#4 Panandaliang Saya

380 6 0
                                    

Panandaliang saya
Dito nag-umpisa ang istorya nating dalawa
Sa loob ng panandaliang oras, araw, linggo at buwan na nakasama kita
Nakaramdam ako ng saya
Sayang panandaliang lang pala

Dahil alam kong hindi tayo ang itinadhana para sa isa't isa
Sadyang napakamapagbirong tadhana
Kung kailan ko napagtantong mahal na kita
Doon din nagsimulang masaktan ako ng sobra
Dahil sa pagsampal sa akin ng katotohanang ako'y isang kaibigan lang pala

Ngunit bago ako magdrama
Nais ko munang alalahanin ang mga alaalang nagpabago sa akin
Naaalala mo pa ba?
Yung mga panahon na umiyak ako dahil sa lungkot na nadarama?
Ngunit naibsan ang lahat ng n'yon dahil nandyan ka

Nandyan ka nang-aasar, nangungulit,
pilit mong pinapagaan ang aking loob
Kahit na magmukha ka pang shunga
Makita mo lang akong mainis at matawa
Yung tawa mong parang wala ng bukas
Dahil kung makatawa ka ay wagas

Panahon ay lumipas
Bawat sandali ay tila napakakomportable
Nasanay na akong nandyan ka lagi
Ito na nga ba ang kinatatakutan ko
Ang masanay sa mga bagay na minsan ko lang maranasan
Mga bagay na panandalian lang
At lumilipas na lang

Natatakot na ako
Natatakot akong baka isang araw di na kita maramdaman
Na kapag lumingon ako wala ka na sa tabi ko

Natatakot ako na baka 'di ko na muling masisilayan ang mga ngiti sa iyong labi
Natatakot ako na baka 'di ko na muling maririnig ang mga mapang-asar mong linya at tawa

Pero alam mo mas natatakot ako na baka hanap-hanapin ko lahat ng 'yon
At ipagkait na sa akin ng pagkakataon
Dahil malayo ka na at 'di na kita kayang abutin pa.


**
Nothing is permanent. People come and go. That's how life sucks. Changing is part of growing. So life must go on and on.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon