" I s a a c L e i g h t o n "
Isang Linggo na pala ..... Isang linggong ganun pa din ang kani kanilang ginagawa.
Isang Linggo ko pa din na nakikita yung babaeng malabo ang muhka sa panaginip ko , maging ang iyak ng Baby ay naririnig ko sa panaginip.
Minsan naisip ko bakit isang beses ko lang nakita yung baby dun pa mismo sa babaeng di ko makita ang muhka. Karga niya ito at nakakagulantang na bigla niya itong sasaksakin.
Kaawa awang sanggol dahil nagawa siyang patayin ng kanyaang sariling ina ... Ngunit nakakapagtaka na DITO sa mismong tahanan namin nangyari base sa panaginip ko .
Di ko alam kung parte ba iyon ng aking alaala o isang masamang panaginip lang .
Lahat lahat ay hindi pa malinaw . Pero may kutob ako na parte nga iyon ng aking nakaraan at may halo halong emosyon akong nararamdaman tulad ng lungkot at galit ?
"Anong iniisip mo?" Tinig ni kuya na di ko namalayan na pumasok sa kwarto ko.
Napagdesisyonan ko ng ikwento ang mga nakikita ko sa panaginip ko .
"Kuya Jacob ? May nakatira ba ditong isang babae at isang baby? Ang sabi mo kasi ang natatanging baby na natira dito ay yung anak mo .... Yung pamangkin ko.?" Tanong ko .
Umupo siya sa kama at habang akoy nasa harap ng salamin ..... Pinagmamasdan ko ang sarili ko at maging ang kuya Jacob ay kita ko dito.
Napansin kong parang nawalan ng emosyon ang mga muhka niya at di ako nagkakamali na naiyukom niya ang kanyang mga kamay.
"Oo meron." Sagot niya pero sa pagkakataon na iyon ay para bang humihikbi siya na tipong iiyak na.
Humarap ako sa kanya.
"S-sino siya?" Tanong ko ng may kaba.
"Si-siya? Ang Mommy natin." Sagot niya at tumingin sakin ng malungkot.
Ang Mommy? Siya ? Pero bakit may sanggol siyang karga at.....
May hawak siyang kutsilyo ....
"Yu-yung bab-y ? P-pina-tay siy-a ni Mo-mmy !" Galit na sambit ni Kuya Jacob at humagulgol siya ng iyak.
Bakit? Naman gagawin ng Mommy namin yun? At may isa pa kaming kapatid ngunit pinatay niya? Bakit ?!
"May isa pa tayong kapatid?"tanong ko at lumapit ako sa kanya
At ....
Niyakap niya ako habang umiiyak siya ... Ramdam na ramdam ko ang paghikbi niya at ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sakin...
Maya maya pa ay tumigil siya sa pag iyak at paghikbi.
" Hindi natin siya kapatid dahil---"
Di na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil biglang may kumatok sa pinto .
*tok,tok,tok,tok,tok*
"Sir? May tawag po sa telepono." Sigaw ng babae mula sa pinto iyon yata ay isa sa katulong namin .
"Excuse me Hailey." At siya umalis na.
Mommy namin ? Ang baby na nakikita ko sa panaginip ko ay di namin kapatid ? Kaya siya pinatay ni mommy ? Pero bakit ? Isa iyon na baby at kaawa awang baby.
Sumisikip ang paghinga ko .... Napaupo ako sa gilid ng aking kama .
Unti unting nababasa ang mga mata ko , di ko namalayan na umiiyak ako .
Nagagalit ako at nalulungkot pero mas nangingibabaw ang galit ko. Bakit galit na galit ako ? Bakit ganito ang emosyon na nadarama ko.
"Ano ba talagang nangyari at di ko maalalang mabuti?" Bulalas ko sa aking sarili .
Makaraan ang ilang araw ....
Ay sinurpresa ako ni Kuya Jacob dahil inienroll niya ako sa isang university at good news iyon para sakin para mawala ang mga iniisip ko tungkol sa mga alaalang di ko maintindihan .
Ngayon ay first day ko bilang isang College student sa course na business management sa Beverly University.
sabi ng kuya ko ay ito din daw ang dati kong school ngunit di ko lang daw natapos dahil sa nangyari .
At di niya naikwento kung ano ang nangyaring sinasabi niya dahil may tumawag sa phone niya na tungkol sa kumpanya .
Nasa point ako ngayon na nag aayos ng gamit sa locker ko ng mapansin kong iba ang tingin sakin ng mga estudyante dito .
Bakit ganun na lang ang tingin nila sa akin na para bang hindi ako tao .
Di ko na lang pinansin at nagdiridirestso sa room na kung saan ang unang klase ko.
Napagtanto kong late na pala ako..... Lahat pala sila ay nandun na pero buti na lang ay wala pa ang guro .
Lahat ng mga estudyante ay may ibat ibang agenda na ginagawa .
Umupo na ako sa likod dahil yun na lamang ang natitirang upuan sa likod .
Tamang tama ay Bawas isipin . .
"Psst."
Lumingon ako sa kanan .
"Hi." Sabi ko na lang at umayos ng upo.
"Im Isaac Leighton." Pagpapakilala niya at inilahad niya ang kamay niya.
Tiningnan ko lang ang kamay niya at tinanggap iyon.
"Hailey , Hailey Park." Pagpapakilala ko at ngumiti .
"Nice to meet you hailey." Sabi niya bago niya bitawan ang kamay ko .
"Bago ka ba dito?" Tanong niya pero this time kinuha niya yung upuan niya at lumapit sa tabi ko .
Medyo Awkward kasi Feeling Close agad siya.
"Ah oo ee." Sagot ko at medyo umuwong dahil sa paglapit niya.
"Ako din eh . hehehe ." Dagdag niya pa at kumamot sa ulo .
cute pala siya ... Eh ? Grabe naisip ko agad na cute siya ?!
"Okay class . Go back to your seats . "
Dumating na pala yung professor namin at nagkanya kanyang balik na ang mga estudyante sa kanilang mga upuan .
"Sabay tayo mag lunch mamaya hailey." Sabi niya bago umalis sa tabi ko .
Grabe ! Sa tingin ko napakayabang niya at feeling close siya .
Maya maya pa ay nagsimula na magturo ang professor namin.
____________________________________
hello , Sabaw pero di susuko na makumpleto ito .
Vote , vote and comment .
Love lots,
-CrimeFhrincexz
BINABASA MO ANG
My Other Side ( On Going )
Mystery / ThrillerPaano kung nakakilala ka ng isang tao na di alam kung SINO siya , kung ANO siya at BAKIT ganun siya ...... TATANGGAPIN mo pa din SIYA sa Kabila ng kanyang nakaraan ?