March 14,2014

7 0 0
                                    

After that incident hindi ko sya nakita ng buong araw. Ano na kayang ginagawa niya ni wala man lang siyang text maghapon. Nkakabagot pa naman ang subject ko ngayon wala tuloy ako kakulitan, ang alam ko kasi bakante niya eh.

Ah alam ko na!

"Yes Miss Anastacia?"

"Ma'am may i go-"

"You are not a high school student class, wala akong pakialam kung mag-cr man kayo basta wag niyo lang istorbohin class ko!"

Ang taray naman! Buti nga nagpapaalam eh! Pero sabi niya wala raw siyang pakialam, so pwede akong magskip ng class?

So I did nga, i went to the Engineering's building baka andoon lang siya sa may tambayan niya sa rooftop.

Nakakakilabot naman mga lalaki dito, puro mukhang gang, bakit si hubby hindi naman.

"Woot woot!"

"Miss pakiss" hiyaw nong iba, wala bang babae dito? Bakit ganoon iyong mga yon?

Tuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat. Nasa fifth floor na ako kunti na lang.

"Pare heaven" narinig kong sabi noong isa mga tatlo sila. Nasa baba sila ako sa taas na ng hagdan malapit na ako sa pinto ng rooftop.

"Ahh!" napasigaw ako kasi may humatak sa paa ko.

"Manyak! bitiwan mo nga ako! Sinipa-sipa ko sya hanggang sa matamaan ko yong kamay niya. atumakbo ako paakyat at binuksan ang pinto. Wala si hubby ko! Asan siya!

"Taena to ang sakit non ha!" naku nakapasok na rin pala sila. Ang tanga lang di ko sinara iyong pinto.

"Lagot ka sa akin" tapos nakahanda na iyong kamao niya.

"Wait lang pare, mukang masarap naman siya tara papakin na natin habang wala pang tao dito. " tyaka nagpalinga-linga iyong baboy na kasama nila, puro hindi matitino pagkakagawa sa mukha nila.

"Hubby!" sigaw ko.

"Kahit na anong gawin mong pagsigaw walang makakarinig" ngumiti pa iyong bungi sa akin eww! May guts pa siyang ngumiti' Pero seryoso takot na ako.

Lumapit sila sa akin habang lumalapit sila umaatras naman ako, hanggang sa wala na akong maatrasan kasi railings na lang. Nanginginig na talaga mga tuhod ko.

"Huwag kayong lalapit! Tatalon ako!"

"Miss kapag tumalon ka mamamatay ka hindi mo matitikman ang luto ng Diyos!" sabay tawa noong humawak sa paa ko.

"Lagot kayo sa hubby ko!" nililito ko sila sa pananalita ko kaya.

"Hubby? kasal ka na? eh di hindi ka na virgin miss? eh di sanay ka na?" sabi pa noong baboy

Umiiyak na ako. Tumingin ako sa baba tapos may mga tao roon. Sumigaw ako pero hindi ako marinig. Hindi ba nila ako kilala? I am the future owner of this school. Kung sa bagay di pinapaalam masyado ng parents ko kasi brat na nga ako baka lalo pang lumala ugali ko.

"Tulong-hmmpp" tinakpan nila ang bibig ko. Sumipa sipa ako, I'm hopeless. Hindi ko na kaya, asan na ba sya kung kailangan ko siya?

Pilit nila akong pinahiga hawak nong dalawa ang paa ko iyong isa naman sa kamay ko pumaibabaw iyong mukhang leader nila tapos hinalik halikan ako sa leeg noong humila sa paa ko na mukhang bisugo.

Boogsh! Parang may sumuntok doon sa pinto, umalingawngaw ang ingay kasi naman sa yero iyon gawa.

"Wifey!"

Sumugod siya bigla doon sa tatlo, ako naman napunta sa sulok wala akong tigil sa pag-iyak iyong tatlo bugbog sarado. Putok ang labi ni hubby ko pati na rin ilong niya dumudugo.

The unsaid storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon