CHAPTER FOUR: The Demon I

575 26 12
                                    

MARIA CHASTE VARGAS

Maria Chaste , isang pangalang punong puno ng magandang kahulugan. MARIA na kinuha sa pangalan ni Virgin Mary. CHASTE na nangangahulugang PURE.  Pero ang pangalan na ito rin ang kabaliktaran ng pagkatao ko. Kung si Maria ay isang babaeng hindi nagalaw ng kahit na sino ako’y kabaliktaran. Kung kalinisan ng pagkatao ang kahulugan ng Chaste ako’y kabaliktaran.

Akala ko wala ng ilalala ang sitwasyon namin ngunit nagkamali ako. Unang araw palang ng skwela pinuno na ako ng problema. At ngayon wala akong magagawa kundi bumalik sa impyernong to.

“Let’s start with twenty thousand.” Sigaw ni Louisa. Eto na naman ang bentahan. Hiling ko sana nandito si Mr. Do para maka utang man lang ako. Hirap na hirap na ang kaluluwa kong sikmurahin ang mga demonyong nagsisigawan para ikama ako. Magkano kaya ako ngayong gabi? Sinigurado ko talagang magandang maganda ako ngayon. Sinuot ko ang bagong bili kong pulang bikini. Oo nag bikini na ako dahil alam kong maglalaway sila sa katawan ko at lalaki ang pera ko ngayon. Gusto kong umiyak ngunit hindi ko magawa.

“Deal.” Sigaw ni Louisa. Hindi ko narinig kung magkano ako ngayon kaya tinanong ko siya sa likod ng entablado. Laking gulat ko dahil umabot ng one hundred thousand ang bidding. Pero mas nagulat ako dahil binili ako ng one hundred twenty thousand. Napalunok ako sa sarili kong laway. Ganito naba ang mayayaman ngayon? Sinasayang ang pera sa mga walang kwentang bagay? Sana itinulong nalang nila ang sinasayang nila. Mga walang kaluluwa.

Sabi ni Louisa sumunod nalang daw ako sa address na binigay sa akin kasi umuna na doon ang costumer. Kailangan kong mag absent bukas dahil alam kong isang makapagod na gabi ang mangyayari ngayon. Sinabihan ko na si King na siya na ang bahala sa bahay dahil maghahanap ako ng pera.

Nandito na ako sa harap ng hotel room 406. Ito ang nakalagay sa address. Huminga ako ng malalim at kumatok.

GULAT. Yan ang makikita mo sa mukha ko ngayon. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Hindi ito maari. Bakit siya ang bumili sa gabi ko? Ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko upang makapasok sa loob.

“Hi Ria matagal tagal na rin bago tayo nagkita.” Biglang tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Para siyang si Santanas. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot. Para akong estatwa na hindi makagalaw.

“Pumasok ka na Ria hindi kita binili para tumayo jan buong gabi.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa isang pagkatulog. Lumunok ako ng tatlong beses at pumasok sa loob.

“Maliligo muna ako maghintay ka nalang.” Nakangising aso  niyang sabi at pumasok sa bathroom.

INHALE.

EXHALE.

Humiga na ako sa higaan at pumikit. Kakayanin ko ito para sa pamilya ko. Yan ang palaging pabalikbalik na sinasabi ko sa sarili ko. Narinig ko na ang mga patak ng tubig kaya alam kong naliligo na siya ngayon. Ang Santanas na naglapastangan sa pagkababae ko. Ang lalaking binaboy ako.

~Flashback~

Isa siya sa pinakasikat na lalaki sa school noong highschool ako. Hindi pa ako nerd noon. Isa akong simpleng sikat na estudyante lang dahil sa angkin kong kagandahan. Nanliligaw siya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Dahil nakita ko siya noong nakipagsex sa librarian namin. Patay na patay siya sa akin na naabot kami sa puntong sakitan dahil sa ayaw kong sumama sa kanya. Alam kong hindi niya ako mahal at ang habol niya sa akin ang katawan ko lang.

Isang gabi, na late ako sa paguwi dahil nga graduating student ako at marami akong kailangang tapusin. Paglabas ko ng gate nakita ko si Felix na parang may inaabangan pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ang paglalakad ko papuntang sakayan. Madilim ang daanan kaya lumakad ako ng mabilis ngunit may kamay na humawak sa akin. Hindi ko siya makilala dahil nasa madilim na parte kami ng kalsada. Tinulak niya ako sa isang madilim na eskinita. Sumigaw ako pero walang nakakarinig dahil tinakpan niya ang mga bibig ko gamit ang kamay niya. Napakalakas niya dahilan para hindi ako makawala. Sinandal niya ako sa pader habang hawak hawak ng isa niyang kamay ang bibig ko at ang isa ay ang mga kamay ko. Pinagsamantalahan niya ako, binaboy ,inahas at kinuha niya ang pinaka ingat ingatan ko. May dumaan na pulis na nagpapatrolya sa kalsad at naliwanagan ng mga ilaw nila ang mukha ng gumahasa sa akin. Umiyak ako umiyak ng umiyak.

“Felix walang hiya ka !!”sigaw ko sa kanya at sa awa ng diyos na rinig ako ng mga pulis at tumakbo si Felix papalayo. Hindi siya nakulong dahil wala akong sapat na ebedensiya hawak ko lang ang uniporme kong punong puno ng dugo at wala ng iba.

Nagising ako sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ng may naramdaman akong humiga sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya.Nakatapis lng siya ng tuwalya at basang basa pa ang kanyang buhok. Ang mukhang ito ang hinding hindi ko makakalimutan kahit mamatay man ako. siya ang isinumpa ko at kinasusuklaman ko sa mundo.

Malademonyong ngiti ang binigay niya sa akin na nakapagpatindig ng balahibo ko.

“You’re still beautiful as ever Ria.”

“Felix ,still the demon I know.”  Bati ko sa kanya at sinimulan na naming ang isang napakahabang gabi.

The Story Behind  Her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon