#1 Gusto Na Kita

9.4K 50 12
                                    

"Gusto na Kita"

Noong una akala ko normal lang 'tong nararamdaman ko para sayo
Kahit na minsan nakakainis pero madalas nakakamiss

Sa paglipas ng mga araw, at lubusan din kitang nakilala
Naging komportable tayo sa isa't isa

May oras din na tayo'y nagkakatuwaan, nagtatawan, naghahampasan
May mga oras din na tayo'y nagkakatampuhan

Sa tuwing kasama kita ewan ko ba parang wala na akong makitang iba pa
Kundi ang iyong maamong mukha

Basta ang alam ko masaya ako sayo
Alam kong kaibigan lang ako
Pero hindi ko rin maitatangging
May gusto na ako sayo

Hindi ako makatingin sayo ng direcho
Feeling ko kasi matutunaw ako
Hindi ko man maamin sayo itong tunay na nararamdaman ko
Sana sapat na para mapansin mo sa mga kilos at gawi ko

Gusto kita
Gusto kita mula gabi hanggang umaga
Ngayon ko lang napagtanto
Ang lakas pala ng magnet mo
Kasi tuwing nakikita kita
Naaattract ako

Napakanatural ng iyong tawa
Kaya pati ako nahahawa
Ang sarap mo kasing kasama
Simple ka lang naman kung pumorma
Pero bakit hindi ko maiwasan pagmasdan ka

Sa ngiti mo ako'y nahumaling
Kaya pati puso ko biglang tumambling

Cheesy na kung cheesy
Pero grabe iba talaga ang dating mo eh
Ibang iba ka talaga
Yung tipong inis na inis na ako sayo
Nagagawa mo parin patawanin ako

Ano bang ginawa mo at bakit ako nagkaganto?
Ikaw ang laging bukambibig
Pero ayokong dumating sa point na ikaw na ang iniibig

Ayokong mahulog sayo
Lalo na sa mapang-akit na ngiti mo
Kasi alam ko naman na wala kang balak na saluhin ako
Pero...
Anak ng tofu!
Tinamaan na yata ako sayo.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon