"Manhid Ka"
Ako'y susulat ng tula
Para sayo aking sinta
Nais ko lang ipabatid
Na ako'y umiibig
Sa tulad mong manhid!Lihim na kay hirap sabihin
Ay aking sasambitin
Ngunit wag mo sana itong balewalain
Sapagkat ito'y napakahalaga sa akinManhid ka ba talaga?
'Pagkat feelings ko para sayo'y 'di mo nahahalata?
O' sadyang dedma ka lang talaga?Saan man ako magpunta
Nais na ikaw lagi ang nakikita't nakakasama
Ikaw lagi ang laman ng aking panaginip
Hanggang sa paggising ikaw parin ang iniisipHirap na hirap na akong umakto
Gustong-gusto ko ng magtapat sayo
Na ikaw ang gusto ko
Ngunit natatakot ako
Natatakot ako na dito agad matapos ang istoryang ito
Natatakot ako na baka bigla ka nalang lumayo
Kaya minabuti ko na lamang itago na muna itoAng hirap magmahal ng patago
Yung tipong nasasaktan ka na nga
Pero kailangan mo parin itago
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang kasama mo siya
Nasasaktan ako sa tuwing napapasaya ka niya
Pero mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka ng dahil sa kanya
Hindi ko lang pinapahalata
Syempre 'di mo yun pansin diba?
Kasi nga manhid ka!Bakit gano'n, kung sino pa yung gusto mo
Siya pa yung kailanman hindi magiging sayo?
Hindi ba pwedeng sana ako nalang?
Hindi ba pwedeng sana ako naman?Sa oras na malaman mo ito
Isa lang ang hiling ko
'Wag ka sanang magbabago,
At lalong
'Wag na wag kang lalayo
Dahil masasaktan ang puso ko at magsisisi
Na sana hindi nalang ako umamin sayo.---
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryGusto mo siya pero nahihiya kang umamin sa kanya? Crush mo pero manhid? Mahal mo pero kaibigan lang tingin sayo? Umaasa ka parin kahit alam mong may iba na? Try to read this I'm sure makakarelate ka. Just dont PLAGIARIZED okay? .. Here we go!