chapter5

4 0 0
                                    

After namin mag dinner, sa sala kami ni Chris tumambay. Nagmovie marathon kami since wala naman kaming magawa dahil 7pm palang ng gabi. Nasa kalagitnaan kami ng panunuod ng mgsalita sya.

"Wifey tumawag nga pala si mommy kanina." Sabi nya.

"Hmm..bakit daw?" Tanong ko sa pagitan ng pagnguya ko ng popcorn. At nakatutok pa din ang mga mata ko sa pinapanuod ko.

"Pagkagaling daw natin sa school bukas deretcho na tayo kila mommy." Sagot nya. Tuluyan na akong napatingin sa kanya. "Gusto nya kasi dun na tayo matulog ng friday night hanggang sabado." Dugtong nya.

"Eh..bakit daw?" Kunot noo kong tanong.

"Tinatanong pa ba yan? Miss na nya cyempre yung pinaka gwapo nyang anak." Tinaas baba nya pa yung kilay nya at nagpogi pose. Nyay! Kala mo pogi ka na nyan?!
"Ayaw mo ba?" Sabi nya.

"Okay lang naman. Gusto ko sanang magshopping eh." Sagot ko. At ngumuya ulit ng popcorn.

"Sigurado naman lalabas tayo sa sabado eh. Pagshoshopping ka nun ni mommy sigurado." Sabi nya. At humiga ng pwesto sa sofa sa may gilid ko.

"Fine! May magagawa pa ba ako." Pagpayag ko.

"Wifey meron pa." Bumalikwas sya padapa ng pwesto at tumingala sakin. Naka upo kasi ako sa pang isahan.

Lumingon ako sa kanya. "Ano na naman?!" Pagtataray ko

"Date tayo sa linggo? Please!" Pinagsalikop nya pa ang palad nya sabay nag puppy eyes. Aye date?! Inaaya nya ako magdate. Aye bat na excite ako bigla! Tse!

"Ang dami mong alam!" Sigaw ko. Aye kenekeleg eke enebe!

"Wifey pagbigyan mo na ako. Gusto ko talaga magwork yung relationship natin." Tumitig sya sakin ng seryoso. Wait! Naguguluhan ako, gusto ko na ayaw ko. Gusto ko pumayag dahil may feeling ako na nagugustuhan ko na talaga sya. Na ayaw ko dahil dati sinabi ko sa sarili ko na never ko syang magugustuhan. Ano ba?!

"Pag iisipan ko." Pakipot muna noh! Aye enebe!

Nalungkot naman agad ang mukha nya. Letche wag mo ako daanin sa pa kyut mo!. "Oo na nga!" Bigla syang bumangon at nagtatalon sa tuwa. Hala ang oa mong unggoy ka! Haha pero ang kyut mo! Nagulat ako dahil hinila nya ako bigla at niyakap.

Napalakas ang paghila nya sakin kaya nawalan kami ng balance at natumba sa sahig. Nakapaibabaw ako sa kanya. Napapikit ako, pagmulat ko titig na titig si Chris sakin. Oh my god! Sobrang lapit ng mukha namin. Rinig ko ang pagkabog ng dibdib ko, akin nga ba o yung sa kanya!

Nanatili kami sa ganong posisyon ng ilang sandali. Nang hawakan nya ang mukha ko lalong kumabog yung dibdib ko. Ano ba! Tumayo kana Ria! Letche nanigas na nga ako rito eh.

Arranged Marriage with Chris RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon