CHAPTER TWO:

172 30 17
                                    

"ikaw na ang kumatok bakla!" pagtutulak ni nari kay dennis. andito kasi sila sa labas ng bahay ng auntie nya.

"ano ba nari! tumigil ka nga! kakatok naman ako eh! kinakabahan lang kasi eketch!"

"hoy! umaayos ka ngang bakla ka! masisira tong disguise natin eh!"

"paano ako mapagkakamalang lalaki yan nari kung tinatawag mo parin akong bakla! ikaw talagang tomboy ka!"

"oy oy baklito tumahimik ka nga! mapagkamalayan tayong baliw dito eh!" dahil sa pag aaway ng dalawa hindi nila namalayan ang pag bukas ng pinto.

"SINO KAYO?!!" sigaw ng isang medyo may edad na na babae.

"AY ASWANG!"

"sinong aswang?!" nanlaki ang butas ang ilong ng babae para itong bubuga ng apoy sa galit.

"AUNTIE! SI DENESE PO ITO!" 

lalong namula sa galit ang babae.

"denese in your face! paanong naging lalaki ang isang baklitang pamangkin ko aber?!"

"auntie nemens.. ako po ito si denese.. disguise lang po ito!" lumapit ito ng konte sa auntie nya.

"kung ikaw nga si dennis.. patunayan mo!" paghahamon ng auntie ni dennis sa kanya hindi kasi ito kumbinsido.

"auntie naman! naging bakla lang ako dahil sa isang babae!" pagaamin ni dennis sa auntie nya.

"ANO?!" gulat na reaction ni nari ngayon lang kasi nya nalaman kung bakit naging bakla ang kaibigan nya.

"shock lang te? tss oh auntie? ok na ba? pwede mo na ba kaming papasukin?"

"hay naku! ikaw nga dennis! halika kayo pasok."

HAVE YOU SEEN THIS TOMBOY? ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon