Nagising ako mga 8am at nasa tabi ko pa rin si Ria. Haha! nasarapan sa tabi ko. Gustuhin ko man wag umalis yari naman ako pag naabutan nya ako sa tabi nya. Inalis ko na ang pagkakahiga nya sa braso ko at bumaba, maghahanda na ako ng breakfast.
Ako ang nakatoka sa pagluluto dahil tuna sandwich lang ang alam nyang gawin. At sya naman sa paglilinis, wala kaming katulong dahil ayaw ni daddy. Bahala daw kami sa lahat para matuto.
Tapos na ako magluto, umakyat ulit ako sa kwarto dahil mukhang tulog pa din ang asawa ko. Ngayon lang nangyari to dahil 8am lagi ang gising nya may pasok o wala.
Ria's POV
"Ano ba?! Kita mong ang sarap-sarap ng tulog ko eh. Istorbo ka!!!" Sigaw ko. Letche tong unggoy na to! Hipan ba naman ako sa tenga, Gusto ko pa matulog eh!
"Gising na wifey! Kakain na tayo!" Aba't niyugyog pa ako. Kinusot ko ang mata ko at tumingin sa orasan sa side table 9:30 na, napabalikwas ako ng bangon. Tumingin naman ako kay unggoy. "Oh bat nakangisi ka?!" Sigaw ko ulit. Nakakaasar mukhang manyakis!
"Napasarap tulog mo ah...sa tabi ko hahaha!" Pang aasar nya. Kung hampasin kaya kita ng hello kitty kong tsinelas unggoy ka!
"Ngayon lang nangyari na nagising ka ng ganitong oras eh." Dagdag pa nya. Puta mukhang kinikilig pa! Ang laswa grabe! Tumayo na ako at sinuot ang Hello Kitty kong tsinelas.
"Lampake! Tska ang baho ng hininga mo!" Haha! Sabay takbo sa baba. Ano kayang niluto nitong unggoy na to. Wow bacon! sherep! Dadakot na sana ako kaso may pumitik ng kamay ko. "Aray ano ba?!" Napanguso ako.
"Maghilamos ka kaya muna ang dami mong muta. Kadiri ka!" Sabi ni Chris. At tumawa.
"Pake mo ba sa muta ko!" Sigaw ko sa kanya, humarap na ako sa lababo at naghilamos.
Nakaupo na kami at kumakain.
"Oh bat tumatawa ka! Feeling close ka ah, hindi tayo bati!" Umikot na naman ang mata ko. Kainis to!"Ganda mo kasing baboy!" At bumunghalit ng tawa, may tumalsik pang tinga galing sa bibig nya. Yuck!
"Gago! Ikaw ang baboy tumalsik pa tinga mo sakin bwisit ka!" Tuloy parin sya sa kakatawa. Hay kainis!
Hahampasin ko na sana sya ng hello kitty kong tsinelas kaso may nag doorbell. "Hoy unggoy tignan mo kung sino yun!" Tumayo naman agad at patakbong binuksan ang pinto.
Sino naman kaya yun? Ang aga naman mambwisit! Hindi pa nga ako naliligo."Oh bakit nandito na naman kayo?" Rinig kong sabi ni Chris. Kayo?! Ibig sabihin nandito na naman yung mga tropa nya. Mukha nga dahil rinig ko na ang mga boses nila. Dali-dali akong pumanhik at naligo.
Humarap ako sa salamin. Hay ang ganda ko talaga! Dahil favorite ko si Hello Kitty, lahat ng gamit ko pink at may tatak ng Hello Kitty. Combination ng pink and white ang design ng kwarto ko. Mukha na nga akong pusa eh!
Pagbaba ko malamang ang gulo na naman nila sa sala, jusko!"Hello hello kitty!" Sigaw ni Zack pagkakita sakin. pakyu! Sabay irap.
"Roooaaarrr!!" Sabi ni aso. Ang epik ng mukha mong aso ka! "Araayy! Tae naman oh bat may pagbatok na naman?!!" Sigaw ni aso kay Noah. Buti nga sayo mukhang asong ulol ka! Bleeeh!
Tumawa lang naman si Noah. Ang cute talaga nito nag twinkle yung mata nya, may hikaw pa sa ilong. Si Austy tatawa tawa rin. Umupo ako sa pang isahang upuan. At binuksan ang TV, manunuod ako ng Hello kitty. Haha!
"May dala pala akong CD's, movie marathon tayo!" Singit naman ni Zack. Hello? Ang aga mo naman magmovie marathon peste ka!
"Ulol manahimik ka! Ang aga pa para magmovie marathon!" Sigaw ni Chris. Narindi ako sa bibig nitong unggoy na to, nasa tabing upuan ko lang sya makasigaw wagas!
![](https://img.wattpad.com/cover/130574239-288-k856570.jpg)
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with Chris Romero
Teen FictionDahil sa may crush ako at inspired ako syempre kaya pabigyan nyo na! Gusto ko talaga makabuo ng anak este ng story about sa kanya! Hehehe