Ang hirap talaga pag mahirap ka, kelangan mong mag banat ng buto. mag kapera lang. ganyan ang buhay ko. ang hirap. lalo na nung nagkasakit ng malubha ang nanay ko.
nasa operating room nun si nanay habang nasa labas naman ako.
hawak hawak ko ang bill ng hospital.
"san ako kukuha ng ganitong kalaking pera?"
naiiyak na sambit ko. isang milyon? saan kukuha nag isang milyon ang isang dukhang katulad ko?
napaluhod ako sa sandaling iyon.
bat nangyayari to sakin? unang una iniwan kami ng walang hiyang tatay ko. galit na galit ako sa kanya dahil pinabayaan nya lang kami ni nanay! sunugin sana sya sa impyerno!
tumayo ako ang lakad palabas ng hospital. kelangan ko makahanap ng isang milyon. kahit ano gagawin ko. maligtas lang si nanay.
"bayot, patulong naman oh, san ba ako pwedeng makautang ng isang milyon?" tanong ko sa baklang kaibigan ko.
"thank you for that wonderful question, first of all..... ANONG KLASENG TANONG YAN NARI?!!"
napakamot nalang ako sa batok ko.
"kelangan ko kasi ng pera bakla eh, si nanay kasi inatake na naman. pero iba na ngayon! pwede nya itong ikamatay pag hindi sya na operahan!"
"emegesh girl! shocking naman yan! pero teka nga! isang milyon? saan tayo kukuha ng ganyang kalaking pera girl?!"
"eh kung sumali kaya tayo sa bet on your baby? mag panggap lang tayong mag asawa?"
"mandiri ka nga nari! me is bakla and you is tomboy! hindi pwede no! atsaka wala tayong baby kaya wala tayong pang bet dun!"
"alam ko no! hindi ka naman mabiro! pero seryuso nga tayo dennis----"
"ep ep ep! its denese not dennis ok?"
ang arte talaga ng baklang ito.
"oo na ms. denese cornejo! i vhong navarro kita dyan eh! tulungan mo na nga akoooo!"
"fine! pupunta tayo mamaya kay mr.tan para humingi ng tulong or let me say umutang ng isang milyon nayan!"
hindi na ako nag aksaya ng panahon agad na pupunta ak kami kay mr tan.
"goodafternoon sir." nag bow muna kami ni baklita kay mr.tan
"ano kerangan nyo sakin?" nakaupo ito sa isang sopa. umupo narin kami ni baklita.
"uhhmm mr.tan were here because we need your help. ang nanay ko po kasi-----"
"okeee.. sign this contract iragay mo na rin ang amount na gusto mo utangin sakin."
napanganga kami ni baklita. ganun lang? kakasimula ko lang mag explain ah?
hindi na ako nag dalawang isip na pirmahan ang contratang iyon.
"here sir. thank you po! thank you!"
"warang anuman iha. basta tandaan mo. within one month dapat mabayaran mo na yang utang mo sakin kung hindi.. creeeeek!"
nanlaki ang mga mata ko.. with in one month? pagkatapos pag hindi ko nabayaran..
"patay..."
pagkatapos kong makuha ang pera ay bumalik na ako sa hospital. biglang bumalik ang kaba ko.
nakayanan kaya ni nanay ang operasyon? sana...
"miss ortigas! mabuti naman andito kana, tawag ka ni doc, please follow me."
sinundan ko ang nurse na tumawag sakin papuntang opisina ng doctor.
"have a sit miss ortigas."
"uhhmm doc? kamusta po nanay ko?"
pakshet. kinakabahan talaga ako.
"hindi na ako magpaligoyligoy pa ms. ortigas.. hindi na mag tatagal ang nanay mo. were very sorry ms.ortigas."
nanigas ako sa narinig ko.
"d-doc.. babayaran ko naman po ang operasyon eh.. gawan nyo lang o ng paraan maligtas lang ang nanay k-ko."
"hindi madali ang operasyon ms.ortigas mismo ang nanay mo nahihirapan na."
bat ganun? palagi nalang ako iniiwan ng taong mahal ko.
"uhhmm sige po doc. puntahan ko lang po si nanay."
pinuntahan ko agad si nanay kung saan ang kwarto nya.
"nay?" tawag ko sa kanya. naka pikit lang kasi sya. ang putla putla nya. parang nahihirapan narin siyang huminga.
"a-anak.."
"nay.. huk wag nyo naman huk akong iwan oh? huk." shet nababakla na ako. huhu
"k-katrina anak.. hindi naman kita iiwan eh.. palaging nasa tabi mo lang ako anumang mangyari kaso anak hindi na ata kaya ni nanay eh. m-mahal na mahal kita anak tandaan mo yan ha?"
niyakap ko nalang si nanay. kahit sa huling sandali, gusto kong sabihin kung gano ko sya kamahal.
"nay.. mahal na mahal rin kita.. happy mothers day nay salamat po sa lahat.. mag pahinga ka na po nay alam kong pagod na pagod ka na."
ngumiti lang si nanay habang naka pikit.
ang sakit sakit parang pinipiga ang puso ko.
"nari! dumating si baklita.
"wala na sya denese" naiiyak sa sabi ko.
"shhhh~ magiging ok rin ang lahat nari." niyakap nya ako.
kahit kinuha na ng panginoon ang nanay ko, nag papasalamat parin ako dahil may isang kaibigan parin ako na nandyan para damayan ako.
sana nga magiging ok na ang lahat. sana malampasan ko ang pagsubok na darating pa sa buhay ko. sana makayanan ko ito. sana..
BINABASA MO ANG
HAVE YOU SEEN THIS TOMBOY? ( ON HOLD )
Humorikaw ang dahilan kung bakit ako nag kaganito, mahal kita pero hindi pwede. tomboy ka, bakla naman ako, mag bestfriends pa nga tayo eh, musta naman yun diba? basta andito lang ako parati sa tabi mo. dadamayan kita sa lahat ng problema na darating sa...