March 13,2014

10 1 0
                                    

Ayaw niya pumunta sa bahay namin para naman at least makita siya ng dad ko. Pero the heck nahihiya daw. Okay na nga lang ,kaya naman nagdate na lang kami sa school since ala naman akong alam na puntahan at siguradong kapag may nakakita sa amin another chismis na naman. Ganun naman lagi eh. Dami ko kayang haters hahaha.

"bakit mo ako dinala dito?" nakakatakot kaya itong pinuntahan namin. Sa old building ng nursing students.-_-

"Takot ka na ba?"

"Hindi pa naman, pero di ba may mga bali-balita na may may-" shit nauutal ako natatakot na ako huhu

"Halika nga dito" hinila niya ako at niyakap, kinikilig ako! ang sweet niya at ang bango pa.

"Ano pabango mo?" out of the blue natanong ko yon kasi naman naglalakad kami ngayon sa hallway nakaakbay pa rin siya at di nagsasalita, ganito kami lagi pag magkasama ako lang ang nagdadaldal. papunta kaming rooftop.

"Ha? masakit ba sa ilong?"

"Hindi ah! ang bango nga eh!" tapos inamoy ko siya ng matagal!

"Hugo"

"Ano?"

"Ang sabi ko hugo ang pabango ko"

wow ang yaman naman ng lalaking to! Eh diba ampon siya? matanong nga kung san niya nakukuha pera niya.

Nasa rooftop na pala kami wala namang nagparamdam coz i feel safe with my hubby! ^^, yes! hubby and wifey tawagan namin, gasgas na pero gusto ko ang tawagan na ito.

Ito pala iyong date namin, may upuan at mesa na tyaka may pagkain sa hapag. May favorites! Steak, sugpo, mango juice at madami pang iba.

"Hubby?" naiiyak ako promise!

"Wifey?" bigla siyang lumapit sa akin.

"Anong nangyari sa iyo?" hawak niya ang magkabilang balikat ko. "Bakit ka umiiyak? may masakit ba?" super worried siya.

""Huhuhu hubby! I am the luckiest girl in town, akala ko bad karma aabutin ko sa lahat ng kalokohan ko eh"

He poked me, "Tsk! wifey naman tinakot mo ako, akala ko kung ano na."

"Sorry hubby kung pinag-alala kita, super saya ko lang" tyaka ko sya nginitian, we ate a lot ay hindi pala ako lang ang maraming kinain.

Kwentuhan ginawa namin after kumain maggagabi na pala.

Biglang tumunog phone niya, ringtone pa niya iyong Gloomy Sunday. Ang gara naman oh!

"Wifey, i have to go may importante akong lalakarin, tapos kumaripas ng takbo . Ay iniwan ako? Hindi nga sya gentleman pag minsan lang pero mahal ko siya. At dahil iniwan ako kaya naman umalis akong mag-isa. Feeling ko talaga may sumusunod sa akin. Huhuhu buti nakasurvive ako.

Aww! May bigla na lang bumato sa akin ng pebble sa paa. Hala walang tao kaya sa loob! Sino kaya yon?! Dahil takot na takot na ako kaya umalis na ako.

The unsaid storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon