POV: Arraine

29 3 0
                                    

POV : Arraine

Habang pabukas si Arraine nang locker ay naisip nito ang ginawa niyang pagtaboy kanina kay Henry, alam niyang dapat ay kinunan niya pa rin nang paliwanag si Henry kahit pa sa lahat nang alam niyang nagawa nito. Tila muli ay nagpadala nanaman ito sa matinding emosyon na kanyang naramdaman habang kinukwento ni Cyrus ang ginawa ni Henry na pambubugbog.

Hindi na nito alam ang tama at mali nitong gagawin, marahil sa pagkakataon ganun ay yun nalang din ang tanging naisip niyang gawin para hindi na siya muling kulitin pa ni Henry. Hindi maipagkakailang mahal pa rin ni Arraine si Henry, pero gayun din naman ay inaalagaan niya ang pagsasama nila ni Cyrus at tinitimbang kung anu ang mas tama sa alam niya.

Nang mabuksan ang locker ay may biglaang nalaglag na puting papel na nakatupi sa tatlo. Nang lumapag ito sa sahig ay nakita nito agad ang kanyang pangalan at hindi ito nagkakamali sa kanyang nakita na ito ay sulat kamay ni Henry. Dahan-dahan siyang yumuko para pulitin ang sulat na marahil ay para sa kanya, dahan-dahan niya itong bunuklat at inumpisahang basahin. May panginginig nang mga kamay niya itong pilit na hinahawakan at dahan-dahan ay namumuo nang luha ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga salitang binitawan ni Henry sa sulat, kung gaanong mahal na mahal siya nito at kahit kailan ay hindi ito makakagawa nang kahit na anung pagsisisihan nito sa relasyon nila. Ayaw ni Henry na mawala sa kanya si Arraine, ayaw niyang masaktan ito, at sa katunayan pa nga ay namimiss na nito ang bawat sandaling magkasama sila, ang lahat nang mga bagay at oras na pinagsasaluhan nila nang sabay. Ipinagtapat din ni Henry sa sulat ang tungkol sa hindi  niya alam na dahilan kung bakit gustong sirain ni Leann ang relasyon nila gayung nagusap na sila nito, tapos na sila at inakalang nagkaintindihan na. 

        (Nang oras na sinulat ito ni Henry ay hindi niya pa alam na si Cyrus ang may pakana kaya ang tanging nasabi niya lang sa sulat ay si Leann ang tanging alam niyang may dahilan nang lahat)

        Habang tinatapos basahin ang sulat ay hindi narin mapigilan ang tuloy-tuloy na luhang bumabagsak sa mga mata ni Arraine, tila ang paliwanag na gusto ni Henry na matanggap ni Arraine ay nakuha na nito.

        Nanlumo si Arraine, tila napalampas nito ang isang mahalagang pagkakataon sa buhay niya, ito ay ang pakinggan ang paliwanag nang taong minahal niya at minahal siya. Nang matapos basahin ang sulat ay hindi naiwasan ni Arraine na hindi matuluan nang luha ang sulat, tila ang sulat na ito ang nagbigay daan upang mas maunawaan ni Arraine ang mga bagay bagay at kung sino ang tunay na nagkamali, tila nabura nito ang galit na nadarama at sulsol na gawa ni Cyrus sa kanya. Binalik niya ito sa dating pagkakatupe. Nangibabaw ang lungkot at pagsisisi sa pakiramdam ni Arraine, naging dahilan pa tuloy ito upang makalimutan ang nais gawin sa locker kung bakit nga ba ito pumunta dito.

        Biglaang may pumasok sa isip ni Arraine kaya agad nitong sinara ang pinto nang locker niya at tago sa bag nito nang sulat na para sa kanya. Sandali ay nagmadaling naglakad si Arraine hindi niya man alam kung saan uumpisahan ang paglakad ay tila nararamdaman niya na kung nasaan ang hinahanap nang mga paa niya. Para bang may isang bagay siyang hindi niya nagawa nuon na gusto niya nang gawin ngayon.

        Isang laban ang gustong mangyari ni Arraine, ang laban para sa mahal niyang si Henry at ang laban para sa relasyon nilang nasira dahil sa isang babaeng gustong magkasira sila.

        Agad nakita ni Arraine ang mga kakilala at hinanap sa kanila si Leann, agad namang may nakapagsabi na nasa canteen ito.

Sa may Canteen;

        Ayaw mageskandalo ni Arraine kaya kahit galit na galit ito ay nilapitan niya si Leann nang mahinahon at kalmado.

        “Leann, pwedeng magusap tayo?”

Suicidal PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon