After dinner. Pinaakyat na kami ng mommy ni Chris para makapagpahinga. Pag dito kami natutulog sa iisang kwarto lang talaga. Dati wala namang problema sakin yun eh, ngayon meron na. Excitement at kilig ang nararamdaman ko! Gusto ko sya yakapin. Gusto ko ulit matitigan yung mukha nya. Gusto ko ulit humiga sa braso nya. Puso kalma muna okay?!
May TV naman sa kwarto kaya nanuod muna ako dahil 8pm palang naman. Si Chris dumeretcho agad ng banyo mags'shower siguro. Maya-maya lumabas na sya ng banyo at dumaan sa harap ko. Nasa kaliwa kasi sa pwesto ko yung banyo at yung closet naman nasa kanan ko kaya dadaan talaga sya sa harapan ko. Shet lang! Naka tapis lang sya ng tuwalya. Mamasa-masa pa ang katawan. Stuck-up lang ako deretcho lang yung ulo ko sa pinapanuod ko at baka sabihin nya pa binubusohan ko sya. Naramdaman ko nalang tumabi sya sa gilid ko. My heart beats so fast! Kalma sabi eh!
Hindi ko na naiintindihan yung pinapanuod ko eh. Nakatingin lang ako sa tv pero yung atensyon ko na kay Chris. Nakakaasar! Napalunok tuloy ako. As usual naka boxer na naman sya.
"Wifey..." Napapitlag ako ng bigla syang mgsalita sa tabi ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko!
"Ba- bakit?!" Hindi ako tumingin sa kanya. Kunwari tutok parin ako sa pinapanuod ko kahit wala na akong maintindihan.
"Okay lang ba sayo na magkatabi tayo sa kama matulog?" Tanong nya sakin. Malamang hindi! Feeling ko mamamatay na ako ngayon eh...sa kilig! "O gusto mo sa lapag nalang ako?" Dugtong pa nya.
Tumingin na ako sa kanya. "No! Okay lang sakin magkatabi tayo dito sa kama just like before. Sa bahay lang natin hindi." Sagot ko.
Napangiti naman sya. "Yeess!!" Akmang yayakapin nya ako pero pinigilan ko na sya. Tinaas ko yung dalawang kamay ko sa mukha nya. "Wag ka magkakamali sisipain kita!" Sabi ko. Napanguso nalang sya.
Tumayo na ako sa pagkaka salampak ko sa kama. Pumunta ako sa closet at kumuha ng tuwalya at damit pampalit. Katulad ng lagi kong suot pag matutulog na ako or nasa bahay lang ako, oversized T-shirt tsaka panty lang ang suot ko at walang bra! Sanay naman na si Chris makita akong ganito ata! Kiber!
Lumabas na ako ng banyo at umupo sa gilid ng kama. Si Chris nakatutok ang mata sa tv. Kinuha ko ang hair dryer sa drawer na pinagpapatungan ng lamp shade at sinimulang patuyuin ang buhok ko. Ilang minuto at natapos na rin ako sa ginagawa ko.
Inaayos ko na ang higaan namin nang tumunog ang cellphone ko. Lumapit ako sa gilid ng TV dahil doon ko naipatong sa mesa yung cellphone. Napakunot ang noo ko unregistered number na naman. Sinagot ko nalang para malaman ko kung sino.
"Hello? Who's this?" Sabi ko pagkasagot ko ng phone.
"This is me, Justin." Sagot sa kabilang linya. Ang boyfriend ko bago ko naging asawa si Chris.
"Bakit ka napatawag? Ano kailangan mo?" Sunod-sunod kong tanong. Napataas na rin ang kilay ko.
"I just missed you...so much! Mahal pa din kita Ria. Please pwede ba tayong magkita?" Sagot nya sakin. Kaya mas lalong napataas ang kilay ko.
"Tumigil ka na okay. May asawa na ako kaya wag mo na akong guluhin. Please lang!" Kalmado ko lang na sabi sa kanya.
Nagulat naman ako nang agawin ni Chris ang cellphone ko. "Tumigil ka na! Masaya na kami ni Ria!" Sigaw nya sa phone sabay end ng call. Humarap sya sakin. Hinawakan nya ang mukha ko. Napapikit ako akala ko sisigawan nya ako. "Tara matulog na tayo wifey." Yun lang at bumalik na sya sa kama.

BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with Chris Romero
Teen FictionDahil sa may crush ako at inspired ako syempre kaya pabigyan nyo na! Gusto ko talaga makabuo ng anak este ng story about sa kanya! Hehehe