Crilex
Pinadala mo na ba? Walang emosyon na tinanong ko sa kanang kamay kong si Phoenix.
Nagpadala ako ng mga scorpion sa bahay ng Revalo, ang pinakamalakas na mafia clan.
Bakit ko ito ginagawa?
Simple lang, gusto kong sumunod sila sa kagustuhan ko.
Hindi pa sapat ang kanilang buhay, upang makabayad sa kanilang utang na loob.
Hindi ako isang anghel na tumutulong, pero lets say may nagawa akong kunting kabaitan.
Flashback
"Revalo, Kapalit ng mga armas na ito ay ang pinakamamahal mong anak si Emania" walang pakundangang sinabi ni Oxfore ang leader ng Tycoon Mafia.
"Hindi ko kailangan ng mga armas mo infact Madami pa akong puwedeng maging supplier hindi lang ikaw" tatalikod na sana si Mr. Revalo ng tutukan siya ng napakaraming baril.
One wrong move ay mamamatay siya.
"Anong ibig sabihin nito Oxfore?" Nawala na ang kumpiyansa ni Mr. Revalo at tila kinabahan ito sa sitwasyon niya.
Baaaaaaang! Baaaaaang !
(p.s. Baril sound effect 😂)Napatakip ng tenga si Mr. Revalo at tinignan ng mabuti ang kanyang sarili.
Hindi pa siya patay.
Pero sino ang bumaril?
Napatingin siya sa lalaking nakadamit ng itim at walang emosyon ang makikita sa mata nito.
Napatingin siya kay Oxfore at tila natakot ito. Na hindi na makagalaw sa kinatatayuan niya.
"B-buhay ka? Pinapatay na kita Scorpion" nanginginig at hindi makapaniwalang tanong ni Oxfore.
"Nakakalimutan mo yatang masama akong damo MASTER" may halong pang iinis na sinagot ni Scorpion.
"Hindi to puwede! " itinutok ni Oxfore ang baril kay Scorpion at pinaputok ito ng hindi pinag iisipan.
Pero nabigla nalang ito sapagkat wala ng bala ang baril nito.
Napangiti ng nakakaloko si scorpion na parang demonyo pero wala paring emosyon na makikita sa kaniyang mata.
"Ako naman ang papatay sayo Oxfore " Kasabay ng huling salita ni Scorpion ay binaril niya ito at wala ni sino mang tauhan ni Oxfore ang tumulong sa kanya.
Ang hari ng Tycoon ay nagbalik na.
Napatingin si Scorpion sa lalaking nakatuxedo ng kulay pula na tila makikitang ito ay napakamayaman at talagang kinatatakutan sa mafia world.
"Kunin mo na ang mga armas, wala na yang kuwenta sa organisasyon ko" walang emosyong sinabi ni Scorpion na sa tono ng boses nito ay parang nababagot ito sa kausap.
"Paano kita mababayaran sa ginawa mo? At sino ka?" naguguluhang tanong ni Mr. Revalo sa kanyang kaharap.
"Tatawagan nalang kita kapag kailagan na kita, ako si Scorpion Crilex ang hari ng tycoon mafia"
At naglakad na papalayo si scorpion at iniwan ang mayaman na si Mr. Revalo.(end of flashback)
Aabot sa 3 trillion pesos ang halaga ng baril na kinuha ng organisasyon ni Revalo kaya kay langan nilang sumunod sa kagustuhan ko.
Kung ayaw nilang maghirap.
Mayaman si Revalo.
Pero mas nakakahigit ako.