chapter3

8 0 0
                                    

Nagset ako ng alarm ng 5am bago matulog kagabi kasi mabagal akong kumilos at ayokong mahassle. Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kwarto ni Chris, hindi yun nagla-lack kaya dere-deretcho ako pumasok.

"Langya naka boxer na spongebob lang ang unggoy, ewan ko hindi ako masanay sanay na makita yang kalansay na katawan nya. Char lang may laman naman, masyado lang akong oa! Haha!".

Grabe ang daming kalat kahit kakalinis lang nya kahapon, mukhang dinaanan ng bagyo. Kahit naman bwisit na bwisit ako sa unggoy na to asawa ko na sya, kaya may concern ako mga konti lang. Haha!

Niligpit ko muna yung mga damit at kung ano anong nakakalat bago ko sya gisingin. Nang matapos na ako sinakal ko na sya para mategi boom boom na sya, charroot! Sinabunutan ko lang yung buhok sa ulo nya sa baba este sa taas! Haha!

"Unggoy gising na pag nalate tayo sa school humanda ka sakin!" Sigaw ko habang niyuyugyog ang balikat nya. Aba! Tulog mantika, pumunta ako ng cr nya para kumuha ng tabo na may tubig. Bwisit! Sobrang panghe nasamid pako letche sumulasok sa ilong ko kaya dali-dali akong kumuha ng tubig at pinaliguan tong balahura na to!

Bigla naman syang bumalikwas ng bangon. "Hooo ang lamiiig!" Reklamo nya habang yakap ang sarili nya. "Wifey bakit ba?! Ang sweet mo naman mang gising." Sabi pa nya. Sweet mo mukha mo!

"Nabagok kalang kagabi nalimutan muna na lunes ngayon at may pasok na tayo! Bumaba ka na at magluto ng breakfast! Pero bago yun linisin mo yung banyo mo dahil sobrang panghe balahura ka! Pwe ang sakit sa ilong!" With matching hampas pa ng unan. Letche balahurang to!

Tatawa tawa lang ang unggoy kaasar. "Aaaaahhhhh sakit mo sa bangs! Bilisan muna ayokong malate!" Jusko! Lumabas na ako bago pa maubos yung buhok sa anit ko. Kahit nasa kwarto na ako rinig ko parin ang pagtawa nya. Bwisit talaga!

Finally nasa kotse na kami papuntang school, may 30mins pa kami at 10mins lang ang byahe. Transferee ako sa school ni Chris tinapos ko muna kasi yung first sem sa dati kong school. Naka enrolled na kasi ako dun nung ikasal kami kaya first day ko ngayon sa school nya.

Kaya lately ko lang rin nameet yung tropa nya dahil medyo okay na kami kompara nung nagdaang buwan. Hindi ko pa tanggap nung una kaya bitch mode talaga ako nung mga panahon na yun. Pero ngayon aaminin ko I'm starting to like him!

Naglalakad na kami sa hallway. Pilit nya hinahawakan yung kamay ko kaya todo iwas naman ako. Pinagtitinginan na nga kami ng mga istudyante eh, as if naman may pake ako! Lalo namang walang pakealam tong unggoy na to tuloy parin sa pangungulit.

"Ayee ang pogi talaga ni Chris!"

"Yan ba yung asawa nya?! Eehh mas maganda pa ako jan eh!"

"Hiwalayan mo na yan! Tayo nalang magpakasal Chris!"

Narinig kong bulungan ng mga haliparot na babae. Nahiya naman ako sa bulungan nyo rinig na rinig ko, kahiya rin sa mukha nyo mga mukha kayong palaka na may make up! Lalo kayong mainggit ngayon. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Chris.

"Ang gwapo talaga ng asawa ko!" Nilakasan ko talaga at diniinan ang pagkakasabi sa asawa ko habang kinukurot yung ilong nya. Ano kayo ngayon? Mga palaka!! Ang epik ng mga mukha nila bago umalis.

Arranged Marriage with Chris RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon