanto ko din na di ko alam kung bakit ako nandito sa lugar na ito , at kung SINO ako .

"Hahahaha." Natawa sya at muli ay humarap siya sa akin habang nagbabalat ng mansanas sa may side table .

" Ako ang Kuya mo. Ah .... Kaya pala bakit nga ba nalimutan kong wala kang maalala." At tumawa ulit siya . Ako'y nagtataka naman kung bakit ganun siya tumawa .

" H-hindi ko m-maintindihan. S-sino a-ako ?" At muli ay nagtanong ako dahil nalilito na ako.

"Ikaw si Hailey Park at ako ang Kuya Jacob mo . Jacob Park ." Sagot niya at sinubuan ako ng mansanas na binalatan at hiniwa niya. 

Ako si Hailey Park ? At siya ang Kuya ko ?

"Naguguluhan ka pa din ba ? Magkapatid tayo Hailey. Naaksidente ka kaya wala kang maalala." Paliwanag pa niya .

Hindi na ako sumagot at inisip ko na lang mabuti.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking naka puti na lab coat na sa tingin ko ay ito ay isang doctor at isang babaeng nakaputi gaya niya ay sa tingin ko ay isang nurse .

"Good afternoon Mr.Park and Ms. Park." Bati nito sa amin ni kuya Jacob.

"Dahil maayos na po ang pasyente , maari ninyo po siyang maiuwi Mr.Park ." Dagdag na paliwanag nito .

"Maraming Salamat Doctor Sanchez." Pagpapasalamat ng kuya ko .

Bago umalis ay may parang tinitingnan muna sa may makinang nasa gilid ko at ngumiti bago umalis.

Makalipas ang ilang oras ay uuwiPleakauwi na kami sa bahay DAW namin dahil di ko naman maalala na dito nga ako nakatira. 

"Welcome Home Maam Hailey at Sir Jacob." Isang matandang babae at nag bow sa amin .

Isang ngiti na lang ang binigay ko pero bakit ganun para bang nagulat siya na ngumiti ako sa kanya. Nakakapagtaka.

Diridiretso naman ang aking Kuya sa Pagpasok kasabay ang ilang lalaki na naka black suit habang bitbit ang bagahe namin galing hospital.

"M-maam h-ailey ? D-ito po ta-yo." Nauutal na sabi ng isang matandang babae.

"Mawalang galang po." Panimula ko na ikinabigla ko ng parang natakot sya sa akin.

"Maam ?! Hali-kaa na ho dito . Dito po ang inyong kwarto." Turo nya sa akin at dali daling umalis. 

Bakit ganun na lang ang kanyang reaksyon at tipong natatakot sa akin . Wala na akong nagawa at tinungo ang sinasabi nya kwarto ko .

Napansin ko na napakalaki ng bahay at tipong medyo maliligaw ka , maganda at classic ang style ng bahay .

Nagtungo ako sa isang napakalaking pinto at talagang namangha ako sa kwarto ko ay sadyang napakalaki ngunit makikita mong napakalungkot ng awra. Lahat ay Itim at pula ang makikita .

Mula sa gamit hanggang sa kama ay pula at itim ang tema ng kwarto ko.

Muli ay nilibot ko pa ang aking paningin hanggang sa umupo ako sa may gilid ng kama.

Ang lungkot , ang lungkot , lungkot ng lugar na ito yung tipong sumisikip ang dibdib ko.

Di ko namalayan na naluluha ako ? Bakit ako lumuluha ? Ang tanging nararamdaman ko lang naman ay malungkot na awra ng aking kwarto pero ang maluha ay nakakapagtaka .

Pinunasan ko ang luha ko at humiga sa kama . Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

"Hailey?" Tinig ng isang babae.

Nasaan ako ? Tila pa ay nasa ibang kwarto ako .

"Hailey ." Muli tawag ng babae sa aking pangalan .

Nakita ko ang babae na nakatali at tila di ko makita ang muhka niya . . Malabo ang kanyang muhka .

"Huhuhuhu" Iyak niya habang nakatali .

Sinubukan kong lapitan siya ng madapa ako at ng maiangat ko ang tingin ko sa babae at makabangon na din mula sa pagkakadapa ay tila natakot at nabigla ako sa aking nakita .

Wala ng buhay ang babae dahil sa laslas sa kanyang lalamunan at para bang matagal ng naagnas sa kanyang itsura . . .

" Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh " Tili ko at .....

" Hailey , Hailey !!!! " Boses ng isang lalaki at pagdilat ko ay ang kuya Jacob ko pala .

Hingal na hingal ang pakiramdam ko at pawis mula sa aking noo .

"Nananaginip ka lang." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko .

"Ah oo nga . Salamat at ginising mo ko kuya Jacob." Sagot ko habang hinihingal .

" Halika na at luto na ang pagkain. Kumain na tayo . okay . " at ngumiti sya sa akin.

Tumayo na ako at nag ayos ng sarili upang sumabay sa kanya bumaba .

_________________________________

Hello po . New story ko po . First timer po na nakagawa ng story here in wattpad .

Sana po magustuhan niyo . 😊

Vote and comment po para ganahan po si author na pagandahin ang istorya .

Love lots .

- CrimeFhrincexz

     

My Other Side ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon