The One Shot Version of Leading Lady

11 2 0
                                    

Eto po yung first Leading Lady. The One Shot Version ika nga nung title. You may not read it, pangit kasi nung pagkakasulat, napaka drama. Haha! Yun nga po, kaya ko ho ginawang by part kasi po gusto kong isulat yung Part II- Ang Pagbabalik ni Bes ni Jess. HAHAHA! Pangit nung title, parang KAMBAL SIRENA. XD Yown lang,

Leading Lady (One-Shot)

 

Lahat ng tao kakilala siya. Lahat ng tao sinasabing perpekto siya, na parang nasa isang kanta lang, ang ganda, ang bait, ang talino.

 

Pero kung inaakala niyong siya ang magiging bida sa istoryang ito, nagkakamali kayo. Dahil dito ako ang bida, ang bestfriend ng taong perpektong sinasabi nila.

 

Opposites attract daw. Kaya siguro nagkasundo kami. Maganda siya, ako hindi. Sexy siya, ako hindi. Makinis siya, ako hindi. Mahinhin siya, ako hindi. Talented siya, ako hindi. Madami siyang kaibigan, ako hindi. May kakaiba siyang charm, ako wala. At matalino siya, ako mas matalino.

 

Yun lang yata ang lamang ko sa kanya,sa  academics.

 

Sa school siguradong may mapapansin kang mga tao. Taong makakakuha ng atensyon mo. Sa madaling salita, magkaka-crush ka.

 

"Bes o! Yung crush mo!" tiningnan ko ang nginunguso ni Jess. Nandun nga siya. Naglalakad, kasama ang mga kaklase niya. Natigilan na lang ako, pinagmasdan siya hanggang sa matakpan siya ng isa pa niyang kasama.

 

Sa shed kami tumatambay ngayon. Kasama ko pa ang iba naming kablock, pumapatay ng oras para sa next subject namin.

 

Alam ng lahat ng mga kaklase ko na may gusto ako kay Paul. May gusto, hindi lang basta crush. Ang daming kumakalat na balita sa kanya. Bukod sa gwapo, matalino rin daw siya, talented at mabait. Parang ang bestfriend ko, perpekto.

 

Tiningnan ko isa- isa ang mga kaklase ko, nakangisi lahat. Ngising nangangahulugang "buo na naman ang araw mo no?"

 

Inirapan ko lang sila at pinagpatuloy ang pagbabasa ko, na paminsan- minsan  ay sumusulyap din kung nasan sina Paul.

 

"O Bes ni Jess, baka matunaw." Sabi ni Anne nang mahuli niya kong nakatingin doon.

 

"Hindi yan." Malamig na sagot ko sa kanya.

 

Nakakainis lang talagang ganyan ang tinatawag nila sakin. Bes ni Jess?

 

Tinanong ko na dati sa kanila bakit Bes ni Jess. Sabi nila magka rhyme daw tsaka cute pakinggan. Isipin niyo ng masyadong masama ang iniisip ko. Pero bakit kapag tinatawag ako laging nakadugtong ang pangalan niya? Hindi ba pwedeng pangalan ko na lang? Hindi ba pwedeng ako lang? Hindi ba pwedeng makilala ako  bilang ako at hindi bilang bestfriend ni Jess?

 

Ay, oo nga pala, bestfriend ko siya. Pinaka matalik na kaibigan ko siya. Masamang mag- isip ng ganyang mga bagay. Tama na ang drama.

 

Halos pare- pareho lang ang nangyayari sa school araw- araw. Makikita siya ni Jess, makikita ko siya, makikita ko ang mga kaklase kong nanunukso ang tingin.

 

Hanggang sa isang araw may ginawang hindi ko inaasahan ang isa sa mga kaklase ko, si Mark na SC officer.

 

Nasa shed ulit kami, tambay lang. Saktong dumaan si Paul sa harapan nang tinawag at pinalapit siya ni Mark. Ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan.

 

Humahagikgik lang ang mga kasama namin na nanunukso at kinikilig. May narinig pa nga 'kong ang pula- pula ko daw.

 

May binulong si Mark kay Paul at nakita kong sumulyap sila sakin. Nagulat ako ng magtama ang tingin namin, napayuko ako. Ang sama- sama na ng kutob ko.

 

"Tangina, subukan mo Mark." Bulong ko. Narinig ni Jess ang mura ko kaya sinapak niya ako sa braso at malakas na sinabing "Bes, 'wag ka ngang magmura!" Tingnan ko siya ng masama at sinabing "Gusto mong mic? O eto. Tss." Sabay abot sa bibig niya ng kamay kong nakaform na parang mic. Nag- hehehe lang siya.

 

Nakakainis, ang lakas ng pagkakasabi niya at parang gusto niya pang ipaabot kay Paul na ang lutong kong magmura. Gusto niya bang maturn- off sakin si Paul? Joke lang, bestfriend ko pa din yan. Mahal ko yan.

 

Bulung- bulungan pa rin ang mga kaklase ko na parang mga bubuyog na kinikilig, lalo na ang mga babae. Tapos yung mga walang hiyang lalaki sumisigaw ng "Oy Bes ni Jess, siya na ba? Siya?"

 

May binubulong pa rin si Mark kay Paul na hindi ko alam. Ang alam ko medyo close silang dalawa. Nung second year kasi representative si Paul ng kanilang section.

 

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaklase ko na parang "Mga gago kayo. Humanda kayo sakin mamaya." Tinatawanan lang nila ako.

 

Sinulyapan ko muli sina Mark at nakitang nakatingin na naman sila sakin. Nilakihan ko ng mata si Mark. Tanginang puso, ang lakas ng kabog.

 

Mas lalo akong kinabahan ng naglalakad papalapit sa gawi namin si Paul, na ang tingin ay nasa akin lang.

 

Napahigit ako ng hininga nang tumigil siya sa mismong harapan ko at sinabing "Happy birthday."

 

Napa- "huh" ako at tiningnan siya ng nagtataka.

 

"Sabi kasi ni Mark birthday mo daw ngayon." Sagot niya sa tingin ko. Napatingin ako kay Mark na nakangiti lang ng nakakaloko. Langya nanti-trip na naman to, isip ko.

 

Binalik ko ang tingin ko kay Paul sabay hinga ng malalim.

 

"A-ah ano hinde, nanloloko lang yan. Tapos na birthday ko." Sabi ko ng magkaroon ako ng lakas ng loob.

 

"Huh? Gago ka talaga no Mark?" Sabi niya ng natatawa habang nakatingin kay Mark.

 

Nagtawanan ang mga kaklase kong nakasaksi sa panlolokong ginagawa nila samin.

 

Napalunok ako, tae siguradong nakakahalata na to. Pwera na lang kung bobo.

 

May narinig akong nagsabi ng shake hands. Tapos sabay sabay na hanggang sa nag chi cheer na silang lahat. Naramdaman kong mas lalong uminit ang pisngi ko.

 

Napakamot naman ng batok niya si Paul habang nakangiti. Nag- aalangan siyang tumingin sakin ng hindi inaalis ang ngiti sa mukha niya, close lips smile.

 

Inilahad niya ang kamay niya sakin para makipag shakehands, tumikhim at sinabing,

 

"Hello, I'm Paul. Anong pangalan mo?"

 

Habang nakatingin ako sa mukha niya, tapos sa kamay niya, pabalik sa mukha. Parang mabilis na sumagi sa isip ko ang lyrics ng kantang A Thousand Years- heart beats fast, color..

 

Heart beats fast talaga.

 

Agad kong tinanggap ang kamay niya at nauutal na sinabing

 

"A-ano, Ako si- " pero hindi na 'ko pinatapos ng mga kaklase ko at sabay- sabay na sinigaw ang "BES NI JESS!"

 

Nagpanting ang tenga ko hindi dahil sumigaw sila, kundi dahil sa isinigaw nila. Bes ni Jess na naman? Pati ba naman ito hindi nila pinalampas?

 

Natawa si Paul sa narinig niya.

 

"Hi Bes ni Jess, nice to meet you."  Sabay galaw ng magkahawak naming kamay at bumitaw na.

 

"Number!" sigaw ni Anne. At parang katulad ng nangyari sa "shakehands" kanina, nag cheer na naman sila ng "number."

 

Napatingin ako sa kanila at mabilis na iniling iling ang ulo ko na sinasabing "wag!" pero hindi pa rin sila tumitigil. Nakatawa silang lahat. Tangna talaga.

 

"Oy! Tumigil nga kayo!" sabi ko ng naiinis sa kanila. Nasa harapan ko pa rin si Paul na nakatingin din sa mga kaklase ko.

 

Hindi pa rin sila tumitigil sa pangangatyaw. May mga nagsasabi pa ngang ang pakipot ko daw. Eeeee kayo kaya ang dito?!

 

Nagsalita si Jess na nakikicheer din, nakaupo pa rin siya sa tabi ko,

 

"Ako na nga lang! Uy Paul, save mo number mo dito, send ko na lang sayo number ni Bes." Sabay abot niya ng cellphone niya kay Paul.

 

Kinuha naman ito ni Paul at nagpindot doon. Pagkatapos ay binalik na.

 

"Sige na. Time na e, bye sa inyo." Paalam niya sa mga kaklase ko. "Bye, Bes ni Jess" ngumiti lang ako at tumango.

 

Pagkaalis niya nakahinga ako ng maluwag. Lalo akong tinukso ng mga kaklase ko. Tiningnan ko sila ng masama pero ang pinakamasama ay kay Mark. Nag peace sign lang siya.

 

Hindi pa rin sila tumitigil nang nasa classroom na kami. Tinatanong nila ako ng kung ano daw ang feeling. Tae, kung alam lang nila. Hanggang sa dumating ang prof namin at nagsiuwian na.

 

Sinabi ni Jess sakin na sinend na daw niya kay Paul yung number ko. Nag tss lang ako sa kanya.

 

Pagkauwi ko nagbihis muna ako ng pambahay at humiga na agad sa kama. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang may tatlong text. Yung dalawa galing sa mga kaklase ko, yung isa unknown number.

 

Napaupo ako mula sa pagkakahiga ng nakita kong may unknown number . Kinabahan ako. Huminga ako ng malalim, at pumikit habang binubuksan ang text. Binuksan ko ang mga mata ko at binasa ang text,

 

From: 09355957695

Congrat's: Your number won (Php 680,000) from AQUINO CHARITY FOUNDATION. For m0re....

 

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa at marahas na pinagpipindot ang cellphone ko para madelete ang text na iyon. Tangna talaga, never assume nga diba?!

 

Yung dalawang text naman ay puro gm lang,

 

From: Anne Jill Galang

Yung feeling na mas kinikilig ka pa yata kaysa kay Bes ni Jess kanina.

Anong feeling Bes ni Jess? XD

--

Hello! J

Text?

 

From: Daniel John Padilla

A hero always has his sidekick. A leading lady always has her best friend.

What will happen if the sidekick will be the hero and the best friend will

be the leading lady?

--

Magandang araw ho sa inyo!

Mahal kita pero mas mahal ko si Lazydengk. :))

 

Na- nosebleed naman daw ako sa gm ni Padilla. Kaklase ko yan ng highschool, na loyal na loyal sa girlfriend niyang si Lazydengk. Kapag nakasama mo sila, siguradong makakaramdam ka ng bitterness lalo na kung single ka.

 

Dahil na disappoint lang ako sa unang text na binasa ko, naglaro na lang ako ng candy crush sa phone ko. Hindi ko pa man natatapos yung first game ko sana e may biglang nag pop-out sa taas, may nagtext na naman. Tinapos ko na muna yung first game bago ko binuksan ang text na yon. Galing na naman sa unknown number.

 

Binuksan ko na ito, without excitement and nervousness.

 

From: 09169190545

Hi Bes ni Jess. Si Paul to. :))

 

Umaygad. Binasa ko ulit ng tatlong beses ang text. At isa pang beses at isa pa. Bigla akong dumapa sa kama ko at parang kiti- kiting gumalaw. Kinikilig ako! Siya nga! Si Paul nga! Waaaa!

 

Matagal akong nakadapa habang kinikilig at medyo tumitili ng may nagtext ulit. Tiningnan ko ang cellphone ko at si Paul na naman! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naghintay siya ng text ko? Waaa talaga!

 

From: 09169190545

Hi Bes ni Jess. Si Paul to. :))

 

Kagaya lang ng unang text pero ngiting ngiti pa rin ako. Ano yun? Double send kasi baka akala niya hindi na send yung isa? Meaning talagang naghihintay siya diba?

 

Ni- save ko muna yung number niya. Paul Rodriguez. Oo alam ko apelido niya. Para saan pa ang talento kong stalker?

 

Joke, hindi ako stalker. Alam ko lang talaga.

 

Nag- isip muna ako ng pwedeng I reply:

Uy hello! Kamusta ka na? -ay wag, masyadong FC.

Hi! Pasensya ka na kanina ah?Nakakahiya talaga, kalimutan na lang natin lahat.-OA ko naman ata.

 

Marami pa kong ibang naisip. Sa huli ito lang na reply ko,

 

"Uy ikaw pala. Hello." Kinakabahan pa rin ako ng pinindot ko ang send.

 

Wala pang isang minuto nagreply na agad siya. Bilis lang.

 

From: Paul Rodriguez

Oo. Kumain ka na?

 

Wow. Galing gumawa ng conversation.

 

 Doon nagsimula ang pagiging textmate namin. Naging close na rin kami simula noon at minsan ay sabay kaming kumakain pag nagkikita sa canteen. Syempre kasama ang iba naming kaibigan, at si Jess.

 

Lalong lumalim ang pagkakagusto ko sa kanya at ngayon hindi ko alam kung gusto pa ba ito. Parang siya na ang naging boy best friend ko. Ganun kami ka- close.

 

Halos tatlong buwan na rin simula noon. Maraming nagbago. Dahil nga palagi kaming magkakasama, hindi lang ako ang naging close niya, pati ang mga kaklase ko at siyempre si Jess. Minsan magkakayayaan gumala. Nung first week na naging close kami, tinutukso pa kami ng mga may alam na may pagtingin ako sa kanya.

 

Pinagsasawalang bahala lang namin iyon. Dahil sabi ko sa kanya minsan, mahilig lang talaga silang mangtrip. Nasa canteen kami noon, kasama ang mga kaibigan ko at niya.

 

"E pare, ano ba kasing real score sa inyo ni Bes ni Jess? Diba guys?" sabi ni Oliver, kaibigan ni Paul, kay Paul at sa mga kasama namin.

 

Nag- "oo nga" naman sila.

 

Sinamaan ko ng tingin si Oliver at sinabing,

 

"Oy Olive- oil, tumigil ka nga. Lahat na lang binibigyan ng malisya."

 

"Haha! Kayo talaga, magkaibigan kami nito. Matalik na magkaibigan. Diba Bes ni Jess?" tapos inakbayan ako.

 

Ayan na naman ang kirot sa puso ko. Ilang beses na ba niyang sinabi yan? Tama pala sila no? Masakit talagang sabihin ng taong mahal mo na magkaibigan lang kayo.

 

Onga pala, kung maraming nagbago, meron din namang hindi nagbago. Ang "Bes ni Jess".

 

Hanggang ngayon yun pa rin ang tawag nila sa akin, niya sa akin. Never kong narinig na binanggit niya ang pangalan ko.

 

"Syempre." Sabi ko na lang.

 

Nakita kong nakatingin si Jess sa brasong nakaakbay sakin. Nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya, nagsmile siya at kumain ulit.

 

Pauwi na kami at naglalakad kami ni Jess, kaming dalawa lang. Nag- uusap lang ng biglang nagtanong siya,

 

"Bes, ahm- crush mo pa ba si Paul?"

 

"Ha? Ba-bakit mo naman natanong yan?"

 

"Ah wala. Sige nevermind na lang." Napatingin ako sa kanya na parang ang lalim ng iniisip. Natahimik kami sandali ng magsalita ako,

 

"Hindi na."

 

Tumingin siya sakin na parang hindi naniniwala.

 

"Hindi na." ulit ko ng nakangiti. Dahil nag level- up na, mahal ko na siya.

 

Hindi ko sinabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko, hindi ako yung tipo ng babaeng sasabihin lahat sa best friend niya. Hindi ako ganun.

 

Napansin kong parang kumislap ang mga mata niya at nagka good vibes ulit.

 

"Talaga?"

 

"O bat parang ang saya mo?" tanong ko ng nakataas ang kilay.

 

Ngumiti lang siya at sinabing,

 

"Wala lang. Hehehe."

 

Nung sumunod na linggo wala pa rin pinagbago.

 

May seatwork kami sa isang subject namin ng magpaalam akong mag cr.

 

Palabas na ko sa isang cubicle ng banyo ng marinig ko si Cheska, isa sa mga nakakasama namin na mag lunch. May kausap siya. Kaklase at kabarkada siya ni Paul.

 

"Pahinging powder." Boses ni Cheska.

 

"Oh. Alam mo na ba? Yung tungkol kay Paul?" natigilan ako ng marinig ang pangalan niya.

 

"O napano siya?" si Cheska.

 

"May nililigawan na raw siya e." Kusang kumunot ang noo ko sa narinig ko.

 

"Huh? Sino? Si Bes ni Jess?" tanong ni Cheska.

 

"De. Pero medyo malapit- lapit ka na." natatawang sagot ng kausap nito.

 

"Te-teka. Si Jess?!" tanong ulit ni Cheska na nagtataka ang boses.

 

"O? Bat ganyan ka makareact?"

 

"Akala ko si Bes ni Jess yung gusto niya e!"

 

"Bes ni Jess? Hindi no! Tinanong ko na rin kaya dati sa kanya yan. Sabi niya hindi daw, nakipaglapit lang daw siya sa kanya para maging close din sila ni Jess." Napalunok ako sa narinig ko.

 

"Ano? Sama naman, para namang ginamit lang niya si Bes ni Jess niyan."

 

"Sus. Kahit naman ako e, ang ganda kaya ni Jess compare lang dun sa bestfriend niya. Tsaka mabait si Jess no."

 

"Oy mabait at maganda din naman si Bes ni Jess ah. Hindi nga lang siya palaayos at medyo brusko ang pagsasalita niya."

 

"Kahit na. Mas pa rin si Jess. Teka makapal ba?"

 

"Hinde tara na."

 

Nawala ako sa sarili ko sa mga narinig ko. Natulala. Lumabas ako ng cubicle at hinarap ang salamin.

 

Napalunok ako at napahinga ng malalim, kanina ko pa pala pinipigilan ang huminga. Nakita ko ang sarili ko, umiiyak ako? Umiiyak pala ako?

 

Pero ang pinaka magandang itanong siguro ay,

 

Tangna, ginamit pala 'ko?

 

Pinilit kong itigil ang pag- iyak ko. Pinagmamasdan ko lang ang sarili ko sa salamin hanggang sa hindi na maging masyadong halata na umiyak ako.

 

Totoo pala, na sa CR, maraming sikretong nabubunyag.

 

Pagkatapos ng 15 minutes lumabas na 'ko. Habang naglalakad ako nagbalik balik sa isipan ko ang narinig ko kanina. Ginamit lang pala ako. E bat nagpagamit ako?

 

Natawa ako bigla. Hahahaha! Ang tanga ko! Bat di ko napansin?

 

Pagkabalik ko sa classroom wala na yung prof ko.

 

"Uy Bes! Bat ngayon ka lang? Ang tagal mo daw sabi ni Ma'am. Masakit ba?" sabi ni Jess bago pa ko makaupo sa lugar ko. Masakit? Ano? Yung tiyan ko?

 

"Ah oo. Sobrang sakit nga e." ng puso ko. "Salamat ah." Sarcastic na pagkakasabi ko. Umupo na 'ko at tinalikuran siya.

 

"Oy anyare? Bat galit ka?" tanong niya habang tinatapik- tapik ako.

 

"Wala."

 

"Huh? Bakit nga? Ito naman o!"

 

"Wala nga! Masakit pa rin kasi yung tiyan ko."

 

Nagpout siya bigla.

 

"Nagtatanong lang e." parang batang pagkakasabi niya.

 

May naramdaman ako sa sarili ko, marahil konsensya. Tumikhim ako at sinabing,

 

"Mamaya na lang tayo mag- usap. Masakit kasi talaga." Mahinahon ang tono ng boses ko ngayon.

 

Ayoko siyang kausapin muna ngayon. Baka may masabi pa 'kong masama. Bestfriend ko pa rin siya.

 

Nagliwanag ang aura niya sa sinabi ko at nag "Sige, sige" nang nakangiti.

 

Nagsimula ang next class namin nang dumating yung isa pa naming prof. Nagdidiscuss lang siya nang may biglang kumatok.

 

"Sir, excuse po. Pwede po kay Bes ni Jess? Pinapatawag po kasi siya ni Dean." Napakunot ang noo ko at kinabahan. Anong ginawa ko?

 

"Bes ni Jess?" nagtatakang tanong ng prof.

 

Nagtaas ako ng kamay. Tiningnan niya 'ko.

 

"Ah yes. Sinabi na nga pala ni Dean kanina sakin. Sige Miss, you may go."

 

Mas lalo akong nagtaka doon. In-inform na siya?

 

Nag "yes sir" ako at tumayo na. Pagkalabas ko nagsmile lang ako dun sa tumawag sakin at pumunta na ng Dean's office.

 

Kumatok muna ako, nag good afternoon. Pinapasok ako ng Dean at pinaupo sa upuan sa harap ng mesa niya. Sa mga oras na nakaupo ako doon habang sinasabi na niya ang gusto niyang sabihin, napapalunok ako.

 

Ang ganda naman ng timing.

 

"Pumapayag ka na ba? I need your decision next week. It's a great opportunity for you."sabi ng Dean sa akin.

 

Napaisip ako. Gusto ko ba?

 

"Tanungin ko muna po yung parents ko. Kung gusto po nila, I'm in." Napangiti ang Dean sa sinabi ko.

 

"Okay. You may go. Thank you Miss."

 

"Sige po. Good day Sir, thank you." Nag smile ako at lumabas na.

 

Huminga ako ng malalim pagkalabas ko, para bang ngayon lang ako nakahinga. Anong nangyare?

 

Nang nasa bahay na 'ko sinabihan ko na ang mga magulang ko. At tulad ng inaasahan ko, payag sila. Sino ba namang magulang ang tatanggi sa ganoong bagay?

 

Kumain lang ako at pagkatapos ay humiga na. Ganoon pa rin. Walang nagbago.

 

Dumating ang bukas, magkakasama na naman kami sa canteen- ang mga kaibigan ko at ang mga kaibigan ni Paul. Lahat sila maingay, lahat sila busy, lahat sila tinutukso sila, lahat sila -- puwera ako.

 

Nasa pinaka mahabang mesa na naman kami katulad ng dati. Pero hindi katulad ng dati ang mga pwesto namin. Kung noon katabi ko si Paul at nasa harapan si Jess, ngayon nasa harapan ako ni Paul at katabi niya si Jess.

 

Nakatingin lang ako sa kanila at nakangiti. Ngiting parang otomatik na dumikit sa mukha ko. Plastik.

"Wala man lang kayong sinasabing nagliligawan na pala kayo diyan. Anong klaseng kaibigan kayo?" Nanlolokong sabi ni Anne sa kanilang dalawa.

 

Tumawa si Paul at sinabing,

 

"E wala e. Ayaw pasabi ni kumander." Napasinghap ako. Naalala ko, parang kami lang noon.

 

"E wala e. Ayaw pasabi ni kumpadre." - Yan ang exact na sinabi niya. Nung kumain kami sa isang bagong bukas na isawan malapit sa school at hindi namin sila inaya.

 

Pero ang nakakatawa lang iba yung tawag. Kung siya kumander, ako kumpadre. Patawa lang diba.

 

Nagulat ako nang may bumulong malapit sa tenga ko,

 

"Pag ngumingiti ka, wag mong ipahalatang peke." Napalingon ako. Si Oliver, katabi ko pala siya.

 

"Huh?" tanging nasabi ko.

 

Ngumiti siya at binugahan ng hangin ang mata 'ko. Napapikit ako.

 

"Ayan, masakit pa ba?" Tumango ako, masakit naman kasi talaga. May nararamdaman pa rin akong hangin sa mukha ko, malamig, amoy mentol. Hinahayaan ko lang, hindi naman kasi mabaho ang hininga niya.

 

"O anyare?" narinig kong tanong ni Paul.

 

Napadilat ako. Nakaharap pa rin kay Oliver, magkaharapan pa rin.

 

Ngumiti ulit siya at ginulo ang buhok ko. Humarap siya kay Paul at sinabing,

 

"Napuwing kasi siya. Parang tanga lang, masakit na nga tinitiis niya pa." tumigil siya saglit at binaling ang tingin sakin. "Ayaw pang pahipan sakin." Tuloy niya.

 

Seryoso lang ako pero ilang sandali ay bigla lang akong napangiti. Napangiti din siya.

 

"Nagdadalawang isip kasi ako, sa baho ba naman ng hininga mo." Panloloko ko sa kanya.

 

Nanlaki ang mata niya.

 

"Ho- hoy! Anong mabaho?! Mabaho ba 'to ah? HAAAAAAAAAAAAH - HAAAAAAAAAH" sagot ni Oliver at patuloy na binubugahan lang ako ng hangin.

 

"Langya Olive- oil! Ang baho!" ako habang tinutulak palayo ang mukha niya. Nagtawanan lang kami at inakbayan niya 'ko.

 

"Gago ka. In- insulto mo pa 'ko." Bulong niya kaya natawa na naman kami.

 

"Ehem! May bagong silang na labbeeeerds!" sigaw ni Anne.

 

At nagsimula na silang tuksuhin kami ni Oliver.

 

Dali- dali kaming lumayo ni Oliver sa isa't- isa at nagpapa- pagpag.

 

"Yak! Mangilabot nga kayo! / Tangna! Kadiri!" sabay naming sinabi. Si Oliver yung una, akin yung may mura.

 

Nagsitawanan lang kami noon. Napatingin ako sa harap ko at nakitang hindi umiimik si Paul. Lahat kami may natatawang mukha, siya lang ang seryoso.

 

"O. Wag assuming." Sabi ko sa isip ko.

 

--

 

Pag- uwi ginawa ko lang ang lagi kong ginagawa pagkatapos ay humiga na.

 

Nagpapahinga lang ulit ako habang naglalaro ng candy crush ng biglang may nagtext.

 

From: Paul Rodriguez

 

Guys, kita- kita tayo bukas! Fiesta samin, tsaka may sasabihin ako. Ge ah, walang bomba.

 

Last week niya pa kami inaaya sa kanila. Sabado naman at walang mahalagang gagawin.

 

Nang nasa bahay na kami nina Paul kumain muna kami. Pang lunch ang handaan pero mga alas kwatro (4:00 pm) na kami dumating sa kanila. Mainit daw kasi kaya ayaw nila ng saktong 12.

 

Magkakasama kami sa isang pabilog na mesa. At syempre magkatabi na naman sila. Naka- pagitna saming dalawa ni Jess si Paul. At sa kabilang side ko ay si Oliver. Ewan ko ba dito, dikit ng dikit.

 

Kwentuhan lang, parang kahapon. At parang kahapon din, tahimik lang ako habang may naka plaster na ngiti sa mukha ko.

 

"Guys! May announcement ako." Sabi ni Paul kaya tumigil sila sa pagsasalita. Ngiting- ngiti siya, na kung nasa matinong kalagayan siguro ako ay sasabihin kong "Masaya ka na niyan?"

 

"Hulaan ko, kayo na no?" sabi ni Oliver na nasa tabi ko.

 

Lalo siyang ngumiti at tumango nang tumango. Ang saya lang.

 

Lahat naman siguro kami ay alam na ang sasabihin niya. Hindi kami tanga, hindi ako tanga.

 

Kinonggrats nila sila. Si Jess tahimik lang at ngumingiti habang si Paul walang sawang nagpapasalamat. Ako kain lang ng kain sa chicharon na nasa harapan namin.

 

"O Bes ni Jess? Hindi mo ba 'ko ikokonggrats? Ito naman o, ang dry." Biglang sabi sakin ni Paul. Napatingin ako sa kanya, na nakatingin din sakin habang nakangiti pa rin.

 

Ngumiti ako ng pilit at sinabing,

 

"Congrats, sana magtagal kayo." Linagay niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko habang sinasabing "Siyempre."

 

"ARAY!" Napalingon kami kay Oliver nang bigla siyang sumigaw. Nakatingin siya sa paa niya sa ilalim ng mesa.

 

"Tangna! Sinong tumapak sa paa ko?! Ikaw no?!" sabay tingin niya sa akin at nagulat na lang ako ng sinipa niya ang paa ko.

 

"Aray! Oy gago ka! Nanahimik ako dito ah!" at binatukan ko siya ng malakas.

 

Hindi na niya ako pinatulan at parang batang sinabing,

 

"E sorry naman. Ang sakit kaya nung pagkakatapak sakin." Habang kinakamot ang binatukan ko.

 

Inirapan ko lang siya at pumapak ulit ng chicharon. Pero tulad kahapon may bumulong na naman, si Oliver,

 

"San ka nag- aray?"

 

Napatingin ako sa kanya at nag- "Huh?"

 

"San ka nag- aray? Sa pagsipa ko sayo o sa balita?" ulit niyang tanong. Seryoso lang siya.

 

Hindi ko siya sinagot at umiling na lang.

 

May videoke sa kanila, unang sumabak ay si Anne. Kinanta niya ang Alone. Pagkatapos niyang kumanta ay nagbow pa siya.

 

"Yes! Galing! Last mo na yan ah!" komento ni Kelvin sa kanya. Nagtawanan lang kami.

 

"O si Bes ni Jess naman daw! Napakasakit Kuya Eddie!" sigaw ni Oliver. Tiningnan ko siya ng masama at minura. Tinawanan niya lang ako.

 

"Wag naman siya. Hindi pa nga nakaka recover yung tenga ko sa Pagdating Ng Panahon niya last month e!" sagot ni Paul sa kanya. Hindi ko na lang din siya pinansin, biro ba yon o insulto?

 

Sinuway naman siya ng isang mahinhing boses,

 

"Uy hindi kaya. Maganda talaga boses niyan. Niloloko lang niya." Pagtatanggol sakin ni Jess.

 

"O yun naman pala e! Sige na!" sabi sakin ni Anne.

 

"Oo nga! Pakitaan mo sila ng Kahit Maputi Na Ang Buhok ko Bes!" dugtong pa ni Jess. At nagsimula na silang pilitin ako.

 

Wala na lang akong nagawa at tumayo na. Naglakad ako palapit sa videoke machine. Hinanap ko ang kanta at pinindot ang play button. Tumikhim muna ako at nagsimula na,

 

"Kung tayo ay matanda na

Sana'y di tayo magbago

Kailanman, nasaan man

Ito ang pangarap ko"

 

 Nakatitig silang lahat sakin habang kumakanta ako. Pumikit ako at dinamdam ang kanta.

 

"Makuha mo pa kayang

Ako'y hagkan at yakapin mmmm...

Hanggang sa pagtanda natin.

Magtatanong lang sa'yo

Ako pa kaya'y ibigin mo

Kahit maputi na ang buhok ko."

 

Isa ito sa mga paborito kong kantahin. Naalala ko lang ang lolo't lola ko. Ito kasi ang kanta nilang dalawa para sa isa't- isa.

 

"Pagdating ng araw ang

 iyong buhok ay

 puputi na rin.

Sabay tayong

Mangangalap ng

Nakaraan natin. Ang

Nakalipas ay ibabalik

natin hmmm.

Ipapaalala ko sa'yo.

Ang aking pangako na ang

pag- ibig ko'y laging sa'yo.

Kahit maputi na ang buhok ko."

 

Dumilat ako at nakatitig pa rin sila sakin. Ngumisi ako at pinindot ang stop button. At parang pinagpraktisan lang, sabay sabay na kumunot ang noo nila. Natawa na lang ako.

 

"O? Bat mo pinatay?!" sabay sabay din ang pagkakasabi nila niyan. Lalo akong natawa ng mapatingin sila sa isa't isa nang narinig na pare- pareho ang sinabi nila.

 

"O easy. May isa pa 'kong kanta sa inyo. Eto tatapusin ko na talaga." Sabi ko sa kanila at pinindot ulit yung mga button.

 

"Kainis! Nandun na e." rinig kong sabi ni Oliver.

 

Bago ko ni- play may sinabi muna akong,

 

"May announcement din ako." At ngumiti ako ng malungkot.

 

"Girlfriend ko na siya, kami na." biglang sabi ni Oliver kaya binatukan ko siya. Kita ng seryoso e.

 

"Farewell? Ano 'to, graduation?" tanong ni Anne nang makita ang title ng kakantahin ko. Nginitian ko lang siya at nagsimula na,

 

We used to be frightened and scared to try
 Of things we don't really understand why
 We laugh for a moment and start to cry
 We were crazy

 Now that the end is already here
 We reminisce 'bout old yells and cheers
 Even if our last hurrahs were never clear

 Farewell to you my friends
 We'll see each other again
 Don't cry 'cause it's not the end of everything
 I may be miles away
 But here is where my heart will stay
 With you, my friends with you

 Yesterday's a treasure, today is here
 Tomorrows' on it's way, the sky is clear
 Thank you for the mem'ries of all the laughters and tears

 And not to mention our doubts and our fears
 The hypertension we gave to our peers
 It's really funny to look back after all of these years

 Farewell to you my friends
 We'll see each other again
 Don't worry 'cause it's not the end of everything
 I may be miles away
 But here is where my heart will stay
 With you, my friends with you

 Farewell to you my friends
 We'll see each other again
 Don't worry 'cause it's not the end of everything
 I may be oceans away
 But here is where my heart will stay
 With you, my friends with you
 With you my friends, with only you

 

Habang kumakanta ako ay tinitingnan ko sila isa- isa.

 

Nang matapos ako ay wala pa ring umiimik sa kanila. Nakatingin lang silang lahat sa akin. May kinuha ako sa body bag ko na kanina ko pa dala at nilagay ito sa mesa.

 

Lumipat ang tingin nila doon, tapos bumalik sa akin, at sa mesa na naman.

 

"May offer sa 'kin ang Dean. May scholarship sila sa Med students." Saad ko ng tahimik pa rin sila. Tatlong minutong katahimikan ang sumunod ng magtanong si Anne,

 

"Saan?" ng may mahinang tono.

 

"Harvard." Sagot ko. "Ako lang ang nakuha sa course namin. Tsaka pumayag naman na sila Mama."

 

Natahimik ulit sila at ilang sandali lang ay nagsimula ng mag- ingay. Tumili ang mga babae at nagsi- apiran ang mga lalaking kasama namin. Kinokonggrats nila akong lahat, maliban kay Paul. Nakaupo lang siya at nakatingin sa amin.

 

Inakbayan ako ni Oliver at,

 

"Sabi ko na nga ba matalino ka e. Sakin ka yata nagmana." Natawa ako sa sinabi niya at siniko siya.

 

"Ulol. As if." Sagot ko sa kanya.

 

"Yun oh, may alam ka nang English!" loko niya. Siniko ko lang ulit siya at nagtawanan kami. Napatigil lang kami ng hinila ako ni Paul at kinaladkad. Ramdam kong tumahimik sila doon. Sumigaw nga si Anne ng,

 

"Hello! Girlfriend here!"

"De nagpaalam naman siya." Boses ni Jess.

"Tangna parang ikaw yung girlfriend ah." Si Oliver.

 

"Oy Paul. San mo 'ko dadalhin?" nagtatakang tanong ko kay Paul. Hinintay ko sagutin niya 'ko pero sampung segundo na siyang hindi kumikibo. Tinapat ko ang isa kong kamay sa mukha ko at pinagsalita, istilong puppet.

 

"Oo. Sabi ko nga dun e." naiiritang tono ng boses ang lumabas sa bibig ko. Ang ayoko sa lahat ay ang nagbibingi- bingihan.

 

Pumunta lang kami sa likod ng bahay nila. Maganda dito, may tatlong maliliit na puno ng mangga at mahangin.

 

"Kailan pa 'yon?" pagbabasag ni Paul ng katahimikan.

 

"Ang alin?"

 

"Yung offer sa'yo ni Dean."

 

Malamig ang mga nagiging sagot niya sa'kin na nakakapanibago. Nag- isip muna ako bago sumagot,

 

"Ah yon? Nung nalaman kong nililigawan mo na si Jess." Napatigil siya,

 

"Kahapon?" tanong niya. Kahapon lang kasi nila sinabi sa amin ang sitwasyon nila, pero isang buwan na daw talaga siya nanliligaw kay Jess.

 

"De. Nung makalawa." Sagot ko.

 

"Huh? Kanino mo nalaman?" takang tanong niya.

 

"Kay Cheska."

 

"Sinabi niya sa'yo?" tanong niya ulit.

 

"De. Narinig ko lang." Palamig ng palamig ang mga sagot ko sa kanya. Bumabalik na naman sa utak ko ang mga sinabi ng kasama ni Cheska.

 

"Alam mo na pala. Bat di mo sinabi agad samin? Ang sama naman ata nun." Nagpanting ang tenga ko. Pabiro lang ang pagkakasabi niya pero ang lakas ng epekto. Sinagot ko na lang siya ng tanong din,

 

"Anong mas masama? Ang hindi ko pagsabi sayong alam ko na o ang hindi mo sinabing ginagamit mo lang pala ako?" Mukha siyang nagulat sa sinabi ko. Maski ako ay nagulat, hindi ko inaasahang lalabas yon sa bibig ko.

 

"A-anong sinasa-"

 

"Isang tanong isang sagot. Ginamit mo lang ba 'ko para makalapit kay Jess?" Natigilan siya sa tinanong ko,

 

"Teka- te- hi- hindi ganun yon. Hi---" hindi ko na naman siya pinatapos,

 

"Tangna. Oo o hindi lang Paul, mahirap ba yon?!"

 

"Teka lang kasi Bes ni Jes-" At para lang akong bulkang sumabog,

 

"PUTANGINANG BES NI JESS NA YAN! MAY PANGALAN AKO TANGINA!" napakalakas na sigaw ko sa kanya, "Oo o hindi lang Paul! Bat andami mong sinasabi!" Namutla siya sa naging reaksyon ko. Ngayon ko lang nailabas ang galit ko mula ng araw na 'yon, mula ng araw na nalaman kong ginamit pala ako.

 

"Oo, pero dati yon. Hindi na ngayon. Wag ka munang magalit, hindi ko naman kasi intensyon yu-"

 

"Hindi intensyon? Sa lagay na 'yon?" pumeke ako ng tawa. "Manhid ka ba?" napa- huh lang siya sa tanong ko.

 

"Hindi mo ba alam na may gusto ako sayo?" Hindi pa rin siya umiimik. Parang nagulat pa siya sa nalaman niya. Tinuloy ko ang sasabihin ko,

 

"Tangna, manhid  ka na nga, tanga ka pa. Whole package ka no?" sarcastic na sabi ko. Nakita kong lumunok siya pero hindi pa rin nagsasalita.

 

"Nung unang pinaglapit ba tayo hindi mo napansin? Obyus na obyus na nga e." Nakatingin pa rin kami sa isa't- isa at nanahimik. Huminga ako nang malalim at sarkastikong sinabing, "Salamat ah."

 

Tumalikod na ako at aalis na pero nakakadalawang hakbang pa lang ako ay nagsalita siya,

 

"Hindi ko naman kasi sinasad-" at gaya ng mga ginawa ko kanina, hindi ko na naman siya pinatapos.

 

"Tama na Paul. Masakit e, masakit pa rin kasi." Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko.

 

"Hayaan mo kasi akong magpal-"

 

"Pare." Nakita ko si Oliver na nakatayo malapit sa kinatatayuan namin. Nakatingin lang.

 

Lumakad siya papalapit at inakbayan ako. "Ako nang bahala." Rinig kong sabi niya kay Paul.

 

Nagpatangay lang ako sa kanya nang lutang pa rin ang isip ko. Hindi ko nga namalayan na naiuwi na pala niya 'ko sa amin kung hindi niya lang pinukpok sa may ulo ko ang isang folder.

 

"Hindi mo bagay ang emo. O eto na yung pinakita mo kanina, pasok ka na dali." Pinagtulakan niya pa 'ko papasok ng bahay namin.

 

Parang robot lang ako at sumunod na lang. Dire- diretso lang sa kwarto at hindi na pinansin ang paligid.

 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang daming nagbago. Hindi na kami nagkakausap ni Paul- este hindi ko kinakausap si Paul. Ilang beses na siyang sumubok na mag paliwanag, pero ayaw ko. Ayaw ko kasi, tanggap ko na.

 

Sabay- sabay ulit kaming kumakain sa canteen ngayon ng may sinabi ako,

 

"Gusto niyong panghimagas?" tanong ko sa kanila.

 

"Baket bibili ka? Sige bigyan mo 'ko ah." Sabi ni Anne.

 

"De lilibre ako ngayon. Yun lang ah." Natatawang sabi ko sa kanila.

 

"Weh? Bakit birthday mo? Happy birthday!" malakas na sabi ni Oliver.

 

"Gagu. Bukas na kasi alis ko."

 

Natigilan sila sa inimik ko. Pagkatapos ay sabay sabay na nag- react,

 

"Weh?"

"Chosera."

"O, last mo na yan."

"Totoo?"

 

Natawa na lang ako at tumango. Nanlaki ang mga mata nila.

 

"SERYOSO?!" tanong nilang lahat.

 

"Haha! Oo nga!"

 

--

 

Agad akong umuwi nang araw na yon para mag- impake. Nagpaalam lang naman kasi talaga ako kanina.

 

"Nak may bisita ka." Sabi ni Mama na nakasilip sa pintuan. Nag opo ako at umayos na.

 

Pagkababa ko nakita ko si Paul. Nakaupo sa may sala habang nakabukas ang TV. Ganun pa rin ang suot niya. Siya lang kasi ang hindi ko nakausap kanina.

 

Umupo ako sa upuang nasa harap niya at tumingin din sa TV.

 

"Bakit?" basag ko sa katahimikan.

 

"Magpapaliwanag lang ako." Napaisip ako.

 

"Wag na, di na kailangan."

 

"Hinde, magpapaliwanag pa rin ako."

 

"Tss. Bahala ka." Hindi ko pa rin siya tinitingnan, buti na lang may TV.

 

"Inaamin ko nung una, yun ang balak ko. Pero maniwala ka, tinigil ko agad. Hindi lang kita ginamit, totoo lahat ng ginagawa ko sayo. Hindi katulad ng iniisip mo.-" May idudugtong pa yata siya pero sumingit na 'ko.

 

"O awat na, sige na, ayos na. Ayokong magbaon ng dramatic lines mo, okay?" pabirong sabi ko sa kanya.

 

"Pero-"

 

"Ay kulet. Oo na nga diba?"

 

Natahimik siya sandali at tinanong ako,

 

"Pinapatawad mo na ba ako?"

 

"Sa tingin mo?"

 

"Ahm, oo?"

 

"Gago. Feeling mo naman."

 

"E akala ko ba.."

 

"Akala mo lang. Hindi ko pa kaya, masakit pa rin. Kaya nga 'ko aalis e." Naging seryoso ang boses ko.

 

"Talaga?" mahinang tanong niya. Tumango ako.

 

"Grabe, ganun mo na ba 'ko kamahal para lumayo ka pa?" seryoso ang boses niya na ikinatawa ko.

 

"Wow ah. Bumalik yata si Yolandaaa." Biro ko tapos nagkwentuhan lang kami, parang dati lang.

 

Umuwi na siya. Nagdrama pa nga siya at sinabing magdala ako ng maraming tissue, baka ma nosebleed daw ako. Bwisit lang diba?

 

Dumating ang araw ng pag- alis ko. Ihahatid ako nina Mama't Papa at ang dalawa kong Kuya. Nag family bonding kami kagabi pero agad ding natulog. Madaling araw kasi ang flight ko.

 

Bago ako pumasok para mag check in napalingon ako.

 

Nakakatawa lang, ang sabi ko sa umpisa ako ang leading lady sa istoryang ito.

 

Pero hindi pala, ang bestfriend ko pa din. Ano nga ba naman kasing panlaban ko para maging hadlang sa dalawang taong compatible. Pareho silang perpekto. E ako? Saan ako pupulutin?

 

Siguro kung sa ibang tao naka Point of View ito, malamang sa malamang, ako ang kontrabida. Kontrabidang mahilig mag mura, binibigyan ng masamang kahulugan ang simpleng "Bes ni Jess", at ang dakilang epal sa dalawang nagmamahalan.

 

Paano ba kasi ako magiging bida sa kwentong ito, kung ultimo ang pangalan ko, hindi nabanggit sa simula palang?

 

Lahat ng tao kakilala siya. Lahat ng tao sinasabing perpekto siya, na parang nasa isang kanta lang, ang ganda, ang bait, ang talino.

 

At nung inakala kong hindi siya ang magiging bida sa istoryang ito, inaamin kong nagkamali ako. Dahil dito, si Jess ang leading lady.

 

At ako, ang Bes ni Jess, ang nagsilbing narrator ng kwento.

 

--

 

S-A-B-A-W. Hahaha! Sinisingit ko lang 'to sa pagrereview ko. Inspired sa pilosopotasya's Sharm's Side. :))

 

PS: Mahilig akong isingit ang pagmamahal ko kay Daniel Padilla! Haha

 

 

 

 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Leading LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon