[4] His Amasona Wife

7.1K 206 6
                                    

CHAPTER FOUR

"BAKIT ka umiiyak?"

Nang hawakan niya ako sa mga braso ko ay marahas akong pumiksi.

"Huwag mo 'kong hawakan!" asik ko kasabay ng pagbalong ng mga masasaganang luha sa mga mata ko.

"Hindi naman kita sasaktan, eh." Sa pagkakataong ito ay mababa ang tono ng boses niya. Na para bang nag-aalala talaga siya dahil umiiyak ako.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Napakislot ako at pumiksi. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya ako binitiwan.

"Bakit ka nga umiiyak?"

"Wala kang pakialam!" asik ko.

"Ikaw naman," he groans.

Napasinghap ako nang basta na lang niya akong ikulong sa mga bisig niya. It feels so warm being in his arms. I am surprised. Dapat ay nagagalit ako sa kanya dahil siya ang rason kung bakit ako nagkakaganito. Pero bakit nabibigyan ako ng security ngayong yakap-yakap niya ako?

Hindi. Hindi pwede 'to.

"Pakawalan mo 'ko, Carson," mariing sabi ko.

"I can't."

Saglit akong nanigas sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang mukha ko para pahirin ang mga luha ko. Hindi ko siya pwedeng hayaang gawin ito sa akin. Sinubukan kong iiwas ang mukha ko pero pinaharap lang niya ako sa kanya.

Anak ng tokwa, ang pangit ko pa man din kapag umiiyak!

"Aalis lang tayo kapag okay ka na," sabi niya.

Gusto kong sabihin sa kanya na hindi na ako magiging okay pero singhot lang ang nagawa ko. Carson dries my tears away. Of all people, ang tao pang halos isumpa ko simula nang makilala ko ang gumawa nito.

I am lost for words. Hindi ako sanay. Mas gusto kong inaaway siya, sa totoo lang. Napatitig ako sa mukha ni Carson. Mas okay siya kapag hindi siya nagsasalita. Subukan din kaya niyang huwag huminga para matuwa naman ako sa kanya?

Napadako ang tingin ko sa mga labi niya. Para iyong sa babae. They were pinkish and supple. At tila natauhan ako nang tumikhim siya.

"Mukha ngang okay ka na."

Kinuha ni Carson ang mga kamay kong nakatali at ikinawit iyon sa batok niya. Nahigit ko ang paghinga ko nang magkalapit ang mga mukha namin. Kumabog ang dibdib ko. May mga nararamdaman na naman akong hindi ko maipaliwanag.

Napasinghap pa ako nang umangat ang mga binti ko sa lupa. Ngayon naman ay pangko na niya ako na para kaming mga bagong kasal. Hindi talaga niya ako hahayaang maglakad. Ramdam na ramdam ko ang matigas niyang abs sa gilid ng tiyan ko. Ano ba namang buhay 'to?

Nang ngitian niya ako ay inirapan ko lang siya.

Nang marating na namin ang gitna ng gubat ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ruden at ang dalawa pang kasali sa pagsubok na iyon na nakatali sa puno ng mahogany. Mga wala silang malay!

"Ano'ng ginawa mo sa kanila?" tanong ko kay Carson. Alam kong siya lang ang pwedeng gumawa nito kina Ruden.

"Pinatulog ko lang ang mga 'yan."

"Ano?" Napakurap-kurap ako.

"Nilagyan ko ng pampatulog ang mga kape nila kanina. Tingin ko naman, mayamaya lang magigising na rin ang mga 'yan."

"Madaya ka!" napalakas na sabi ko.

"Wala sa mechanics na bawal ang mandaya. Dapat nga magpasalamat pa sila sa 'kin dahil hindi nila kailangang mahirapan," mayabang namang sagot ni Carson at inismiran pa ako. Nagiging signature na yata niya iyon.

A Fierce Wife For The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon