FINALE

3.4K 186 27
                                    

Kiel's POV

"What the hell is this? Come on guys, don't waste our time here!  I know it's Sunday and we should be with our family pero sa ginagawa niyo mas lalo lang tayong tatagal dito!  Ayusin niyo naman ang ginagawa niyo!" inis na inis kong binaba ang ginawa nilang report at saka iniwan ang mga ito at bumalik sa opisina ko. "Fvck!"

Dahil sa problema sa opisina at sa hindi ko maintindihan na kadahilanan ay kanina pa mainit ang ulo ko.  I went to the office not feeling well dahil ang gusto ko ay huwag umalis ng bahay sa hindi ko malamang dahilan.  Naninibago rin ako sa ganoong klase damdamin. 

Na-mimiss ko na ang mag-ina ko.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan si Lissy.

"Baby, I miss you"  bungad ko agad pagkasagot nito sa cellphone nito.  Narinig ko naman ang mahinang tawa nito.

"You were barely gone for 3 hours, Kiel, miss mo na ako?"

"What can I do? Sa miss na kita eh.  Can you come here? Let's have lunch together." malambing na sabi ko rito.

Fvck! What is hapenning to me? I felt like I was a love sick fool.

"I can't, may ginagawa ako eh.  Let's have diner date nalang later.  Okay? Got to go, may gagawin pa ako.  Bye." bago pa man ako makapagprotesta ay naputol na nito ang tawag ko.

Nagtataka na napatingin ako sa cellphone ko at unti-unti na namang bumalik ang init ng ulo ko.

What was that?!!!! Bakit parang atat na atat naman yata ito na putolin ang pakikipag-usap sa akin samantalang ako kung pwede lang ay umuwi na ngayon din ay kanina pa ako umuwi.

Inis na umupo ako sa swivel chair ko at napahilamos sa mukha.

Focus Kiel! Ano ba kasi talaga ang problema at parang nababalisa ka?

"Fvck it! I don't know!" malakas na bulaslas ko.

Humarap ako ulit sa harap ng computer at sinimulan ulit ang trabaho ko.  Kailangan ko mag-focus dahil mas lalo ako hindi makakauwi kapag ganito.  Sa pagpipilit ko na gawin ang trabaho ko nakalimutan ko rin ang oras at nakatutok lang sa computer.

Nang sumakit ang likod ko pagtingin ko sa orasan, mag-aalauna na pala ng hapon.  Pumunta ako sa conference room kung saan nandoon ang team na umaayos ng problema namin.

"Did you guys have your lunch?"

"Noy yet, Sir."

"It's 1 pm hindi pa kayo kumakain? Mag-order na kayo ng pagkain, it's on me. Break muna kayo at maipahinga naman mga utak niyo." naghiyawan naman ang mga ito ng sabihin kong libre ko ang lunch nila.  Iiling-iling na bumalik ako sa opisina ko.

Tumawag ako kay Lissy pero out of coverage area ang phone nito.  I tried several times but it's still the same.  Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan at hindi ko na namamalayan nasa elevator na ako papunta sa kotse ko.

Magbilis akong nagmaneho pauwi at panay pa rin ang tawag ko rito pero hindi pa rin makontak ang cellphone nito.

"What the hell!  Bakit hindi makontak ang cellphone mo?" inis na bulalas ko.  Kahit kailan hindi pa ako tumawag kay Lissy na hindi ito makontak kaya nakapagtataka talaga.

Malapit na ako sa bahay ng maisipan kong tumawag mismo sa landline ng bahay.  Ang tanga ko lang dapat kanina pa ako tumawag sa bahay mismo!

"Asan si Ma'am Lissy n'yo?"  Agad na tanong ko pagsagot ng telepono.  Hindi ko na inalam kung sino ang sumagot.

"Sir, kaaalis lang po."

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon