Chapter 3

23 2 0
                                    

Hi @Chikaskie! HAHAHA! Ala kung asabi. Suportan mu naku man, jang vote mung ali bukal king pusu mu. XD Ta mu, lon mu man ating medyu familiar karing event pong names. Miss you Chika! :D Gawa ka ngang story mo para may mag dedicate naman sakin haha!

Chapter 3

Hindi pa rin sila tumitigil nang nasa classroom na kami. Tinatanong nila ako ng kung ano daw ang feeling. Tae, kung alam lang nila. Hanggang sa dumating ang prof namin at nagsiuwian na.

Sinabi ni Jess sakin na sinend na daw niya kay Paul yung number ko. Nag tss lang ako sa kanya.

Pagkauwi ko nagbihis muna ako ng pambahay at humiga na agad sa kama. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang may tatlong text. Yung dalawa galing sa mga kaklase ko, yung isa unknown number.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga ng nakita ko yung unknown number . Kinabahan ako. Huminga ako ng malalim, at pumikit habang binubuksan ang text. Binuksan ko ang mga mata ko at binasa ang text,

From: 09355957695 

Congrat's: Your number won (Php 680,000) from AQUINO CHARITY FOUNDATION. For m0re....

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa at marahas na pinagpipindot ang cellphone ko para madelete ang text na iyon. Tangna talaga, never assume nga diba?!

Yung dalawang text naman ay puro gm lang,

From: Anne Jill Galang 

Yung feeling na mas kinikilig ka pa yata kaysa kay Bes ni Jess kanina. 

Anong feeling Bes ni Jess? XD 

-- 

Hello! :D 

Text?

From: Daniel John Padilla 

A hero always has his sidekick. A leading lady always has her best friend. 

What will happen if the sidekick will be the hero and the best friend will 

be the leading lady? 

-- 

Magandang araw ho sa inyo! 

Mahal kita pero mas mahal ko si Lazydengk. :))

Na- nosebleed naman daw ako sa gm ni Padilla. Kaklase ko yan ng highschool, na loyal na loyal sa girlfriend niyang si Lazydengk. Kapag nakasama mo sila, siguradong makakaramdam ka ng bitterness lalo na kung single ka. Gwapo niyan e, kung walang syota yan siguro na- rape ko na. Joke! Pero joke lang yung joke. HAHAHA!

Dahil na disappoint lang ako sa unang text na binasa ko, naglaro na lang ako ng candy crush sa phone ko. Hindi ko pa man natatapos yung first game ko sana e may biglang nag pop-out sa taas, may nagtext na naman. Tinapos ko na muna yung first game bago ko binuksan ang text na yon. Galing na naman sa unknown number.

Binuksan ko na ito, without excitement and nervousness. Ika nga ni Daniel Padilla, steady lang.

From: 09169190545 

Hi Bes ni Jess. Si Paul to. :))

Umaygad. Binasa ko ulit ng tatlong beses ang text. At isa pang beses at isa pa. Bigla akong dumapa sa kama ko at parang kiti- kiting gumalaw. Kinikilig ako! Siya nga! Si Paul nga! Waaaa!

Matagal akong nakadapa habang kinikilig at medyo tumitili ng may nagtext ulit. Tiningnan ko ang cellphone ko at si Paul na naman! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naghintay siya ng text ko? Waaa talaga!

From: 09169190545 

Hi Bes ni Jess. Si Paul to. :))

Kagaya lang ng unang text pero ngiting ngiti pa rin ako. Ano yun? Double send kasi baka akala niya hindi na send yung isa? Meaning talagang naghihintay siya diba?

Tsaka look! Hindi siya jejemon! Buti na lang. Major turn off lang kung jejemon e. Sa pogi niyang yon tapos...HAHAHA!

Ni- save ko muna yung number niya. Paul Rodriguez. Oo alam ko apelyido niya. Para saan pa ang talento kong stalker?

Joke, hindi ako stalker. Alam ko lang talaga.

Nag- isip muna ako ng pwedeng I reply:

Uy hello! Kamusta ka na? -FC lang te?

Hi! Pasensya ka na kanina ah?Nakakahiya talaga, kalimutan na lang natin lahat.- OA brader.

Marami pa kong ibang naisip. Sa huli ito lang na reply ko,

"Uy ikaw pala. Hello." Kinakabahan pa rin ako ng pinindot ko ang send.

Wala pang isang minuto nagreply na agad siya. Bilis lang.

From: Paul Rodriguez 

Oo. Kumain ka na?

Wow. Galing gumawa ng conversation.

----

Note: Mga pantasya ko o! HAHAHA!

Leading LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon