Chapter 2

21 3 1
                                    

Chapter 2

Ang sarap lang sa feeling pag maganda yung napanaginipan mo no? Alam mo ba kung ano yung akin? Or rather kung sino? O! Excited ka? Yii! Ako din e haha!

Si Paul lang naman at ako ang nasa panaginip ko. We're in a very romantic place at may nakahandang candlelit dinner. Basta nagdate kami, yun lang naaalala ko.

Pero alam mo yung nakakabasag ng trip? Kapag may narinig ka sa panaginip mo na alarm clock tapos magigising ka. Yun! Sa galit ko kinuha ko yung alarm clock at hinagis sa may pader. Ayun, naging lima.

At ang panaginip may aftermath.

Habang nagmo- moment ka sa kama mo at nagpapabalik ng huwisyo, maiisip mo na lang na medyo masakit din pala. Na ang panaginip mo ay panaginip na lang talaga. Hinding- hinding mangyayari sa reality.

At maiisip mo din na bakit ka ba nag-e-emote diyan? Umagang- umaga, ang drama mo.

-----

Nasa shed ulit kami, tambay na naman. Saktong dumaan si Paul sa harapan nang tinawag at pinalapit siya ni Mark (na SC officer). Napahigit ako ng paghinga. Woo!

Humahagikgik lang ang mga kasama namin na nanunukso at kinikilig. May narinig pa nga 'kong ang pula- pula ko daw.

May binulong si Mark kay Paul at nakita kong sumulyap sila sakin. Nagulat ako ng magtama ang tingin namin, napayuko ako. Lalong kumalabog ang tibok ng aking dibdib (kung meron man).

"Tangina, subukan mo Mark." Bulong ko. Narinig ni Jess ang mura ko kaya sinapak niya ako sa braso at malakas na sinabing "Bes, 'wag ka ngang magmura!" Tingnan ko siya ng masama at sinabing "Gusto mong mic? O. Tss." Sabay abot sa bibig niya ng kamay kong nakaform na parang mic. Nag- hehehe lang siya.

Nakakainis, ang lakas ng pagkakasabi niya at parang gusto niya pang ipaabot kay Paul na ang lutong kong magmura. Gusto niya bang maturn- off sakin si Paul? Joke lang. Ako talaga ang samang mag- isip. HAHA!

Bulung- bulungan pa rin ang mga kaklase ko na parang mga bubuyog na kinikilig, lalo na ang mga babae. Tapos yung mga walang hiyang lalaki sumisigaw ng "Oy Bes ni Jess, siya na ba? Siya?"

May binubulong pa rin si Mark kay Paul na hindi ko alam. Ang alam ko medyo close silang dalawa. Nung second year kasi representative si Paul ng kanilang section. Kaya ayon, malandi kasi si Mark, alam mo na  

50-50. Hahaha! Biro lang.

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaklase ko na parang "Mga gago kayo. Humanda kayo sakin mamaya." Tinatawanan lang nila ako. Inungusan ko sila lalo.

Sinulyapan ko ulit sina Mark at nakitang nakatingin na naman sila sakin. Nilakihan ko ng mata si Mark. Tanginang puso, ang lakas ng kabog.

Mas lalo akong kinabahan ng naglalakad papalapit sa gawi namin si Paul, na ang tingin ay nasa akin lang.

Napahigit ako ng hininga nang tumigil siya sa mismong harapan ko at sinabing "Happy birthday."

Napa- "huh" ako at tiningnan siya ng nagtataka.

"Sabi kasi ni Mark birthday mo daw ngayon." Sagot niya sa tingin ko. Napatingin ako kay Mark na nakangiti lang ng nakakaloko. Langya nanti-trip na naman to.

Binalik ko ang tingin ko kay Paul sabay hinga ng malalim.

"A-ah ano hinde, nanloloko lang yan. Tapos na birthday ko." Sabi ko ng magkaroon ako ng lakas ng loob.

"Huh? Gago ka talaga no Mark?" Sabi niya ng natatawa habang nakatingin kay Mark.

Nagtawanan ang mga kaklase kong nakakita sa panlolokong ginagawa nila samin.

Napalunok ako, tae siguradong nakakahalata na to. Pwera na lang kung bobo.

May narinig akong nagsabi ng shake hands. Tapos sabay sabay na hanggang sa nag chi- cheer na silang lahat. Naramdaman kong mas lalong uminit ang pisngi ko.

Napakamot naman ng batok niya si Paul habang nakangiti. Nag- aalangan siyang tumingin sakin ng hindi inaalis ang ngiti sa mukha niya, close lips smile. Gwafo shet!

Inilahad niya ang kamay niya sakin para makipag shakehands, tumikhim at sinabing,

"Hello, I'm Paul. Anong pangalan mo?"

Habang nakatingin ako sa mukha niya, tapos sa kamay niya, pabalik sa mukha. Parang mabilis na sumagi sa isip ko ang lyrics ng kantang A Thousand Years- heart beats fast..

Heart beats fast talaga.

Agad kong tinanggap ang kamay niya at nauutal na sinabing

"A-ano, Ako si- " pero hindi na 'ko pinatapos ng mga kaklase ko at sabay- sabay na sinigaw ang "BES NI JESS!"

Nagpanting ang tenga ko hindi dahil sumigaw sila, kundi dahil sa isinigaw nila. Bes ni Jess na naman? Pati ba naman ito hindi nila pinalampas?

Natawa si Paul sa narinig niya.Yown! Heaven! Pampawala ng badtrip.

"Hi Bes ni Jess, nice to meet you." Sabay galaw ng magkahawak naming kamay at bumitaw na.

"Number!" sigaw ni Anne. At parang katulad ng nangyari sa "shakehands" kanina, nag cheer na naman sila ng "number."

Napatingin ako sa kanila at mabilis na iniling iling ang ulo ko na sinasabing "wag!" pero hindi pa rin sila tumitigil. Nakatawa silang lahat. Mga tarantado.

"Oy! Tumigil nga kayo!" sabi ko ng naiinis sa kanila. Nasa harapan ko pa rin si Paul na nakatingin din sa mga kaklase ko.

Hindi pa rin sila tumitigil sa pangangatyaw. May mga nagsasabi pa ngang ang pakipot ko daw. Eeeee kayo kaya ang dito?!

Nagsalita si Jess na nakikicheer din, nakaupo pa rin siya sa tabi ko,

"Ako na nga lang! Uy Paul, save mo number mo dito, send ko na lang sayo number ni Bes." Sabay abot niya ng cellphone niya kay Paul.

Kinuha naman ito ni Paul at nagpindot doon. Pagkatapos ay binalik na.

"Sige na. Time na e, bye sa inyo." Paalam niya sa mga kaklase ko. "Bye, Bes ni Jess" ngumiti lang ako at tumango.

Pagkaalis niya nakahinga ako ng maluwag. Lalo akong tinukso ng mga kaklase ko. Tiningnan ko sila ng masama pero ang pinakamasama ay kay Mark. Nag peace sign lang siya.

Leading LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon