March 30,2014

9 0 0
                                    

Tapos na ang final exam namin diary, noong 26 pa. Summer vacation na ngayon. Wala akong ginawa ng 4days kundi nagkulong, dumalaw pala dito si Hubby, hmm pwede ko pa naman siya tawaging hubby di ba? Grounded ako ngayon bukas ang last na paghihirap ko makikita ko na si Hubby,oo bati na kami may binigay na lumang cellphone si Lyann sa akin. Puro text at tawag ginawa namin kasi nga bawal siya.

Ringtone ko nga ngayon iyong Criminal ni Britney, swak na swak sa aking situation hahaha. Kaya ngayon lang ako nakasulat sa iyo diary.

Ex con nga siya ang gangster leader nakulong siya sa pambubugbog.

Akala ko naman kung nakapatay na, pero tanggap ko pa rin siya noh, astig kaya na boyfriend mo gangster! Parang talk back or your dead, ganda kaya non basahin hihi.

Madami pa akong hindi nalalaman sa kanya, favorite niya pala ang adobo, kaya ngayon nagpaturo ako kay mommy kunyari may bago akong manliligaw at si Bret iyon siya ang taga abot ng kung ano-ano sa akin galing kay hubby.

Kasi nga bawal din dito si bestfriend kasi nga siya tumulong sa akin, hay namimiss ko na siya.

Natapos ko na rin gawin sana magustuhan niya.

"Oh Honey, bakit mo pa binabalot? di ba siya kakain dito?" sita ni mommy sa akin binabalot ko kasi iyong niluto ko para iabot kay hubby ko.

"Ah kasi-"

"Kasi po tita gustong matikman ni lola ko iyan, pero kakain din po ako dito kung gusto niyo" sabay kindat sa mommy ko.

Lakas ng karisma ng lalaking ito eh, ayan tuloy bumigay si mommy . Crush niya kaya si Bret, half kasi itong lalaking ito may lahing British. Si hubby ko naman 1/4 Italian, 1/4 Korean at Pinoy siyempre. Si george Brit din taz chinese.

"Naku, mukang nakukwento mo na siya sa lola mo ah" nakaupo na kami sa dining table.

"Actully, she wants Ana to have a vacation with us." seryoso?! Tinignan ko si Bret pero ngiti lang binigay niya sa akin.

"Really? kailan?"

"Tomorrow na po kami aalis, sa bora po."

Boracay?! My dreamland! Iyan iyong pinag-uusapan namin ni Charles kagabi! Hindi kaya?

"Bukas na agad, tomorrow will be her last day, alam mo naman na siguro na grounded siya"

"Opo tita, pero pwede naman po sigurong balato niyo na lang ang last day niya bukas sa kin"

Ginamitan niya ng ultimate charm ang mom ko, crossed fingers! Pumayag ka mom please!

"Okay!"

Hay-

"But i need to go with-"

"Mom that's too much" di ko na napigilan.

"Okay, alam ko namang nasa mabuting kamay ang anak ko, tama ba ako Bret?"

Parang may meaning yon ah, hayaan na nga.

"Of course tita."

..............

Twelve midnight na hindi pa rin ako makatulog, I am still preparing my things, 3 days and 2nights would be so much fun!

Sabi ko na nga ba si Charles may pakana nito eh, rwady na lahat, kasama doon si Bret, George, Lyann and my hubby! Si Bret may isasama pa raw kababata nila.

Mukhang hindi ako makakatulog Diary!

I'm excited for tomorrow.

The unsaid storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon