c2- meeting him

21 2 0
                                    

Nakauwi na ako sa bahay namin, nagtungo agad ako sa kwarto ko. Parang ang daming nag-iba

The wallpaint, my bed and everything. Nahiga ako sa bed ko. Parang ang liit ata, i mean malaki siya, hindi single bed pero bakit may iba talaga?

I checked my fb account nakaauto log in na ako eh. I wonder bakit kaya alam ko ang Facebook it wasn't erased from my memory. Matagal na rin ako nasa ospital three days tulog ako haha baka ang dami ng nangyari. Ano kaya ang big news?

I opened it and received 28 messages from my friends saying pagaling ako. Iyong iba interesado lang sa beauty ko. Nagfreeze ang kamay ko at napatitig ako sa isang message, I'm Sorry. Who is this guy? nakita ko ang mga messages niya sa akin mga sampong ganoon na puro sorry.

I checked his profile. Ang dami kong pictures with him. Sobra, sweet namin sa pictures. Bakit sa lahat lahat naman ng pwedeng makalimutan siya ang di ko maalala.

Ano ba yan may tulo ba ang bubong namin? Bakit may tumulo sa braso ko?

Hindi pala galing sa bubong, wala namang ulan eh tapos kitang kita mo ang stars sa labas maaliwalas ang langit. Ito na naman iyong kaninang naramdaman ko. Ano ba yan! Ayoko na ang sakit eh! Bakit? sino ka ba? At ang tanga ko lang! Naka-in a relationship ako sa kanya!

Charles Vicente, ayan ang pangalan ng lalaking ito. Ano ba ang nangyari sa amin? matagal na iyong message niya noong nakaraang buwan pa at ang mga pictures namin together noong may pa.

Tinignan ko lahat ng pictures namin a smile formed from my face. Mahal ko siguro talaga itong lalaking ito? At alam ko mahal niya rin ako.

Inaantok na ako, ano ba yan tulog na nga ako ng three days kulang pa iyon?

Humiga na ako at nakapikit na mata ko. Another tear fell from my eye, bakit?

.........................

"Miss ok ka lang?" di ko maaninag ang lalaking nasa harap ko.

Kasalukuyan kong pinupulot ang mga books ko na nalaglag. Natatandaan ko ito, first year college. Galing akong library. Tinulungan ako ng lalaking ito, blurred ang paningin ko. 

"Thank you" sabi ko.

"By the way I'm-" 

Nahulog pa ako sa kama. Kainis

Wahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!! Sino kaya iyon?

Hindi pa maliwanag sa labas kaya naman swinitch ko ang ilaw at kung ano-ano ang kinalikot sa kwarto ko. At may napansin naman ako sa taas ng cabinet ko. A box. kinuha ko iyon, pilit ko talagang inabot kahit na masakit ang mga braso ko. Maalikabok. 

I opened it, sa akin ba ito? Puro love letters, Mga basura ng pinagkainan na nalinisan na. Akin ba talaga ito. hindi kasi ako ganito eh.I mean, I'm a brat and brats don't collect these kind of stuffs.

Natigilan naman ako sa nakita kong scrapbook. Binuksan ko iyon at may picture at caption saying Tutor kong pogi! Nasa library kami, nakayoko siya at malamang ako ang nagpicture sa kanya

Ang sakit ng ulo kong kakaisip kung ano nangyari dito at sa wakas ay may naaalala na ako.

.........................

Library

"Hahaha really?!" ang ingay ko noon at pinipigilan niya ang bibig kong humalakhak ng todo.

"Ssssh!!!!" nakita kong pulang-pula ang mukha ng librarian, tsk ayaw niya non may nag-iingay naman. Bad talaga ako eh!

"sorry po" siya na ang nagsorry sa akin

"Bakit ka kasi nautot?!" mahina pero madiin kong sabi

"Nakakatakot kasi iyong teacher ko na iyon, mag-aral ka na nga"

Nakayoko na siya nito at binabasa iyong biology book na kinuha niya kanina. Di naman sana ako pupunta dito kung hindi dahil sa kanya.

Naalala ko noong una kaming nagkita ng lalaking ito sa harap ng canteen. Tinulungan niya akong kunin ang books na nalaglag ko, di naman sa akin ito eh sa nerd ito na binubully namin ng bestfriends ko itatakbo ko na sana ito at itatapon sa basurahan haha ganyan ako kasama noon.

Ako kasi ang may-ari ng school I mean ako ang future president ng school.

"Miss ok ka lang?" di ko maaninag ang lalaking nasa harap ko.

Kasalukuyan kong pinupulot ang mga books ko na nalaglag. Natatandaan ko ito, first year college. Galing akong library. Tinulungan ako ng lalaking ito, blurred ang paningin ko. 

"Thank you" sabi ko.

"By the way I'm Charles" gusto niyang makipagshake hands sa akin.

Siyempre walang tatanggi sa kanya noh! Gwapo eh!

After niyan naging kasa-kasama ko na siya halos araw-araw. Napansin ito ng friends ko, nagseselos nga sila eh. hahaha well lumalike life na ako eh.

Di ko na natiis at sinara ko na ang scrapbook naalala ko na, sana hindi ko na lang naalala.

AN

Bitin ba? haha bakit kaya? bakit kaya?

ANo? ano ang nangyari?

The unsaid storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon