ClarkNauna akong nagising kay Clarineth. Tinatawag ko syang Clarineth kasi nilagyan lang ng "h" yong pangalan nya kaya hindi nagmistulang intrument haha.
Nakakatuwa nga syang bwisitin e pero ewan ko don. Noon ayaw na ayaw nyang tinatawag ko syang Clarineth kasi katunog talaga ng instrument hahaha pero ngayon hinahayaan nya nalang ako. Lakas ko sakanya no? Kaya mahal na mahal nya ako Bwahahahaha!!!
Hoy hindi ako bakla ah! Baka sinisiraan na ako ng intrumentong (Clarineth) yon sa inyo! May gusto akong babae pero tsaka ko na sasabihin hihi kinikilig ako kapag iniisip ko sya hahahaha lalo na kapag nakikita ko sya yong puso ko gusto ng magwala. Hayyy....
Dahil nauna akong nagising sa masungit kong bestfriend e pinagluto ko nalang sya.
Honestly marunong naman akong magluto pero hindi sya maniwala kaya ayon hinayaan ko lang bahala sya sa gusto nyang paniwalaan basta ako marunong magluto.
Nilutuan ko sya ng adobong manok favorite nya kasi yon tsaka gusto nya rin kapag luto ko. Yes hindi sya naniniwalang marunong akong magluto pero gusto nya ang mga luto ko peste diba -.- abnormal na babae yon e.
Pagkatapos kong maghain ng pagkain namin umakyat ako sa kwarto nya para gisingin na sya. Pag nandito ako sa bahay nila hindi ko sya sinisigawan para magising niyayakap ko sya. Sweet kong bestfriend no? Hahaha gusto mo rin ba ako maging bestfriend? Joke baka magalit pa si Clarineth sayo ipatapon ka pa sa bermuda triangle hahaha joke.
Pagbukas ko ng pinto nya nakita ko pa syang tulog na tulog nakakumot na nga e malamig na kasi sa kwarto nya.
Pinatay ko na yong aircon tsaka ko sya tinabihan at niyakap yieee ang sweet ko naman.. support nyo naman ako! Haha. Ayaw nyo? *pout* ang sama nyo sa akin.
"Clarineth gising na luto na dinner natin" bulong ko sa tenga nya. Alangan namang sa mata diba.
"Five minutes please" sabi nya habang antok na antok pa rin.
Kung sa bagay boring kanina pero nakikinig pa rin sya samantalang ako natulog haha hind ko na kasi natiis -.- napaka jolly kong tao para maging lalaki buset kaya napagkakamalan akong bakla e -.-
Ano bang masama sa pagiging jolly? Hay naku napaka big deal sa kanila.
"Okay" sabi ko nalang sa kanya pero nakayakap pa rin ako.
Kaya kami napagkakamalang lovers kapag lalabas kaming dalawa or kapag nasa school kami sobrang sweet ko daw kasi sa kanya ano naman ngayon? Kapag bestfriend ba bawal maging sweet? Aba kailan pa ipinatupad ni presidenteng si Duterte na bawal maging sweet?! Kakaloka sya.
So ayon after five minutes bumangon na rin sya.
Pano ko nalaman na five minutes? Inorasan ko sya syempre kapag hindi pa sya bumangon ng five minutes alam nya na ang gagawin ko magiingay na ako hahahaha.
Nong bumangon na sya bumangon na rin ako. Inayos ko yong pinaghigaan naming dalawa.
"Neth sa baba na ako bilisan mo napaka kupad mong kumilos. Papaalala ko sayo tao ka ha? Hindi ka pagong bye!" Sabi ko sa kanya at tumakbo ng mabilis palabas ng kwarto nya.
Iniwan ko na sya alam kong babatuhin nya ako ng toothbrush e haha.
Style nya kasi bulok kaya alam ko na pfft hahahaha.
Clarineth
Peste talaga yong ugok na yon sa buhay ko napaka kapal ng mukha sabihan ba naman akong pagong?! Aish! Nakakainis! Pag nandito sila mommy swear tatawanan ako ng mga yon -.-
Honestly? Minsan nga natatanong ko kung ako ba talaga ang anak nila or si Clark e.
11 years na kasi kaming magbestfriend ng ulaga na yon. Tagal na no? Gagraduate na kami ng highschool this year sa March kasi grade 12 na kami. Pareho pa rin kami ng university na papasukan at course nakukunin ewan ko ba ayaw kaming paghiwalayin ni tadhana. Pareho kami ng passion e.
Gusto ko kasi maging doctor at yon din ang gusto nya kaya boom! Naging pareho kami ng university na papasukan.
Pagkatapos kong magayos bumaba na rin ako. Pinalampas ko na rin yong ginawa nya sa akin dahil nakita ko yong adobong manok na luto nya kaya nagtwinkle yong mga mata ko wahhh!!!!!!! My favorite! Pwe parang yong sa patalastas lang na bata hahaha.
Umupo na ako agad at kumain. Kapag ganito na ang ulam alam nya ng hindi ko sya papansinin kaya kumain na din sya. Tuwang tuwa kasi syang panuorin ako saklap diba?
Natapos na akong kumain at uminom ng tubig tapos na rin sya nauna sya sa akin. Nilagay nya na yong pinagkainan namin sa lababo at sinabi kay manang na pakihugasan nalang tsaka kumain na din daw sila.
After nyang sabihin yon kila manang umakyat na kaming dalawa sa kawrto ko. Yes we sleep together pero okay lang sa aming dalawa.
Para nga daw kaming lovers e but I hope so. Psshhh dramarama sa gabi ang peg mo Kathy? Aba tumigil ka.
Kinakausap ko nanaman ang sarili ko baliw na ako aish!
Ayaw nya kasi sa ibang room e hindi sya nakakatulog dito sa bahay kapag hindi nya ako katabi.
Pagkarating sa kwarto ko dumiretso sya sa tv at nagswitch nag salang sya ng cd pero hindi ko alam kung ano yon ayaw nya ng action movies ang gusto mga mga romantic movies tsaka horror or mysteries. Malay ko sa taong yan ang abnormal.
Pero sobrang bait nyang lalaki sa parents ko at sa mga magulang nya. Nagkaroon na sya ng girlfriend noon. Naubusan sya ng oras sa akin dahil sa grilfriend nya. Aba ang gusto ba naman ng girlfriend nya doon sya lagi sa bahay nila at sila lang ang pwedeng gumala bawal nya akong kasamang lumabas pinagbawalan din sya na makipag kita sa akin.
Chakang palaka nga e akala mo asawa na sya.
Ayon iniwan nya agad ayaw nya sa mga sinabi ng girl na kondisyones nya ako ang pinili nya bwahaha.
Habang nanunuod sya yumakap ako sa kanya tangina horror kasi pinapanuod nya! Niyakap din naman nya ako dahil alam nyang takot ako.
"Kevin hindi ka ba nagsasawang lagi mo akong kasama?" Tanong ko sa kanya out of the blue.
Kapag tinawag ko na syang Kevin alam nyang seryoso na ako.
"Honestly hindi. Ewan ko kung bakit pero mas gusto kong kasama kita lagi kesa sa wala ka sa tabi ko. Bakit mo naman natanong?" Sagot nya pero tinanong nya din ako aba loko to ah.
"Bakit hindi ka manligaw ng babae? Ayaw mo bang magkagirlfriend?" Tanong ko ulit sa kanya hindi ko sinagot yong tanong nya. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko e.
"Gusto ko pero ayoko ng babae na ilalayo ka sa akin. Pero wala pa akong nahahanap na ganon kaya hindi pa ako nanliligaw. Bakit mo nga natanong e tadyakan kaya kita. Tanong ka ng tanong hindi mo naman sinagot yong tanong ko -.- pssh." Sabi nya naman
"Wala lang natanong ko lang" sabi ko sa kanya at nanahimik na kami sa sobrang pangit ng multo natulog nalang ako na nakayakap sa kanya at nakayakap sya sa akin.
Clark
Akala ko magtatanong pa sya pero hindi na nakatulog na kasi kaya pala bumigat na yong dibdib ko psssh tulog mantika talaga tong babaeng to.
Ganon lang ang posisyon namin hanggang sa matapos yong movie na pinapanood ko.
Nong natapos na inayos ko na sya sa pagkakahiga at pinatay yong tv tapos bumalik na ako sa tabi nya at kinumutan sya.
Bago ako natulog may binulong muna ako sa kanya at niyakap sya tsaka natulog na din.
YOU ARE READING
Twist Of Fate
RomantizmKathy Clarineth is a girl who have a feeling for his bestfriend but then she don't want to admit it because she's scared that when his bestfriend might leave him beacuse of her feelings so she just keep it. In the other side Kevin Clark is the name...