chapter1

12 0 0
                                    

"Aaaaaaahhhhhhhh!!!!"sigaw ko sa loob ng kwarto. Paano ba naman kasi hindi ka maiinis pag gising mo isang araw kasal ka na, may asawa ka na, may anak ka na. Char lang wala pa akong anak!

Pero asawa meron! At limang buwan na kaming kasal ng bwisit na lalaking to dahil sa kanya nakapag asawa ako ng wala sa oras, panahon at pagkakataon! Letcheng buhay to oh-oh!!

Biktima ako ng rape! Este--- arranged marriage dahil nga palugi na ang kumpanya namin wala akong choice ako ang pambayad para masurvive ang kumpanya namin. Maglumpasay man ako at tumalon ng building wala na akong magagawa dahil kasal na ako sa bwisit na lalaki sa mundo. Kay CHRIS ROMERO !

Ako nga pala ang anghel na bumaba mula sa langit at naging pinaka magandang dyosa ng lupa, in short maganda ako I'm Victoria San Diego, for short Ria.

Bumaba ako ng kwarto ko dahil sa napakaingay na naririnig ko sa baba. Oo kwarto ko! dahil bukod kami ng kwarto ng damuho kong asawa.

"Bwisit ang ingay!!!!!!!" sigaw ko kaya tumahimik lahat ng tao, oh kung tao nga ba sila na napadpad sa bahay namin.

"Wifey sorry hindi ko naipaalam sayo na pupunta mga tropa ko" kakamot-kamot sa ulo na sabi ng asawa ko este ni Chris.

"Hi I'm Zack!"sabay pacute. Hay nako mas cute pa aso sayo, mamatay ka na pls!

"Hi I'm aafia!" todo ngiti naman ng isang to. Mukhang aso! Pero hindi cute, muka lang.

"Hi I'm Noah!"sabay lahad ng kamay sakin. Sheeet ang cute cute nya parang tuta sarap sakalin, chaar ampogi nya po!

"Hi I'm austy" Sabay ngumiti. Mukha namang matino ang isang to.

"Wifey hindi ka galit?"singit naman ng mukhang singit na damuhong to. Hindi ba obvious?

"Mamaya na tayo mag usap, gusto ko nang kumain gutom na ako." Hindi ko na sya hinintay sumagot at dumiretcho na ako sa kusina. Gumawa ako ng tuna sandwich at kumain. Dahil cute si Noah ginawan ko na rin sila.

"Sandwich muna kayo,masarap yan!" Inabutan ko agad si Noah while wearing my sweet smile. Kiber ko ba kay Chris bahala sya kumuha.

Nakita ko naman sa pheriperal vision ko na sumimangot si Chris. Kiber! Makaakyat nanga. Ayoko mahaggard sa kanya.

Tumayo na ako, lumingon ako kay Noah. "Ubusin mo yan ah, gawa ko yan". Sabi ko.

"Ah sige salamat ah!" Sagot ni Noah sabay taas ng sandwich.

"Ansheerep pwamis!" Sabat naman ng mukhang aso, Aafia ba yun! Letche pake ko sayo mabulunan ka sana! "Mmmk mmmk tubig!" Uubo ubo nyang sabi. Hahaha nabulunan nga!

Binuhusan ko nga ng isang baldeng tubig...Char lang syempre inabutan ko ng juice! Muntanga kasi salaksak ng salaksak sa bunganga kahit punumpuno na, oo alam ko masarap ako este yung tuna sandwich ko.

Nasa hagdan na ako paakyat ng tinawag ako ni Chris."Ah wifey!" Lumingon ako at tinaasan ko sya ng kilay bilang sagot. "Matutulog ka na ba?" Ang pangit mo mukha kang naiihing aso.

"Hindi pa naman bakit?!" Sagot ko.

"Ah wala naman sige umakyat kana." Haist! Umikot nanaman yung beautiful eyes ko at nagflip hair. Jusko inaksaya mo lang oras ko sa wala Chris!!!

Napaka ingay naman ng mga lalaki na to. Alas dyes na ng gabi nandito parin gusto ko na mag beauty rest utang na loob! Lumabas ulit ako ng kwarto. Kaya pala! may inuman pang nalalaman, mukhang lasing na ang asawa ko.

Arranged Marriage with Chris RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon