Finale FINALLY😂

4.2K 203 50
                                    

Lissy's POV

"No way! Hindi ako papayag.  Mahal kit-"

"Postpone the wedding, yun lang ang tanging paraang para manatili kami ni Snow.  I want you to postpone it hanggang sa mag-lapse ang palugit ng Lolo mo.  If you really love me, then choose us. Iyon lang Kiel, kung ayaw mong pumayag hayaan mo kaming makaalis nang maayos." seryosong sabi ko.

Marahas ito napabuntong hininga. "Hindi ba talaga sapat ang lahat ng pinaramdam ko sa'yo para paniwalaan mo ako?" malungkot na sabi niya.

"I believed you but it turned out you were hiding something, which gives me doubts now. Hindi ako magpapakatanga dahil lang sa mahal na mahal kita, I lived my life without you, I am sure I can live my life again kahit wala ka na."  nagtatapang-tapangan na sabi ko dahil ang totoo hindi ko na alam kung paanong mabuhay na wala siya sa buhay ko.  Pero nandyan naman ang anak ko, kakayanin ko para sa amin.

He sighed and get his cellphone at may tinawagan ito.

"Love, postpone the wedding.  Sasabihin ko sa 'yo kung kailan ang gustong date ni Lissy.  Yes, thank you."

Napataas ang kilay ko sa tinawagan nito.  Sa harap ko pa talaga nito tinawagan ang babaeng yon at ito pa ang mag-aasikaso ng pagkansela ng kasal?! Nag-init na naman tuloy ang ulo ko.  Stop being so jealous Lissy!!!!

"You are hopeless! Siya pa talaga ang tinawagan mo!" inis na singhal ko sa kanya.

"She's the wedding coordinator.  Kaya nga nagmamadali siya makasal tayo dahil nahihirapan na siya magkunwari sa harap ng ama niya na hindi siya masaya sa pag-aasikaso ng kasal natin dahil ang totoo masaya siya."  mahinahong paliwanag niya sa akin.

Puno ng duda ang mga mata na tinitigan ko ito.

"Give me her number, gusto ko siyang makausap."  sabi ko sa mahina na boses pero walang emosyon.

"Liz, Baby, please huwag mo na siyang awayin.  I swear walang kami, kahit kailan hindi naging kami.  Hindi ako nagkaroon ng kahit anong pagtingin sa kanya.  Ikaw lang ang mahal ko.  Ikaw lang nagmamay-ari nitong puso ko." lumuhod siya ulit sa harap ko.

"Kung wala nga then give me her number.  Don't protect as if you care for her more than you care for what I feel right now." naiiyak na sabi ko.  "I am jealous! At mas lalo mo lang akong pinapaselos sa ginagawa mo."

Naihilamos nito ang kamay sa mukha, he looks frustrated but he tried to keep his cool.

"Fine whatever you want, mawala lang yang mga pagdududa mo sa akin." he handed me his cellphone. "Take it, sa 'yo na yan para malaman mo na wala akong tinatago sa iyo."

Saktong tinanggap ko ang cellphone nito, tumunog iyon at pangalan ng sekretarya nito ang tumatawag.

"Sekretarya mo tumatawag." sabi ko at binalik sa kanya ang cellphone.

"Yes? Natapos na ba nilang lahat? Send it to my email, I'll just check it and then all of you can go home."  sabi lang nito at pinatay na ang tawag saka binalik sa akin ang cellphone.

Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto.

"Saan tayo pupunta?"  nagtatakang tanong ko.

"Sa study."

"Ano gagawin natin doon?"

"May babasahin lang akong dokumento."

"I can stay here."

"No, I am not going anywhere without you in my sight.  Not again.  Not again."

"Kiel-" napahinto ako sa pagsasalita dahil bigla siyang tumigil at humarap sa akin.

"Please huwag ka na kumontra, kasi mababaliw ako sa pag-iisip kapag hindi kita makikita.  I am not taking any chances for you to leave me again."  puno ng pagsamo na sabi niya.  Kita ang takot sa mga mata niya na nagpapalambot sa puso ko.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon