POV: Henry II

30 3 0
                                    

POV : Henry II

Kinabukasan;

Habang papasok si Henry sa school ay dala-dala na nito ang CD na naglalaman nang kopya nang video para kay Arraine.

        Nang makapasok na nangtuluyan sa school ay nakita nito ang mga taong nakatingin sa kanya, nagtataka ito at para bang may mali sa kanya. Ayaw niya ang kanyang nararamdaman, hindi niya gusto ang pinagtitinginan sabay mo pa ang tila pagbubulungan nang iilang nakakakilala sa kanya na sinabayan din nang hindi mawaring pagtingin.

        Hanggang sa sumulpot sa harap niya si Mr. Claveria na taga guidance office, “Mr. De Jesus, in my office, Now!” Masungit na sambit nito kay Henry.

        Habang sunod-sunod sa yapag nang ginoo papuntang office ay nakita nito ang mga kaibigan niya sa school hanggang madaanan nang tingin si Cyrus. Isang mapanlinlang na naman na itsura ang sumambulat kay Henry, may benta ang ulo at parang bali ang braso dahil sa nakapalupot na benda rin dito. Isang nakapagtatakang itsura na sa tingin niya ay hindi na makatutohanan.

Sa Guidance office;

        “Anu sa tingin mo ang ginawa mo Mr. De Jesus?!” Galit na umpisa ni Mr. Claveria, “Plano mo bang patayin si Mr. Guevarra?”

        “Hindi po” Seryosong sambit ni Henry.

        “Then anu ang pumasok sa kukote mo?!” Pabalang na sambit ni Mr. Claveria na napatayo sa pagkakaupo nito.

        Ngunit hindi na nagsalita si Henry, alam niya kasing kahit na anung sabihin niya para madepensahan at masabi ang katotohanan ay matibay nang katibayan ang nakita niyang panlilinlang muli kay Cyrus sa kanya at maging sa mga tao sa school.

        Pasok sa kanan at labas nalang sa kaliwa ang lahat nang mga sinasabi ni Mr. Claveria kay Henry, kung anu man ang magiging parusa ay wala na siyang pakealam, alam niya kasing may mas importante siyang pinuntahan sa school at yun ay ang ibigay kay Arraine ang bagay na para rito at hindi ang pagaksayahan ang galit nang professor na wala namang basehan sa kung anu ang tunay na nangyari.

        Tila pumagitna siya sa isang kumunoy at sa wakas ay nakaahon na, ngayon ay gagawin niya na ang dapat kanina niya pa sana ginawa.

        Muli ay pinuntahan niya si Arraine sa klase nito sa araw na iyon. Dali-dali nitong inintay si Arraine hanggang sa matapos ito sa kanyang unang klase at makalabas na nang classroom.

        “Arraine” Tawag nito. Napatingin si Arraine kay Henry—“Para sayo oh” Sabay about ng CD.

        Ngunit wala munang salitang natanggap si Henry mula kay Arraine, kundi isang matinding sampal sunod ang sabi—“Hindi ka ba talaga titigil!? Wala ka ba talagang magawang tama!?” galit nito.

        Gaya nang isang boksingerong namanhid na sa laban ay tila wala nalang sakanya ang sampal na natamo at muling nagsalita, “Arraine, tanggapin mo to” muling lapit nang kamay at bigay nang CD kay Arraine.

        Sa galit na bungad ni Arraine kay Henry ay mukhang alam na nito ang nangyari kay Cyrus at kung paanong minanipula naman ni Cyrus ang mga bagay-bagay upang siya nanaman ang magmukhang bida sa mata ni Arraine at si Henry nanaman ang magmukhang masama.

        “Sa tingin mo tatanggapin ko yan!? Umalis kana!” Sabay ang tulak kay Henry sa kanang balikat nito. Pero hindi parin nakikinig si Henry at pilit abot pa rin nang CD kay Arraine.

        Dahil sa unti-unti ay nakukulitan na si Arraine kay Henry ay wala na itong nagawa pa kundi gumawa nang kilos na magpapahinto kay Henry sa pagpupumilit nito. Walang pagaatubili nitong hinampas ang kamay ni Henry na nakalahad at sadyang tabig sa CD na hawak nito na dahilan upang malaglag ito sa kamay ni Henry at pumagitna sa Hallway.

        Kasabay naman nito ang pagtunog nang bell nang school at labasan nang mga estudyante nang kabilang classroom. Dahil sa kumpulan at bilis nang pangyayari kaya wala nang nagawa si Henry at mabilisang naapak-apakan ang CD na para sana kay Arraine.

        Habang nakikita ni Henry ang CD ay hindi nito magawang hindi madurog nang tuluyan. Ang tanging paraan na naisip niya ay muling naglahong parang isang bula. Nang tuluyang makaalis ang mga estudyante at maiwang basag-basag na ang CD ay pinulot pa rin ito ni Henry, isa-isa niyang kinuha ang bubog nang CD na naglalaman nang pinaghirapan niyang gawin para kay Arraine.

        Gustong madurog ni Arraine habang pinagmamasdan niya si Henry pero tinatabunan din ito nang galit dahil sa alam niyang mga ginawa ni Henry sa kanya pati na sa kaibigan niya.

        Nang mapagtagumpayang kunin ang durog-durog na peraso na kaya niyang dalahin ay hindi na tumingin pa si Henry pabalik kay Arraine. tumayo ito mula sa pagpupulot at naglakad papaalis.  

        Durog-na-durog si Henry na umalis, mas durog pa sa isang CD na naapak-apakan nang mga estudyanteng nagmamadali. Dahil sa wala sa sarili si Henry ay mabilis na dumaloy ang oras at hindi nito namalayan na papasok na siya nang kwarto niya sa dorm.

        Hindi maiwasan ni Henry ang manlumo dahil sa nasayang nanaman na pagkakataon at panahon, wala nang maisip pa at tanging nanghihina na ang loob ni Henry dahil sa sunod-sunod na nangyari. Tila nawala ang lakas nang loob at tapang nito, parang gusto nalang nitong maglaho at biglaang mawalan nang hininga.

        Habang nakaupo sa isang sulok nang sahig ay hawak-hawak pa rin ni Henry ang kaperaso nang Durog na CD na pinulot niya kanina. Habang pinagmamasdan ito ay hindi niya mapigilang maiyak sa panghihinayang at lubos na galit sa sarili dahil sa walang magawa para maipaglaban ang pagmamahal niya kay Arraine.

        Naliliyo, naprapraning hanggang sa hindi na halos alam ang gusto nitong gawin. Parang may naguudyok na kay Henry na gawin ang isang bagay na hindi nararapat gawin, parang may mga bulong na itong naririnig na hindi niya naman dapat marinig. Biglang tingin sa bintana nang marinig ang huni nang isang ibon. Nasaktan ang mga tenga nang marinig ang mga yapag nang paa sa labas kahit hindi naman ito kalakasan, naging sensitibo ang pandinig nito, naging aligaga ang mga mata nito. Tuloy-tuloy ang tagaktak nang pawis, maya’t-maya ang paglingon sa kung saan.

        Hanggang sa muling nadaanan nang kanyang mga mata ang hawak-hawak nitong peraso nang nadurog na CD.

        Hindi na maipinta ang pagkabalisa ni Henry, tila simula nang tumungtong ito sa kwarto ay napunta na rin ito sa isang kawalan, tila parang ang imahe nang positibo niyang pagkatao ay naglaho na nang tuluyan.

        Sandali pa ay kinuha niya ang malaking bahagi nang peraso ng nadurog na CD. Tinitigan niyo ito, unti-unti ay tumulo ang luha sa kanyang mata, pahikbi nito na ginawa ang isang bagay na hindi niya dapat na gawin. Isang bagay na sa tingin niya’y sa oras na iyon ay ang tanging natitirang paraan para maibsan ang nararamdaman.

        Habang hawak ang Peraso nang CD ay dahan-dahan niya itong nilapat sa kanyang kanang pulso.

        Isa-isang bumalik ang masasakit na ala-ala nang lahat nang dinanas niya sa buong lingo, ang pagbebreak nila ni Arraine, ang panloloko sa kanya nang tinuring niyang kaibigan at maging ang ex niyang si Leann, ang galit nang guidance consilor, maiingay na tunog mula sa labas at hanggang sa mga problematikong bagay tungkol sa kanyang pamilya at kabataan.

        Gusto nang bumigay nang utak at pusong lagi nalang nahihirapan at nasasaktan, sawa na si Henry na alamin ang susunod, sawa na nailaban pa ang mga susunod at abutan pa nang susunod pang mga umaga. Kahit aligaga at halos hindi na makapagisip nang maayos ay alam nitong mali ang gagawin niya. Pero itong maling ito ang isang bagay na tanging magagawa niya para maibsan ang problema at maglaho ang kanyang nararamdaman.

        Tinarak ni Henry ang Peraso nang CD sa kanyang pulso nang may diin. Napaluha nalang si Henry hanggang sa natumba sa may sahig.

Suicidal PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon