(Not goof for young readers this chapter has a matured scene!)
Aricka~~
"Binibining vilanueva??"
Agad akong napabalikwas sa pagkatangga at kaagad na tuminggin kay ma'am"Ahmmm...ma'am.."
"Hanggang kailan ko ba dapat ipaliwanag kapag nasa klase ko kayo Filipino ang salitang gagamitin niyo!" Ipinalibot ni Binibining Loperda ang kanyang mata saka maingat na naglalakad patungo sa isang studyanteng nakaupo sa kabilang side.Kasabay ng paglakad nito ang siya ring pagtunog ng sandal ng takong nito.
"Huh....Versosa?Hanggang kailan ko uulit-ulitin sayong wag mong gamitin ang oras ko sa walang kabuluhan mong gawain!" Malumanay ngunit buong buong pahayag ni BINIBINING Loperda
"Tayoo!"
"Binibini naman." Tilala nagtatampong sabi ng lalaki kasabay ang paghawak sa leeg na tila hindi alam ang gagawin nahihiya at palingga lingga ang ulo ngunit kakitaang ito'y may kahambugan.
"Manahimik ka! Aba sinasayang mo lamang ang pera ng iyong magulang e madalas ka ngang pumasok sa klase ko subalit may natutunan ka nga ba?aba! Umayos kang bata ka hindi dahil mayaman kana ipagpaliban ko nalang yang mga gawain mo.tsk!" Di kaginsa ginsay umalis ito sa pwesto ko at tinitigan ako bago muling tumingin kay Versosa na aangkang uupo ngunit kaagad na nagsalita si Binibini.
"Binigyan ba kita ng permeso na umupo kana Versosa?"
"Eh-h..k-kasi...---"
"Aba!at talagang magdadahilan kapa?! Manatili kang nakaupo dyan hangga't hindi mo masasagot ang mga katanungan ko!"
Malumanay itong naglalakad na tila may hinahanap.Huminto na naman ito sa isang babaeng puno ng kolorete ang mukha.Marahil hindi nito napansin ang paglapit ni binibini kaya nagpatuloy lang ito sa pagpindot pindot sa cellphone habang nakasaksak sa Tengga ang headset. Malaki ang ngiti sa mukha at may pahagikhik pa na marahil kinikilig sa e tenext ng boyfriend nito.Ilan sa mga studyante ay nagpipigil ng tawa akalain mo nga namang bigla nalang hinampas ni binibining loperda ang misa nito.
"Ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha!!" Malakas na tawanan namin.Naiinis na ibinaling ng babae ang tingin sa kamay ni binibini at halos magkatagpo ang dalawang kilay nito sa subrang pagkadisgusto sa kadahilanang ito'y naadestorbo.Dahan dahan nitong inangat ang ulo na kakitaan ang labis na inis akmang sisigawan na nito ang may gawa ng biglang umamo ang mukha na nakangiwing tumatawa.
"Ahh---ehh---binibini---"
Tinaasan lang ito ng kilay ni binibini at matalim na tinitigan.
"Mnnnnn...Venice Tan? Napakagandang pangalan..." Nanitiling nakatutuk ang mga mata ni binibini kay Venice.Sa di nagtagal kaagad nitong hinablot ang cellphone pati narin ang headset.
"Tayoo!"
Mabilis na tumayo ang babae na halatang kinakabahan.
"Bakit gustong tumigil ng pag-aaral ni PLACIDO PENITENTE?"Malakas na tanong ni binibini.Dahan dahan kinupkup ng babae ang kanyang ulo saka nakangiwing tumingin kay Binibini halatang hindi ito mapakali sa pagkakatayo.Kumikibot kibot ang labi nito na tila hindi malaman kung anong nararapat gawin.
"Aba! Ang husay mong tumugon ng AYLABYO sa nobyo mo.Palibhasa puro pagpapaganda ang laman ng utak mo.Hindi dahil may boyprend kana ipagpaliban mo na lang ang mahahalagang itinuturo ko sayo.Tandaan mo ang pag-aaral ang pinaka makapangyarihang ibinigay sainyo ng mga magulang mo..dahil kahit saang lupalop kaman ng mundo mapadpad ito lamang ang kais-isang bagay na hindi mananakaw ng sinuman..yang boyfriend mo?" Patuloy na tiningnan ni Binibini si Venice at tumalikod na naglakad patungo sa mesa nito.Itinukod nito ang dalawang siko sa mesa at isa-isa kaming tiningnan at hinihinto lang pabalik kay Venice.Ngumisi lang ito ng makabuluhan at ipinagpatuloy ang sasabihin."Iiwan ka rin lang nyan.Yang kolorete mo sa mukha..Mabubura lang din yan..Yang kayamanan niyo kukupas lang din yan..Ngunit yang laman at natutunan niyo kailanma'y hindi." Matigas at mapangaral na ani ni binibini
BINABASA MO ANG
THE SECRET REVENGE ( COMPLETE)
Teen FictionSYNOPSIS Masarap mabuhay na maging masaya't Malaya sa gustong gawin.. Ngunit paano kung ang buhay na iyong pinanggarap ay kasalungat sa buhay na iyong kinasasadlakan? Paano kung ito pa mismo ang wawasak sa iyong mga mithiin at pangarap? Paano nga...