Chapter 6 - Ending of Part I

11 2 0
                                    

Chapter 6

Nagpatangay lang ako kay Oliver. Lutang pa rin ang isip ko. Hindi ko nga namalayan na naiuwi na pala niya 'ko sa amin kung hindi niya lang pinukpok sa may ulo ko ang isang folder.

"Hindi mo bagay ang emo. O eto na yung pinakita mo kanina, pasok ka na dali." Pinagtulakan niya pa 'ko papasok ng bahay namin.

Parang robot lang ako at sumunod na lang. Dire- diretso lang sa kwarto at hindi na pinansin ang paligid.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang daming nagbago. Hindi na kami nagkakausap ni Paul- este hindi ko kinakausap si Paul. Ilang beses na siyang sumubok na mag paliwanag, pero ayaw ko. Ayaw ko kasi, tanggap ko na.

Langyang lovelife, ginawa akong emotera.

Sabay- sabay ulit kaming kumakain sa canteen ngayon ng may sinabi ako,

"Gusto niyong panghimagas?" tanong ko sa kanila.

"Baket bibili ka? Sige bigyan mo 'ko ah." Sabi ni Anne.

"De lilibre ako ngayon. Yun lang ah." Natatawang sabi ko sa kanila.

"Weh? Bakit birthday mo? Happy birthday!" malakas na sabi ni Oliver.

"Gagu. Bukas na kasi alis ko."

Natigilan sila sa inimik ko. Pagkatapos ay sabay sabay na nag- react,

"Weh?" 

"Chosera." 

"O, last mo na yan." 

"Totoo?"

Natawa na lang ako at tumango. Nanlaki ang mga mata nila.

"SERYOSO?!" tanong nilang lahat.

"Haha! Oo nga!"

"Bat ang bilis? Diba may mga papel pang inaayos? Bakit yung sayo ang bilis, Bes?" si Jess. Medyo nagkaroon ng distance sa aming dalawa. Hindi ko naman siya iniiwasan, talagang busy lang siya. Siyempre may syota e.

"Ah oo. Diba last year pumunta kaming Canada? Nung binisita namin si Ate? Kaya ayun, ayos pa naman daw yung passport ko. Ewan! Yung iba sina Mama yung nag- asikaso e. Tsaka tumulong din ang school."

--

Agad akong umuwi nang araw na yon para mag- impake. Nagpaalam lang naman kasi talaga ako kanina.

"Nak may bisita ka." Sabi ni Mama na nakasilip sa pintuan. Nag opo ako at umayos na.

Pagkababa ko nakita ko si Paul. Nakaupo sa may sala habang nakabukas ang TV. Ganun pa rin ang suot niya. Siya lang kasi ang hindi ko nakausap kanina.

Umupo ako sa upuang nasa harap niya at tumingin din sa TV.

"Bakit?" basag ko sa katahimikan.

"Magpapaliwanag lang ako." Napaisip ako.

"Wag na, di na kailangan."

"Hinde, magpapaliwanag pa rin ako."

"Tss. Bahala ka." Hindi ko pa rin siya tinitingnan, buti na lang may TV. Thankyou TV, yaan mo, hahanap kita ng asawa sa America.

"Inaamin ko nung una, yun ang balak ko. Pero maniwala ka, tinigil ko agad. Hindi lang kita ginamit, totoo lahat ng ginagawa ko sayo. Hindi katulad ng iniisip mo.-" May idudugtong pa yata siya pero sumingit na 'ko.

"O awat na, sige na, ayos na. Ayokong magbaon ng dramatic lines mo, okay?" pabirong sabi ko sa kanya.

"Pero-"

"Ay kulet. Oo na nga diba?"

Natahimik siya sandali at tinanong ako,

"Pinapatawad mo na ba ako?"

"Sa tingin mo?"

"Ahm, oo?"

"Gago. Feeling mo naman."

"E akala ko ba.."

"Akala mo lang. Hindi ko pa kaya, masakit pa rin. Kaya nga 'ko aalis e." Naging seryoso ang boses ko.

"Talaga?" mahinang tanong niya. Tumango ako.

"Grabe, ganun mo na ba 'ko kamahal para lumayo ka pa?" seryoso ang boses niya na ikinatawa ko.

"Wow ah. Bumalik yata si Yolandaaa." Biro ko. Nagkwentuhan lang kami, parang dati lang.

Umuwi na siya. Nagdrama pa nga siya at sinabing magdala ako ng maraming tissue, baka ma nosebleed daw ako. Bwisit lang diba?

Dumating ang araw ng pag- alis ko. Ihahatid ako nina Mama't Papa at ang dalawa kong Kuya. Nag family bonding kami kagabi pero agad ding natulog. Madaling araw kasi ang flight ko.

Bago ako pumasok para mag check in napalingon ako.

Nakakatawa lang, ang sabi ko sa umpisa ako ang leading lady sa istoryang ito.

Pero hindi pala, ang bestfriend ko pa din. Ano nga ba naman kasing panlaban ko para maging hadlang sa dalawang taong compatible. Pareho silang perpekto. E ako? Saan ako pupulutin?

Siguro kung sa ibang tao naka Point of View ito, malamang sa malamang, ako ang kontrabida. Kontrabidang mahilig mag mura, binibigyan ng masamang kahulugan ang simpleng "Bes ni Jess", at ang dakilang epal sa dalawang nagmamahalan.

Paano ba kasi ako magiging bida sa kwentong ito, kung ultimo ang pangalan ko, hindi nabanggit sa simula palang?

Lahat ng tao kakilala siya. Lahat ng tao sinasabing perpekto siya, na parang nasa isang kanta lang, ang ganda, ang bait, ang talino.

At nung inakala kong hindi siya ang magiging bida sa istoryang ito, inaamin kong nagkamali ako. Dahil dito, si Jess ang leading lady.

At ako, ang Bes ni Jess, ang narrator ng kwento.

Leading LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon