SCENE #1
Ako: (Nag-aabang ng tricycle....maya maya may tricycle na dumaan)
Manong Driver: Trade ?(nakasanayang tawag sa school namin)
Tinitigan ko si Manong Driver at yung ibang estudyante na nakasakay sa tricycle niya......
Ako: Kuya ? Yung totoo driver ka ba o magician ? PAANO MO KO MAPAGKAKASYA DYAN EH PUNO NA ?
Manong Driver: Kasya pa yan.
Ako: Ah talaga ba kuya ? San mo ko pauupuin sa bubong ? Tsaka kuya hindi mo man lang ako sinabihan na may larong Cash-ya pala sa loob ng tricycle mo.
GIGIL MO SI AKO...
PS. Huwag ganon pag dinakasya wag ng ipilit. Masasaktan ka lang.
SCENE #2
Ako: (Nakasakay sa tricycle papasok ng school)
Ako: Manong bayad po..(Nag-abot ako ng 50 pesos)
Manong Driver: (Sinuklian ako ng 20 pesos)
Ako: Manong bakit 20 lang po yung sukli ko ? (20 lang naman talaga kase pamasahe papuntang school)
Manong: Ganun talaga.
Ako: Manong anong ganun talaga ? Wala naman hong traffic ah bakit trenta ?
Ako: Bakit manong anong palagay mo sakin DALAWA ?
GIGIL NIYA SI AKO...
PS. Kuya huwag ganon napaka gulang mo tsaka kuya try mong palitan yung upuan ng tricycle mo ang panghi na eh. Try mo lang naman.
YOU ARE READING
GIGIL NILA SI AKO
RandomTALIKURAN ANG MASASAMA. SAFE KA KUNG DALAWA LIKOD MO. HAPPY LANG BAWAL ANG BADVIBES