3: After the Game

21 4 1
                                    




Tune up game pa lamang ito, pero para na silang naglalaban para sa RUSC. Ang mga taga Glendale ay nandoon at nags-support sa team nila, ganun din ang sa Aceford.





"Vamos, Glendale!" Chant ng mga nanunuod. Todo support ang mga taga Glendale at naka blue pa sila, dahil yun ang school color nila.





"I LOVE YOU ATENG NAKA-BLUE!" Sigaw ni  Jancel, at ang mga naka-blue ay ang volleyball girls ng Glendale. Tumawa sila Christian dahil sa loko-lokong si Yuri.





Natapos ang last set, nang dinrop ball ni Alexis ang bola papunta sa kabilang team, na hindi na-receive ng Aceford girls.





Nagsigawan ang mga taga Glendale. "Vamos, Glendale!"





"Nice game." Ang mga naririnig nang nakipag shake hands ang Glendale girls at Aceford girls.





Nang natapos sila, ang boys naman ang nagsipag-prepare para sakanilang game. Nang tumayo na ang first six ng Glendale, ay nagsipag-tilian na ang mga babae.


"Kaya 'to! Tune up lang 'to. Laro-laro lang, okay? Manalo, matalo, cute parin tayo. Jump high, spike hard, vamos, Glendale!" Sabi ni Christian at saka sila nagpunta sa court.








Napunta ang bola sa Glendale, at sinervice-an ni Christian. Dinig na dinig ang lakas ng palo nya sa bola sa loob ng covered court. Sinet ito ni Jos, at ni-receive ni Seth.





***


"Vamos, Glendale! Vamos, Glendale!" Ang chant ng mga manunuod nang magse-serve na si Lucas.





"ACEFORD! ACEFORD!" Ang narinig sa buong court. Nanalo ang Aceford laban sa Glendale. Nang matapos na ang laro, nakipag shake hands sila.








"You did well." Bulong ni Alexis kay Christian, at tinapik ang likod nito. Tuwang tuwa naman ang coach ng Glendale, dahil kahit natalo sila, ay masaya parin sila.





Nagsipag-uwian na ang mga tao, bukod pa kay Alexis, Christian at sa first six sa Aceford Volleyball Boys. Nagpupulot ng mga bote si Alexis, habang si Christian ay inaayos ang mga upuan.


Binatukan ni Seth ang mga kasama niya. "Ano ba yon?!" Sigaw ni Jos sakanya. Tinuro ni Seth si Alexis, at pinandilatan ang mga kasama niya. Agad agad naman silang pumunta kay Alexis para tulungan magpulot ng basura ito.


"Oh, sige, okay lang! Ako na dito. Bakit hindi pa kayo umaalis?" Tanong ni Alexis sakanila. "Tulungan ka na namin." Ngiti ni Hans sakanya, at nagpulot ng mga basura.





Pagkatapos nilang maglinis, nilagay ng Aceford ang plastic bag sa may malaking basurahan. "Thank you, ah?" Sabi ni Alexis, at ngumiti. "Wala lang 'yon. Una na kami!" Paalam nila sakanya.


Naglakad si Alexis papunta sa bench nila para kunin ang bag niya. "Lexis, uwi na 'ko ah? Ingat ka paguwi!" Sabi ni Christian at kumaway. Tumango si Alexis, "Yeah, you too!"





"Tapos ka na?"





"JESUS CHRIST!" Sigaw ni Alexis at nabitawan pa ang tumbler niya. "Seth!"





"Hahaha! Sorry na! Gulat ka nanaman sa kagwapuhan ko." Kumindat pa ito. "Char! Tara uwi na tayo." Sabi ni Seth, at binitbit na ang bag ni Alexis.


CapturedWhere stories live. Discover now