My Other Side : Two

1 0 0
                                    

       

                     "   J a c o b   P a r k   "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


                     "   J a c o b   P a r k   "

Tatlong araw na .....  Tatlong araw na pala ako dito sa napakalaking bahay na ito . Ganun pa din ang mga tao dito , Tahimik at tila takot sa amin ng kuya Jacob ko .

Sinubukan kong kausapin sila pero sila ay lumalayo at tanging ginagawa lamang nila ay ang gawin ang kani-kanilang trabaho .

Medyo nabubugnot na ako dahil napakatahimik at kahit madaming katulong o guards dito ay akala mo mag isa pa rin ako. 

Sa Tatlong araw na nagdaan ay wala pa din akong naaalala ... 

Sa tatlong araw na nagdaan ay busy ang Kuya Jacob sa kung saan siguro sa negosyo ng aming pamilya .

At sa Tatlong araw na ito paulit ulit kong napapanaginipan yung babae na tumatawag ng pangalan ko .

Nakakabugnot nga naman talaga ..... Pero mabuti pa ay ilibot ko ang aking sarili dito sa napakalaki ngunit napakalungkot na bahay na ito .

Tinungo ko ang hallway na mahaba at magkakasunud sunod na mga pinto patungong hagdan na napakahaba para makababa. 

Nakita ko ang isang katulong na babae na nagpupunas ng mga kasangkapan sa may sala .

" Ate , ate . " Tawag ko sa isang katulong na babae na tila kaedad lamang kuya ko. 

Siya ay nabigla dahil tinawag ko siya. Ngumiti ako sa kanya at nagtanong .

"Uhm . Hi ate . " Panimula ko at lumapit sa kanya para makausap ko siya ng maayos pero umatras siya ng kaunti .

Ang weird pero di ko na pinansin ang ikinilos niya .

"Wag kang matakot . Gusto ko lang naman magtanong. " Sabi ko para maging kumportable siya sa akin. 

" P-Papatawad po maam." Sagot niya . Natuwa naman ako at nagtanong . " Uhm . may maganda bang lugar dito para makapaglibot libot ? " Tanong ko .

"Me-meron po maam . May Ga-garden po ang mansyon na to maam ." Sagot nya .

" Ah . Maari mo bang ituro kung saan ? Di ko kasi maalala kung saan eh ." Masayang tugon ko .

Itinuro naman niya at muling bumalik sa kanyang ginagawa .

Agad din akong nagpasalamat at nagtungo sa garden. 

Namangha ako sa aking nakita ........ Napakalaki ng garden na ito . Madaming ibat ibang bulaklak, berdeng damo at may mga paru-paro na tila nirerelax ka sa nakikita mo .

Agad naman akong Pumunta sa mga bulaklak na may ibat ibang uri. 

Habang pinagmamasdan ko ang mga bulaklak at mga paruparong lumilipad ay napansin ko ang di naman kalakihan na Tombstone ? Bakit may Lapida dito ?

My Other Side ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon