Kathy
cringggggg.......cringgg.......cringgggg.......
Urghhh tang*na ang aga aga may tumatawag agad?! Anong problema ng taong to?! Nakakainis ah! Super duper!!!!
Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ko yong tawag kung sino man to bwisit sya istorbo ng tulog ko bwiset -.-
"Good morning CLARINETH kong maganda! Hahahahaha gising na! Anong oras na o! May pasok pa tayo!!!" Sabi ng lalaking napakagaling mangbulabog ng tulog ko -.-
"HOY MR. KEVIN CLARK ROSARIO ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA WAG KANG TATAWAG KAPAG ALAM MONG TULOG PA AKO! HOW DARE YOU!" Sigaw ko sa kanya sa kabilang linya. Bwiset kasi e kung nandito lang yon sa bahay namin nabugbog ko na -.- pero sweet yon kapag nandito sa bahay pagsisilbihan nya ako hahahahahaha.
"Oo na po mahal kong bestfriend. Aba magbihis ka na! Anong oras na o! Uso tumingin sa orasan kababae kasing tao tulog mantika! Bye Clarineth! HAHAHAHAHAHAHA" sabi nya
"PUNYE-" hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin sa kanya pinatayan ako ng gago bastos tsss.
Bumangon nalang ako dahil gising na ang diwa ko sa hayop na bestfriend ko. Ow yes tama kayo ng pagkakabasa ng pangalan nya at take note lalaki sya hindi sya bakla.
Ewan ko ba sa lalaking yon kaya minsan napagkakamalan kong bakla dahil sa ugali nya pero napakasweet nyang tao at maalaga kapag kasama nya ako.
Natutulog nga rin yon minsan dito sa bahay namin e pero kilala naman sya ng parents ko at kilala din ako ng parents nya.
Kapag wala ako sa bahay alam nilang kasama ko sya or ako ang kasama nya.
Ewan ko din ba sa mga magulang ko kahit gabing gabi na basta kapag alam nilang yong bugok na yon ang kasama ko hindi ako hahanapin. Ang galing nga e hindi ko alam kung anong ginagawa ng lalaking yon na panguuto sa mga magulang ko kaya hindi ako hinahanap.
Naligo na ako at nagbihis ng uniform naglagay lang ng konting lipstick at powder boom! Ang ganda ko na hahaha nagsuklay na ako bago bumaba at inaasahan ko na rin na dito kakain ang unggoy na yon at hindi nga ako nagkakamali dah nakita ko na sya sa dinning table namin na naghihintay ng pagkain psssh patay gutom ang laki laki naman ng bahay nya pero ayaw nyang kumain don wala daw kasing magluluto para sa kanya.
Kaya dito nakikikain ang kapal di ng mukha e. Psssh.
Umupo nalang ako sa tabi nya kaming dalawa lang ang kakain ngayon kasi wala sila mommy nasa business trip sila at next year na ang balik.
Sanay naman na ako at nandito naman si Clark para magsilbing sandalan ko kapag malungkot ako nandyan sya. Kapag masaya naman ako nandyan din naman sya.
Ganon sya kaalaga sa akin kaya mahal na mahal ko yang bestfriend ko e. Kaso puro pangaasar ang ginagawa ko dyan hindi ko kasi mabwisit ako lagi ang naiinis sa kanya.
Iinisin ko sya pero tatawa lang sya pero kapag ako na ininis nya wala na! Magagalit na ako magwawalk out na ako nakakainis kasi sya mangasar e tss...
Pagkaupo ko hindi ko sya pinansin binulabog nya ang tulog ko kaya hindi ko sya bati psssh.
"Hi CLARINETH kong maganda haha kumusta naman ang tulog mo? Napasarap ba?" Tanong nya sa akin ng may halong kalokohan sa boses nya aba loko to ah pag ako hindi nakapag pigil sa mokong na to susuntukin ko to nakakairita e umagang umaga.
Sa sobrang tagal ng pagkain umubob ako pero hindi ako nakalingon sa kanya sa ibang direction.
Kapag ganito kasing naghihintay kami kahit ano pa man yang hinihintay namin at nabored ako sasandal ako sa balikat nya pero kapag naiinis ako sa lamesa ako uubob kaya malalaman nya agad na galit ao sa kanya. How nice diba? Psssh
"Hoy Kathy sorry na o. Wag ka na magalit sa akin please promise bukas gigisingin na kita ng maayos at hindi maagang maaga please huhuhu" pagiinarte nya tsaka nya ako niyakap as in niyakap nya ako well okay lang naman sa akin dahil niyayakap ko din naman sya pero walang malisya.
"Promise? Hindi mo na bubulabugin ang tulog ko ng sobrang aga?" Sabi ko naman sa kanya nong humarap na ako pero nakayakap pa rin sya.
"Promise pero dito na ako matutulog simula mamayang gabi. Nagpaalam na rin ako kila tita hahaha kaya wala ka ng magagawa." Sabi nya naman
"Okay basta hindi mo bubulabugin tulog ko" sabi ko naman normal lang sa akin na dito sya natutulog ganon naman sya lagi e.
After how many years dumating din yong pagkain namin *insert sarcastic tone of my voice* tagal tagal nagutom ako.
Bumitaw na sya sa pagkakayakap nong dumating na yong pagkain at hindi na ako pinansin patay gutom na to. Dumating lang yong pagkain akala mo walang katabi tss.
Nagumpisa na rin akong kumain dahil malelate na kami.
Pagkatapos namin kumain lumabas na kami ng bahay at nagbike papuntang school.
Sa bagal nyang magpedal ng bike nya iniwan ko sya hinintay ko nalang sya sa labas ng gate ng school.
"ANO BA! ANG TAGAL TAGAL MO! PARA KANG NAGBABIKE SA BUWAN!" sigaw ko sa kanya alam nyo kung anong sinagot nya sa akin?
"Wait diba naglalakad dapat yon hindi nagbabike? Bago yon besfrend ah! Hahahahaha" leche talaga kahit kailan tong taong to.
Hindi ko nalang sya pinansin at pumasok na sa school dahil late na kami iniwan ko na sya doon malaki na rin naman sya hindi na yon mawawala ilang years ba naman kamibg mag-aral dito mawawala ka pa kaya? Hayys
Tinakbo ko na yong room namin dahil late na talaga kami hinayaan ko na sya doon kasi matangkad naman sya kaya mabilis yon at speaking of the patay gutom nandito na nga sya agad sa likod ko e at sabay na kaming pumasok ng classroom.
Nakinig lang kami hanggang sa maglunch break na ang boring talaga mag-aral.
Hindi ba pwedeng alamin mo lang bumasa, sumulat at magcompute tapos may trabaho ka na agad? Dami dami pa kasing itinuturo e kakainis lang.
Nong lunch break kumain lang kami ni Clark tsaka nagtungo na sa garden para inisin ako ganon ang ginagawa namin araw-araw. Ako kasi ang campus queen at sya naman ang campus king hindi halata no?
Ayaw kasi namin na pinagkakaguluhan kami duh.. tao kaya kami. Ordinaryong tao kumbaga. Pero kung ituring kami akala mo mga artista.
Wala na akong ibang nakakasamang friends bukod kay Clark though meron akong ibang mga kaibigan pero iba pa rin kapag sya na ang kasama ko.
Pag iba kasi feeling ko sa harap ko mabait sila pero pagtalikod ko na kung ano-ano na ang sinasabi na akin. Nakakabanas lang. Feeler ba? Hindi naman sadyang totoo lang.
"Hay! Sa wakas! Natapos din ang buong boring na maghapon" sigaw ko pero mahina lang. Pinagtinginan nila ako pero wapakels nalang tss paki ba nila sa akin.
Tinignan ko yong bestfriend kong napakasarap ng tulog. Nananaginip siguro to kaya ang sarap ng tulog.
Tumayo ako ng bumwelo para sumigaw ng malakas.
"SUNOG!!!!!!! SUNOG!!!!!!! SUNOG!!!!!!!! AHHHHHHH!!!!!!"
sa gulat nya napabapikwas sya at nahulog sa kinauupuan nya! Hahahahahahahahahahaha
"Sunog?! Asaan ang sunog?!!!!" Sigaw nya ng nagaalala. Pero Tangina ang epic ng mukha nya HAHAHAHAHAHAHA SOBRA.
Nong napansin nyang tawa ako ng tawa sinamaan nya ako ng tingin pero nagayos na sya ng gamit nya.
Nong paalis na kami ng school tawa pa rin ako ng tawa.
"HAHAHAHAHAHA CLARK! SOBRANG EPIC TALAGA NG MUKHA MO! HAHAHA" sigaw ko sa kanya
"Halata nga e tuwang tuwa ka pa bwiset ka!" Inis na sabi nya
Para matahimik na sya nagpigil na ako tumatawa nalang ako sa isip ko pwede pala yon? Ngayon ko lang alam hahaha.
Nakarating na kami sa bahay at sa sobrang pagod ko humiga muna kami sa kama ko at nakatulog kaming dalawa.
Zzzzzzzzzzzzz.........zzzzzzzzzzzzzz
YOU ARE READING
Twist Of Fate
RomanceKathy Clarineth is a girl who have a feeling for his bestfriend but then she don't want to admit it because she's scared that when his bestfriend might leave him beacuse of her feelings so she just keep it. In the other side Kevin Clark is the name...