CHAPTER NINE: Am I falling in love?

410 11 3
                                    

Maria Chaste Vargas

 “Stop staring she’s mine.”

Kinaladkad ako bigla ni Angelo palabas ng botique. Napangiwi naman ako sa higpit ng pagkakahawak niya.

“Aray Angelo.. ano ba nasasaktan ako!! ” binawi ko ang kamay ko sa kanya at huminto. Piste tong baklang to dinadamay pa ako sa kalokohan niya.

“Ano bang problema mo ha? Kung makahatak ka naman sakin parang may ginawa akong mali. Bwiset na baklang to!” sigaw ko sa pagmumukha niya. Aba’t tiningnan lang ako ng masama bwiset nato.

“Tinatanong mo anong problema ko? Yang kalandian mo ang problema ko!!”

Nagulat ako at na estatwa sa pagsigaw niya.

Malandi ako?? Ang kalandian ko??

Parang tinutusok ang puso ko . Tagos na tagos ang bawat salitang binitawan niya. Hindi man niya alam ang totoong pagkatao ko pero parang minulat niya ako sa katotohanan. Na isa akong malanding babae. Isang babaeng naging puhunan ang katawan at kagandahan para sa pera at kayamanan. Isang babaeng walang pinagkaiba sa isang basong pantagay na pinapasa sa kahit na sino.

Hindi ko alam pero bakit masyadong masakit kapag sa bibig niya nang galing ang mga salitang yun? 

Tumalikod nalang ako sa kanya at nagsimulang maglakad. Hindi ko mahanap hanap ang boses ko upang sumagot sa mga paratang niya. Paratang nga ba o katotohanan?

Sasakay na sana ako ng taxi ng biglang may yumakap sa likod ko.

Ha? Sino to?

“Sorry ..  hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina.” hinihigpitan niya ang yakap habang ang ulo niya ay nakapatong sa likod ko. Narinig ko ang mga bulungan ng mga tao pero higit sa lahat rinig na rinig ko ang pitik ng puso ko at ang nararamdaman kong kuryenteng bumabalot sa buong katawan. Para akong maiihi na ewan.

Dahil sa ibang nararamdaman ko umalis ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya.Tinaasan ko siya ng kilay para itago ang ibang sensasyong nararamdaman ko. “ At ngayon nagsosorry ka? Sabihin mo nga anong klaseng insekto ang pumasok sa kokote mo at bigla bigla mo kong kinaladkad at sinigawan?”

“Sorry nga diba?!! ” sigaw niya na nakapagkuha ng masmaraming atensyon. May nanghihingi ba ng tawad na naninigaw?! Talaga bang nagsosorry to!

“Hoy Chris Angelo!! Hindi porke’t nerd ako at isang malaking panget may karapatan ka nang sigawan ako at ipahiya sa maraming tao. Alam mo bwiset na bwiset na ako sayo. Hindi ko nalang itutu-..”

“Hoy ka rin Maria Chaste! Kung nabwibwiset ka sakin pwes sobrang nabwiwiset din ako sa sarili ko. Alam mo ba yun?! Hindi! Dahil hindi ko rin alam anong ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako. Bwiset!” putol niya sa litanya ko.

 Lumunok ako ng libo libong laway sa mga sinabi niya. Hindi ko magawang magsalita dahil pakiramdam ko isang salita ko lang gugulo ang mundo. Magsasalita pa sana siya kaya lang biglang dumating si Paulo ang best friend ko.

“Ria, sino ba tong kasama mo at nagsisigawan kayo? Hindi ko yata napag-alamang mahilig ka na pala sa atensyon ngayon.” Nasa likod siya ni Angelo kaya hindi niya nakikilala ito.

Humarap naman si Angelo sa kanya. “Sino ka naman at bakit mo tinatawag si Chaste ng Ria? Kalian pa naging Ria pangalan niya?” hindi ko alam pero biglang tumindig ang balhibo ko sa tono na ginamit ni Angelo kay Paulo. At maslalo kaming tiningnan ng mga tao. Paano ba namang hindi kung ang nasa harap nila ay isang Diyos ng kagwapuhan na si Chris Angelo at isa sa mga hottest model na si Paulo Zac Wil.

The Story Behind  Her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon