CHAPTER SIX: Have a date with me

412 20 7
                                    

MARIA CHASTE VARGAS

“Ma .. buti at gumising ka na.” sabay yakap ko kay mama. Buti naman at gumising na siya. Parang nabunutan ako ng tinik. This is a big relief. Kahit hindi pa siya pwdeng umalis sa ospital dahil kilangan pa siya i-check ng mga doctor. Maayos na rin ang kalagayan ni papa pero kailangan niya paring magpahinga. Sabi ng doctor pwde na silang iuwi sa susunod na linggo pero kailangan ko pang magbayad pero okay na yun atleast aalis na kami sa ospital na halos maging bahay na namin.

“Sorry anak hindi ko kayo naalagaan ng dalawang taon.Kung hindi lang ako na aksidente hindi sana mangyayari to.” Paiyak na sabi ni mama. Ito talaga hindi pa rin nagbabago madrama parin.

“Asus.. ang drama mo ma. Okay lang yun matagal na yun. Ang importante gising ka na at aalis uuwi na tayo.” Pumasok naman si King kasama si Prince dala dala ang mga prutas na pinabili ko sa kanya.

“Prince !!!!!!”sigaw ni Princess. Itong babaeng to ang sakit makasigaw masyadong nakakarindi. Pero hindi ko siya masisisi dahil halos tatlong buwan din silang hindi nagkita.

“Princess!!!” sigaw naman ni Prince at nagyakapan sila. Para talagang hindi na matatanda to. Pareho naman silang graduating sa highschool. Ipapanatransfer ko pa si Prince sa University para magkasama na sila ni Princess at para mapanatag ang loob ko dahil pareho kaming apat ng school na papasukan.

Nilagay na ni King ang mga prutas sa mesa at nakipagusap kay mama at papa. Biglang nabaling ang tingin niya sa akin at tumingin ng seryoso at binalik ang tingin nila papa at mama. Lumunok ako bigla bigla. Alam kong magtatanong ulit sa akin si King dahil sa na udlot namin usapan kanina.

~FLASHBACK~

“Ate.. alam mo bang may nakita akong babaeng kamuha mo sa isang club? ikaw ba yun?

♪♪ Magdalena anong problema bakit di ka makawala sa kadena at sa .. ♪♪

Whooo!! Salamat naman at tumunog ang cellphone ko at sinagot ko agad agad. Kung sino man tong tumawag sa akin hulog siya ng langit.

“Teka lang King ha. Sasagutin ko lang.”  hindi parin ako umalis sa pagkakaupo ko dahil sa pagod.

“Hello?” hindi ko na rin tiningnan kung sino ang tumawag.

“Ate!!! Si mama!! Gumising na si mama!! Ate punta na kayo dito!! Dali!!!” sigaw ni Princess sa kabilang linya. Nilayo ko nga kaunti sa tenga ko kasi ang sakit sa tenga.

Ano?! Talaga?! Seryoso? Sige pupunta na kami diyan. bye! ”

“Sino yun ate?”tanong ni King. Bigla ko nalang siya hinagkan at pinatayo. Sinabi ko sa kanyang gising na si mama kaya na excite naman siya. Pinuntahan niya si Prince at sumakay ng kotse. Hindi ako sumakay kasabay sila dahil baka tanungin ako ulit ni King kaya nag taxi ako. Sinabihan ko nalang silang bumili n prutas at makakain para dalhin nila sa ospital.

~end of flashback~

Nagtagal kami sa ospital at sinabihan ako ni mama at papa na umiwi na muna kasama si Prince at Princess para makapagpahinga at nagpresenta naman si King na siya muna ang magbabantay sa kanila. Umuwi nalang kaming tatlo at nagpahinga.

Nakising akong malaki ang ngiti. Nagluto ako ng almusal para kay Prince at Princess. First day ngayon ni Prince sa University kaya sinarapan ko talaga ang almusal.

“Mharko Prince!! Princess Mitch!! GUMISING na KAYO !! Malalate na kayo sa school at huwag niyong paghintayin ang grasya!”sigaw ko sa dalawang natutulog ng mahimbing. Gumising naman sila agad agad at naligo.

The Story Behind  Her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon