Prologue

60 7 5
                                    

Seth's P.O.V.




Napatigil ako ng lakad nung nakita ko yung nagpe-perform sa stage.



"Jos, anong school yung nagpe-perform?" Tanong ko sa kaibigan ko.



"Glendale University ata?" Sagot nya naman. Glendale yon? Laki ng pinagbago ng group nila. Tsaka, parang may bagong member? Tatlong babae, at pitong lalake na sila ngayon eh. "Oh? Mukhang may bago oh. Diba anim lang sila last year?" Tanong ko, kahit alam ko na yung sagot.



Baka kasi kilala ni Jos yung bago, hehe.



"Oo, yung maputi na chinita yung bago. Ganda nya 'no?" Sabi ni Jos, habang nanunuod. Hala, nagandahan din si Parekoy. Ia-apply ko na ba ngayon yung bro code?



"Oo nga eh, kilala mo ba?" Tanong ko. Napatingin siya sakin. "Hindi, pero alam ko kung pano." Ngumisi ito sakin.


Binatukan ko siya. "Hoy, kapag may kasamang katarantaduhan yan, wag na ah! Sipain kita eh."

"Hindi! Basta, ako bahala sayo." Kumindat pa ang loko. Napaismid nalang ako. Jusko po, kung ano man balak nito, Lord sorry po.



Nalaman nalang namin na tapos na sila sumayaw nung magsigawan ang mga tao.



"GUDC! GUDC! GUDC!"



"Hala shet tayo na pala next!" Nagpanic ako, at hinila si Josiah papunta sa grupo namin. Nakita ako ni Lauren kaya piningot niya kaming dalawa ni Jos papunta sa grupo namin.



"Kayong dalawa talaga, diba walang manunuod ng sayaw ng kahit kanino?" Sabi ni Mameh. Siya kasi ang leader namin, dahil grade ten na siya at gurangers na. Pinaka petmalu din sumayaw!




"Eh, Mameh, di naman namin sinasadyang panuorin eh!" Walang kwentang dahilan pa ni Josiah. Binatukan ko nga.



"Magsisinungaling ka nalang, bobo pa!" Sabi ko. Pano kasi, 'di marunong gumawa ng convincing na dahilan. Oh, pak! Convincing, english mehn HAHAHA k.



"Oy guys, galingan natin ngayon. Mukhang may chance Glendale." Bungad ni Damon. Kulit ng name nya no? Damon, parang dahon, hehe.


"May bago silang dancer, chix pre! Ganda pramis." Sabi naman ni Joaquin. Nakipag apir ako, "Diba? Kaya ako nanuod eh!"

"Mamaya na kayo lumandi, next na tayo oh. Pumila na sa labas." Sabi naman ni Aron.



Bago kami pumila, nag dasal muna kami sandali at tsaka sinabi, 'ADC!', na meaning ay 'Aceford Dance Company'.

Nag formation na kami sa stage at nagsisigawan na din ang mga taga school namin na pumunta para isupport kami.


Nang mag start ang music, una akong sumayaw dahil ako ang in-assign dun.



***

Third Person's POV


"Good job, GUDC! Sana next week may practice pa tayo, for Regionals." Sabi ng coach nila, na dahilan sa pagsigaw nila.

"Tiwala lang, Kyah!" Sabi ni Carissa. "Sana magkaron tayo ng place, last year ko na 'to eh." Sabi naman ni Janella. Niyakap ng grupo ang kanilang leader.



"Mamimiss ka namin, Mamsh!" Sabi ni Christian, at ginulo ang buhok nito. "Letche ka wag mo guluhin buhok 'ko!" Sigaw naman ni Janella.




CapturedWhere stories live. Discover now