MAGULONG MUNDO

214 14 1
                                    

Naguguluhan ako. Ang dami kong tanong. Bakit ganon ? Bakit ganire ?

Pumasok ako ng bahay dahil sobra akong naguguluhan. Pagpasok ko ng bahay mas lalo akong naguluhan.Bakit doormat ang tawag sa doormat ? E hindi naman siya hugis door.

Naisipan kong pumunta na lang ng kusina pero mas lalo akong naguluhan sa sarili ko. Bakit ako pupunta ng kusina e wala naman kaming kusina ?

Naupo na lang ako sa sala namin pag upo ko nakakita ako ng pizza naguluhan na naman ako nung buksan ko yung kahon ng pizza. Bakit ang pizza bilog pero yung lalagyanan niya square ?

Nakakainis, kaya nagbukas na lang ako ng tv pagbukas ko ng tv boxing ang palabas naguluhan na naman ako. Bakit ang Boxing ring ay square hindi ba dapat bilog ? Kase ring nga eh may ring bang square ?

Kaya nagpunta na lang ako sa kwarto ko. Sinabihan ako ng nanay ko ng ANAK ALAM KONG NAGUGULUHAN KA PUMASOK KA NG ESKWELAHAN AT MASASAGOT ANG MGA TANONG MO.

Sinunod ko yung nanay ko pumasok ako ng eskwelahan.

Habang nasa jeep ako naguluhan na naman ako. Sapagkakaalam ko kase ang jeep para sa tao lang eh bakit may unggoy akong kasabay ?

Finally nakarating na ko sa aking silid-aralan pero mas lalo lang akong naguluhan.Bakit tinawag na blackboard ang blackboard samantalang kulay green ito ?

Naisip kong wag na lang pumasok dumiretso ako sa canteen para kumain bumili ako ng hamburger tsaka hotdog pero naguluhan na naman ako. Hamburger pero walang ham ? Hotdog pero walang dog ?

Umalis ako ng school dahil gusto kong magpakalayo layo naguguluhan na ko hanggang sa makarating ako sa isang grocery store. Puregold pero green yung logo ?

Nagpakalayo layo ulit ako hanggang sa makarating ako sa isang drugstore. Kelan pa napunta ang mercury sa earth ?

Naisip kong umuwi na lang pag uwe ko ng bahay.

NANAY: Anak san ka ba nanggaling ? Labas ka ng labas ang itim itim mo na.

Tignan mo pati nanay ko naguluhan narin. Nakalimutan niya yatang siya ang nagpapasok sakin sa eskwelahan.

Naguluhan ako. Paano ako naging maitim eh hindi naman itim ang balat ko, brown.

AKO: Nay, ano ulam ?

NANAY: Itlog na pula.

Paano naging itlog na pula yon ? Eh kulay violet ang kulay non. Hindi ba dapat itlog na lila.

Walang sagot sa tanong kung bakit ang gulo ng mundo.

GIGIL NILA SI AKOWhere stories live. Discover now