POV: Arraine

42 3 0
                                    

POV : Arraine

Dahil sa walang tulog ay naisipan ni Arraine na maaga nalang magising at pumasok sa eskwelahan. Nang makarating sa eskwela ay dumeretso ito sa library upang magbasa nalang nang libro na dati-rati niya naman ginagawa pagnapapaaga siya sa pagpasok. Isa si Arraine sa student assistant nang naturang library kaya naman madali para sa kanya ang maka-access sa library kahit pa sa maagang oras na pagpasok.

        Matapos makuha ang susi sa guard para buksan nang maaga ang library ay nagtungo na ito agad sa pupuntahan. Habang naglalakad sa corridor papunta ay may mga imaheng lumabas sa kanyang utak na nagpapaalala sa kanya sa nangyari two days ago.

        Habang nagmamadali sila ni Cyrus papuntang library ay nadatnan nila si Henry at Leann na magkahalikan. Tila naalimpungatan ang dalawa nang makita nila ang biglaang pagsulpot ni Arraine at Cyrus sa eksena kaya naman agad silang naglayo. Napatakbo nalang si Arraine na tila hindi kinaya ang nakita nito, ang boyfriend niya na si Henry at ang ex nito ay magkahalikan sa harap niya.

        Matapos malagpasan ang corridor at maalala ang nangyari ay nakarating rin ito sa library.

Nang mabuksan ang library ay tinungo agad nito ang literary books section para duon kumuha nang libro. Habang hinahanap ang librong hindi niya pa tapos basahin ay may mga ala-alang sumaglit nanaman sa kanyang kamalayan. Hindi mawala ang galit ni Arraine sa kanyang puso dahil sa nakita nito pero gayun pa man ay si Henry pa rin talaga ang laman nang kanyang puso’t isipan—“Kung sana bulag lang ang puso, kakalimutan ko ang nakita ko, pero hindi ko kayang dayain, hindi ko kayang hindi masaktan, tao lang ako Henry hindi ako diyos.”    

        Habang nagbabasa sa may library ay may biglaang pumiring nang kanyang mga mata. Dahil sa lagi itong ginagawa ni Henry sa kanya ay inakala agad ito ni Arriane na si Henry. Kinakitaan agad ito nang matipid na ngiti sa pisngi at pagkagulat. Kahit pa galit sa binata ay hindi mawawala ang pagkamiss nito sa boyfriend niya, pero gayun pa man tila tinatabunan pa rin nang galit ang puso ni Arraine kaya naman ang matipid na ngiti ay muling nabura sa mukha ni Arraine.   

        Dahil alam niyang kailangan din niyang lumaban sa kanyang nararamdaman ay hindi pinakain nang nararamdaman niya si Arraine. Nasaktan na siya nang isang beses at ayaw niya na rin masaktan pa kaya naman hindi na pinatagal pa ni Arraine ang dalawang kamay na gumapos sa kanyang mata at inialis na ito sabay ang medyo seryosong tingin sa likod—“Anu—!” Sasabihin sana ni Arraine, pero hindi natuloy dahil sa iba ang nakita niya—“Cyrus?!”

        “Ako nga sino pa bang inaasahan mo?” Pagtabi sa kinauupuan ni Arraine.

        “Wala” Matipid. Sabay balik sa pagbabasa.

        “Si Henry no? Wala na yun baka kasama na nun si Leann”

        Napangin kay Cyrus, “Alam mo kung hindi kita kilala iisipin ko sinisiraan mo siya”

        “Huh? Ako! Bakit ko naman gagawin yun” Napaisip at pinagpawisan. “Kaibigan kita, kaibigan ko rin siya. Pero hindi ibig sabihin na itotolerate ko yung mga ginagawa niya”

        Inalis na ni Arraine ang tingin kay Cyrus, sabay ang salansan nang mga libro at pagtayo.

        “O teka, saan ka pupunta?” Pagpigil ni Cyrus.

        “10 minutes na lang magbebell na. Kung gusto mong maiwan dito bahala ka”  

        “Ayyy. Hindi sasama na ako” Sabay ang sunod kay Arraine.

Suicidal PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon