4: Yerida

45 2 4
                                    




"Oh sakay na! Palengke! Palengke! Sa 7/11 ang baba!" Maingay na bungad ni Red, nang sinundo si Alexis sa kanila.



Ngayon sila pupunta sa Yerida, at ang aga aga para sa energy ni Red. "Hinayupak ka, ang ingay mo, alas kwatro palang!" Inis na sinabi ni Janella, at binatukan ito. "Sorry na! Excited ako eh, hihi." Pagdadahilan niya.


Tinulungan ni Ivan na kunin ang gamit ni Alexis. "Dun ka na sa may bintana." Sabi ni Ivan, at tumango naman si Alexis.

Tahimik siyang sumakay sa van na bitbit ang unan niyang maliit, tsaka ang phone at earphones niya. Sinalpak niya ang earphones sa kaniyang tenga, at natulog nalang.



***

"PAGBIGYAN MO NA SANA AKOOO!" Sabay sabay nilang kinanta. Nasa kalahati palang sila bago makarating sa Yerida, at gising na ang mga tao.


May mga energy na sila, hindi tulad kanina'ng alas kwatro ng umaga na lahat ay bangag. "DI NAMAN AKO TULAD NG INAAKALA MO!"



"DI NAMAN AKO GWAPO, WALA RING AUTO AT ANG KAYANG IBIGAY LANG AY ANG PUSO KO."



"KAYA WAG MO NA SANA AKONG ITABOY, KASI DI NAMAN AKO FUCKBOY!" Sabay sabay nilang kinanta, o sinigaw.


Nagtawanan silang lahat sa kaguluhan nila, pati ang coach nila ay nakikisali na din.



Puro ingay, tawanan, kantahan ang naririnig sa van ng Glendale Dancers papunta sa Yerida.
Masaya si Alexis dahil sa unang beses niyang nakalaban, ay nakaranas siya ng ganito.


"EX B!!!" Sigaw ng mga lalake, kaya natawa silang lahat dahil gayang gaya nila ang tono. Nagkakantahan sila at nagkakasiyahan, na pati ang nagda-drive ay natatawa na rin sakanila.


Napatingin si Alexis sa phone niya nang nag-vibrate ito sa kanyang binti.



8:34 AM.
Seth: {Eyy asan na kayo?
Seth: Tulog ka ba?}

Seth: {Malayo-layo yan
Seth: Ingat kayo ha?} 

9:12 AM.
Seth: {Tulog ka parin ba?}

{hello haha kagigising ko lang po,
sorry. i think nasa la elias na kami?}

Seth: {Oww, sige ingat kayo ha?
Seth: Nag stop over na kayo?}

{opo opo}
{hindi pa, pero eto na ata}

Seth: {Okay, kumain ka ah?
Payatot mo na}

{-__-}

Seth: {HAHAHA kems lang.
Taba ng cheeks mo pero
  kumain ka marami, mahaba
haba pa yang babaybayin nyo}


Napangiti si Alexis, at binaba ang phone niya. "Yieee, may ka-text 'tong si Alexis!" Tinuro siya ni Andre. Agad naman sinampal ang kamay niya. "Issue ka eh, no?" Tinignan siya ni Alexis ng masama.

"Ay! Alam nyo ba! Nakita ko 'yang si Alexis tsaka si Seth, nasa isang restaurant hihi." Pag-chika naman ni Maui.

Nanlaki ang mata ni Alexis. "Weh kelan nga?" Tanong niya. Ngumisi sakanya si Maui. "Last week, nung after ng tune up game niyo."


"YIEEEEEE NAGDE-DATE NA PALA AH."


"LIGAWAN STAGE NA BA KAYO?"


CapturedWhere stories live. Discover now