POV : Henry and Arraine

43 2 0
                                    

POV : Henry and Arraine

Henry: (Nahinto ang malalim na pagbaliktanaw ni Henry sa nakaraan nang biglaang may pumihit nang hawakan nang pinto at dahan-dahan ang pagbukas, agad na napatingin si Henry sa pinto at hanggang nakita ang taong pumasok sa kwarto)

Arraine: (Nang makapasok si Arrainne sa kwarto ay agad niyang nasilayan si Henry na nakalumpasay sa sahig at naninilogo sa sarili nitong dugo)

Henry: (Nagulat si Henry sa biglaang pagpasok ni Arraine, hindi niya inaasahan na makikita niya ito at dahil duon ay napatayo siya at susubukang yakapin si Arraine)

Arraine: (Tila may gulo pa sa utak ni Arraine kaya hindi ito makapagsalita sa kanyang nasilayan. Nilapitan nito nang dahan-dahan at napaluhod sa tabi ni Henry)

Henry: . . .Arraine? (Tanging pangalan nalang ni Arraine ang nasambit ni Henry, dahil sa gulat nang malampasan siya nito nang subukan niyang yakapin, Tumagos ang katawan ni Arraine sa kanya, dumere-deretso ito hanggang sa likod niya. Tuluyang nagtaka si Henry kaya dahan-dahan itong napatingin sa likuran niya)

Arraine: (Nagumpisang lumuha si Arraine. Nanginginig-nginig nitong dahan-dahang nilapit ang kamay sa malamig na bangkay ni Henry, nais nitong wag paniwalaan ang nakikita, pero hindi niya kayang dayain ang tuluyang naramdaman nang mahawakan nito) He-henry. . .? Bakit mo to ginawa sa sarili mo? Hindi! . . . .Bakit ka sumoko!? (Tanging mga tanung, mga bagay na hindi niya alam kung paano tatanggapin ang paulit-ulit niyang tinataunung sa nanlalamig na katawan ni Henry, habang nasisilayan ang katawan nang minamahal ay hindi nito maiwasang manlumo, kaya naman agad niya itong niyakap at tila dinadama ang natitira pang init sa binata. Hanggang sa nakita nito ang pinagmulan nang sugat kung kaya siya namatay)

(Alam ni Arraine na walang buhay si Henry, kaya imbes na magatubili ito na tumayo, sumaklolo, sumigaw at ipaalam na patay na si Henry ay sinariwa niya na lamang ang sandaling mayakap ang natitirang init sa katawan ni Henry at maramdaman sa huling sandali ang taong minahal siya nang totoo at tapat.)

Henry: (Nang Makita nang tuluyan ang katawan ay duon lang napagtanto ni Henry ang lahat, na patay na siya, at ang naliligo sa dugo at yakap-yakap ni Arraine ay walang iba kundi siya)

Arraine: (Habang nakatingin sa malaking laslas sa pulso ni Henry ay nakita rin ni Arraine ang ginamit niyang panglaslas na peraso nang CD, naalala niya tuloy ang CD na ibinibigay sa kanya ni Henry at ang nadurog na mga bahagi nito dahil sa pagtabig niya nang sadya, na naapak-apakan pa nang mga estudyante)

Henry: Hi-hindi, Hindii!! Hindi pwede to, hindi pwedeng mangyari to! Gumising ka Henry, hindi ka pa patay! (Tanging nasabi ni Henry habang ito ay nauutal-utal at hindi makapaniwala sa nakikita, tila halos sampal-sampalin na ni Henry ang sarili para gisingin ang inaakalang panaginip lamang)

Henry: (Lumapit si Henry kay Arraine) Arraine!! Arraine nandito ako!! Tumingin ka sa akin nandito ako!! Arraine pakinggan mo ko! Arraine!!! (halos sigaw-sigaw na ni Henry si Arraine pero wala paring epekto ito)

Arraine: (Kahit pa alam ni Arraine na imposible ay tila pinipilit niya pa ring ginigising si henry) Gumising ka na Henry, Parang awa mo na! (Tuloy-tuloy sa pagagos ang hula sa mata ni Arraine. Tila ba isang ulan na unti-unti ay lumalakas, tila pa isang bulong na palakas nang palakas)

Henry: (Hinagip-hagip ni Henry ang likuran ni Arraine, sa pag-iisip nab aka kahit papaano’y mayakap pa niya ito, maramdaman man lang ang init na dala ng pagmamahal nito, ngunit hinidi na siya sinaluduhan nang langit sa gusto niyang gawin, kahit anung pilit niya ay tumatagos ito at baliwala pa rin. Kahit saan siya humawak ay wala na ring pag-asa. Kahit sana pakiramdaman nalang ang init ni Arraine ay hindi nito maramdaman)

(Umiiyak ang dalawa, habang nasa isip ang pagsisisi at panghihinayang sa isa’t-isa)

Arraine: Kasalanan ko to! . . .Henry sana nuong una palang ay naniwala na ako sayo, kung hindi lang sana ako naging tanga at nakinig kay Cyrus sana nandito kappa, sana buhay kapa! (Mga pagsisisi ang sunod-sunod na lumabas sa bibig ni Arraine)

Henry: Hindi Arraine! Ako! Ako ang may kasalanan! Kung mag nagintay lang sana ako, kung mas nagtiis lang sana ako, kung mas hinabaan ko ang pasensiya ko at kung sana hindi ako naging emosyonal! (Mabiliusang sagot ni Henry sa mga pagsisisi ni Arraine)

(Tila nagtatalo ang dalawa, kahit pa hindi naman nila naririnig ang isa’t-isa at ang mga hinaing sa isip nang bawat isa. Gustong kayapin ni Henry si Arraine, kung saan pwede silang magkarinigan, magkapatawaran at magkaintindihan, ngunit kahit anung pilit nito ay hindi niya magawa ang gustuhin. Tuloy pa rin naman aang yakap ni Arraine sa halos malamig na rin na katawan ni Henry, na pinaiinit pa rin nang pagmamahal ni Arrine, nahuli ma’y kahit papaano’y naramdaman ni Henry ito dahil sa nakikita niya pa rin ito. Gustong makiyakap ni Henry pero wala na siyang magagawa at ang tanging magagawa na lamang niys siguro ay ang umiyak at sumigaw na tila ay nagbabakasakaling marinig pa ito ni Arraine) . . .Arraine, Pakinggan mo ko! ARRAINE!!

        (Biglang lumakas ang pintig nang puso ni Arraine, kinabahan bigla ito at nanindig ang balahibo. Tila isang boses ang kanyang narinig at ito ay ang sigaw ni Henry)

Arraine: Henry!?? Nandito ka! Tama, naririnig kita!

Henry: Arraine!!! Tama, nandito ako! Mahal na Mahal kita tandaan mo yan! Alam ko magkikita pa tayo! Hinding-hindi kita iiwan! (mabilisan ngunit pasigaw na wika ni Henry)

Arraine: (Dahil sa sayang naidulot nang naririnig ay napalitan ang lungkot nang isang malaking ngiti sa mukha ni Arraine) Mahal kita Henry! Sorry sa lahat! Sorry kung hindi ako nakinig sayo, sorry.

Henry: (Lumaon ay tila napansin ni Henry na unti-unti na siyang naglalaho matapos makapagpalitan nang salita kay Arraine)

(Hindi man gusto ni Henry ay unti-unti na itong nilalamon nang kawalan, ang una ay ang hugis nang kamay nito, na nasundan nang pagkawala nang paa pataas at hanggang sa kumalat na sa buong katawan na parang isang matapang na asido at agad na mabilisang tumutunaw sa kanya, parang isang anay na madaliang kumakaen sa kabuoan niya. Walang magawa si Henry, pilit man siyang lumaban sa pagkakataong ito ay huli na. Kaya imbes na gumawa nang mga bagay na hindi niya naman alam kung paano ay inubos niya na lamang ang nalalabing oras para tignan at mas pakiramdaman pa ang pagyakap ni Arraine sa katawan niya. habang inihahanda ang babaunin niyang mukha na pilit niyang kinakabisa)

Henry: Pangako hinding-hindi kita iiwan, lagi kitang babantayan, at kung sakaling tunay man ang kabilangbuhay, pangako kung ikaw lang at tanging ikaw parin ang mamahalin ko, hahanapin kita Arraine, Hanggang sa muli nating pagkikita (Matapos sabihin lahat nang gusto nitong marinig ni Arraine ay maluwag na itong pumikit at dinama ang paglisan sa mundo, habang patuloy na tumatagos ang luha sa kanyang mata)

(Tumulo ang luha sa mata ni Henry habang nawawala-wala ito at nilalamon sa kawalan, ang patak nang luha nito ang tanging natira at tumulo hanggang sa nalaglag sa mata nang nahandusay na nanlalamig na katawan ni Henry)

Arraine: (Natahimik si Arraine, tila ba parang iniintay pa rin kung meron pang maririnig mula kay Henry, nang biglaang makita ang pagtulo nang luha sa mata ni Henry. tila isang senyales nang pamamaalam nito kay Arraine) Magiintay ako (tanging na wika ni Arraine hanggang sa muling pagyakap sa malamig na katawan ni Henry)

Suicidal PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon