CHAPTER FIVE : Mharko Prince Vargas

496 24 11
                                    

MARIA CHASTE VARGAS

Isang lingo na ang nakakalipas matapos operahan si papa. Nandito kami ngayon sa ospital dahil sabado naman. Napagdesisyunan naming i-tabi ng higaan si papa at mama kaya kumuha nalang kami ng private room para sa kanilang dalawa. Tanong ng tanong sa akin si King kung saan ako nakakuha ng pera pero sabi ko sa kanya nangutang ako. Sa totoo lang hindi ko gustong mangutang dahil ayaw ko nang maranasan ang nangyari noon.

~FLASHBACK~

Ng maaksidente si mama kasabay nun ang pagbagsak ng kompanya ni papa. Meron pa naman kaming reserbang pera kaya yun ang ginamit ni papa para sa operasyon ni mama. Pero dumaan ang mga araw na napuno kami sa utang at naibenta ni papa ang mga ari-arian namin pati ang bahay na pinundar nila ni mama ay nagawa niyang kolateral. Walang wala kami sa mga panahon nayun. Kaya napagdesiyunan kong mangutang sa mga magulang ni Steff at Paulo. Alam kong mayayaman ang mga magulang nila pero hindi ko pa sila namimeet kahit matagal na kaming magkaibigan. Ang mga magulang ni Steff ay may ari ng mga magagarang resort. At ang mga magulang naman ni Paulo ay parehong sikat na mga engineer sa ibang bansa at dito sa Pilipinas. Pinautang naman nila ako. Dahil malaki laki din ang utang ko sa pamilya nila hindi ko agad ito mabayaran. Masyadong malaki ito para mabayaran ko na isang hamak na 18 years old at second year college palang. Inakala ng mga magulang nila na hindi ko ito babayaran at sabi pa nila ginamit ko daw ang mga kaibigan ko upang pakiusapan sila na hindi nalang ito bayaran. Hindi nila ako tinanggap na maging kaibigan ni Paulo at ni Steff dahil manggagamit daw ako. Kaya simula noon hindi na ako nangutang kay Steff at Paulo kahit libre sa pagkain man lang. Hindi nila alam ang nangyari sa pagitan ko at pamilya nila. Nangutang uli ako sa mga kakilala ko noon kaya lang ayaw nila akong pautangin. At dahil hiyang hiya na ako sa pangungutang na hindi naman pinapautang tumigil ako. At nagdesisyong magtrabaho sa Club H. Doon nagsimula ang impyerno ng buhay ko.

Nabalik ako sa aking huwisyo ng biglang tinapik ako ni King.

“Ate huwag mong sarilihin ang problema.” Bulong niya sa akin habang nakatingin sa papa at mama kong tulog. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin pero hindi ko hahayaang mahihirapan din ang mga kapatid ko. Gusto ni King magtrabaho sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko pero hindi ako pumapayag na magtrabaho siya dahil masyadong mahirap magtrabaho kung isa kang varsity player.

Nginitian ko nalang si King at inakbayan. Habang si Princess naman ay natutulog sa sofa.

“Ate ..”

“Hmm?” sabay tingin ko kay King. Seryoso naman ng mukha nito.

“Kamusta na kaya si Prince?”nagulat ako sa tanong ni King. Oo nga hindi na naming na kakamusta ang kapatid naming na pinag-aral ni Tita sa probinsya. Kambal niya si Princess pero lalaki siya. The last time I saw him was last month.

“Namimis mo na ang prinsipe no? Ang daming nangyayari sa buhay natin at halos makalimutan na natin si Prince. Puntahan kaya natin siya bukas. Tutal naman Sunday bukas.”

Sumang-ayon naman si King sa desisyon ko kaya pupunta kami bukas sa probinsiya para kamustahin si Prince. Hindi namin sinabi kila Tita na pupunta kami para surprise.

Ginamit namin ang sasakyan ni papa na nasa garahe. Nabawi ko itong bahay at sasakyan ni papa noong nagtrabaho ako sa Club H pero hindi naming ginagamit ang sasakyan ni papa kapag pumupunta kami sa school dahil masyadong agaw pansin at ayaw ko yun. Si King ang nagmaneho. Marunong naman akong mag drive pero ayaw ko lang ngayon dahil masyadong malayo ang pupuntahan naming nakakapagod.

Ginising ako ni King ng makarating na kami. Pero laking gulat namin sa na datnan namin ni King. Kapag nagtatrabaho ako sa Club H hindi ko magawang umiyak. Pero sa nakikita ko ngayon tumulo ang luha ko ng kusa. Pati si King nanginginig na sa galit.  

“Tita huwag po! Tita.. aray.. aray Tita.. ” iyak ng iyak ang kapatid ko habang pinapalo siya ng kawayan ni Tita. Hindi ko lubos maisip na ang mahal naming kapatid ay nagsusuot ng isang basahan dahil sa butas butas nitong suot at maruming damit,

Susugod na sana si King pero pinigilan ko siya.

“Ano ba ate ! Hahayaan mo nalang bang ganyanin ang kapatid natin?! ” galit na tugon ni King sa akin.

“Huminahon ka muna King. Hindi natin alam ang totoong nangyari tingnan muna natin ang gagawin ni Tita. Baka may kasalanan talaga si Prince.”  Nakinig naman si King sa akin at nanuod kami sa ginawa ni Tita.

“Huwag mo akong matawag tawag na Tita. Bwiset na bata ka ! Palamunin ka lang dito! Diba sabi ko sayo hindi ka kakain?! Ba’t kumain ka ha?!”sigaw ni Tita sa kapatid ko sabay palo nito. At hudyat na yun para sumugod kami ni King kay Tita. Bigla naman siyang huminto at nagulat siya ng makita kami.

“Maria.. magpapaliwanag ako.. eto kasing ka..” pinutol ko ang sasabihin ni Tita at sinampal. Tinulungan naman ni King si Prince na tumayo.

“Ang kapal ng mukha mong sampalin ako! Pinag-aral ko yang kapatid mo at ito lang igaganti niyo sa akin! Ha?!!”sigaw niya sa akin.

 I laughed sarcastically at tiningnan ang Tita mula ulo hanggang paa ng nakataas ang kilay. Biglang lumabas ang pagkabitch ko dapat lang ito sa kanya.

“Ikaw?! Pinagaaral ang kapatid ko?! HA.HA.HA. nakakatawa ka Tita. Masyado kang sosyalera. Nakalimutan mo bang every month ako nagpapadala ng pera sa inyo? Magkano nga ba ang pinapadala ko? Thirty thousand at ito lang madadatnan namin?! Hindi aso ang kapatid ko para tratuhin mo bilang isa! Hindi kita pinapadalhan ng pera para saktan ang kapatid ko! Tingnan mo nga yang sarili mo. Mukha kang palaka na tinubuan ng kuto sa mukha!” sigaw ko sa kanya. Kita sa mukha niya ang galit. Sasampalin niya sana ako pero pinigilan siya ni King.

“Subukan mong sampalin ang ate ko hindi na talaga ako magpipigil na suntukin ka!” at tinulak siya ni King halos madapa nga siya sa lupa. Dapat lang yan sa kanya. Tumalikod na kami at lumakad patungo sa sasakyan. Pero napatigil ako sa sigaw ni Tita.

“Wala kang pinadala ngayong buwan! At kukunin niyo lang ng ganyan kadali ang kapatid niyo?!  Ang kapal ng pagmumukha niyo!” uminit ang ulo ko ng marinig ko ang sinabi niya. Mukhang pera !

Bumalik ako at tinignan ng maigi si Tita. Kinuha ko ang thirty thousand na nilagay ko sa bag ko. Dinala ko ito dahil balak ko sanang ibigay to sa kanya dahil nakalimutan kong magpadala ng pera.

“Alam mo hindi ka pala palaka sa paningin ko. Isa kang baboy na parang punong puno ng tae ang katawan. Kaya pala ang baho dito ikaw pala ang dahilan. O eto pera mo! Kainin mo ha!” hinampas ko sa kanya ang pera bahala na siyang pulutin yun.

Umalis na kami habang natutulog ang kapatid ko sa likod ng sasakyan. Nakakaawa ang kapatid ko. Hindi siya pinangalanang Mharko Prince para maging alipin.

“King pumunta muna tayo sa mall. Bibilhan ko ng damit si Prince.” Tumango naman si King at binilhan ko ng maraming damit si Prince. Dumiretso na kami sa bahay at si Princess lang ang nandoon sa Ospital.

“Prince magbihis ka muna. Eto mga damit mo at doon kana matulog sa kwarto mo. Malinis naman yun.” Ngumiti naman si Prince sa akin at pumunta na sa kwarto niya.

Hay buhay ang saklap mo! Umupo ako sa sofa at pinikit ang mata. Nakakastress ang buhay ko. Biglang tumabi sa akin si King.

“Ate .. ”

“Hmm?” nakapikit parin ako dahil pagod na pagod na ako.

“Saan ka kumukuha ng pera? Nagtataka na talaga ako ate. Una nababayaran mo ang Ospital ng walang kahirap hirap kahit ang laki laki ng bills natin.Binabayaran mo din ang tution fee ni Princess at ang 50% ng tution ko. Nabawi po rin ang bahay natin pati na rin ang kotse ni papa.Tapos lagi ka palang nag papadala kay Tita ng pera. Ganun ba ka laki ang sweldo sa coffee shop?” seryosong tanong sa akin ni King. Napamulat naman ako at tiningnan ko siya.

“Ate.. alam mo bang may nakita akong babaeng kamuha mo sa isang club? ikaw ba yun?” napalunok ako. Ang seryoso ni King. At alam ko sa sarili ko na ako yung nakita niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin sa sitwasyong ito. Kung hindi ko siya sasagutin at aalis siguradong malalaman niyang ako yun. At kapag magsinungaling ako dito ngayon malalaman niyang nagsisinungaling ako dahil kilala na namin ang isa’t isa.  

The Story Behind  Her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon