BRIAN'S POV
Nasa'n na ba kasi ang aklat na 'yon! Hinanap ko nang hinanap ang libro ko dito kung nasaan nakapaloob ang mga impormasyon tungkol sa Elemental Symbols. I need it. Kailangan ko 'yong makita bago pa madiskubre ng mga kapatid ko ang tungkol sa Elemental Symbols.
Sa'n ko ba kasi nilagay 'yon? As far as I remember dito ko lang 'yon nilagay sa bookshelf ko.
"Andrea!" tawag ko sa secretary ko.
agad namang pumasok ang babae at yumuko sa harap ko.
"Bakit po, Headmaster Brian?" tanong niya sa'kin.
"Did you see my book here?" I asked her.
"Ano'ng libro po ba?" she asked me back pero hindi siya tumitingin ng direkta sa mga mata ko.
Something's not right her. Lumapit ako kay Andrea. Being a Headmaster with the element of Air and has the ability of being an empath.
Nakaramdam ako ng kaba at takot sa kanya. I can sense na hindi siya ang totoong Andrea.
"Nasaan ang totoong Andrea?" kalmado kong tanong sa kanya
"Headmaster, ano po ang pinagsasasabi n'yo? ako po si Andrea" sabi nito.
"Don't even try to mess with me White Elementalist" sabi ko dito sabay sakal sa impostora ni Andrea.
BRYLLE's POV
After discussing the Elemental Symbol to the Prince. Agad ko na silang pinabalik sa room nila.
"Kuya!" tawag ni Brice sa attention ko.
I look at his direction.
"Sigurado ka ba na may symbol ang apat na Elemental Princess" he asked me
I just shrugged my shoulders. 'Di ko din alam eh. But I am sure na meron silang mga simbolo kaya we need to protect them. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para ma protektahan silang apat laban sa kakambal namin na si Brian.
We're in the middle of our discussion when we suddenly feel that there's strange inside the office kaya naman naghanda kaming dalawa. I automatically equipped my flaming sword at humanda sa posibleng atake. When I look at Brice naka equipped na din ang weapon niya, it is an ice bow and arrow.
Mas lumakas 'yong presence na nararamdaman namin which indicates papalapit na 'yong nararamdaman namin. It's a technology portal, na bigla nalang lumabas sa office ko. Agad ko naman pinuwesto ang espada ko at inihanda naman ni Brice 'yong bow and arrow niya na nakatutok sa portal.
"W-woah" gulat na sabi ng babaeng kakalabas lang sa technology portal.
Nakataas pa talaga 'yong mga kamay niya na parang su-surrender na."Tss. bakit kasi bigla kang pumupunta dito na walang paalam?" I asked her.
She just rolled her eyes. I unsummon my sword at mukhang gano'n din ang ginawa ni Brice kasi wala na itong hawak na sandata.
"Kasi pag sinabi kong pupunta ako dito... Edi 'di na 'yon surprise" natatawa pa n'yang sabi sa'min
"But sa nakita ko sa inyo mga Kuya. Mukhang ako pa yata ang na surprise kasi ang alert n'yo" pahabol pa na sabi nito sa amin.
Yes, you see it clearly. Kuya niya kami. She's Cassandra, ang pinakabunso naming kapatid and ang nag-iisang babae.
"Kuya Brice, andito ka pala? I thought nasa Ice Kingdom ka na?" tanong niya kay Brice
"May ginawa lang kami ni Kuya Brylle kaya nandito ako sa EA" sagot niya sa tanong ni Cass.
BINABASA MO ANG
Element Academy
FantasyFour Elements. Water Fire Air Earth Four Ladies with different Attitudes. Magkakasundo kaya ang apat na babaeng ito pag nagtagpo silang apat ng landas. Magagampanan kaya nila ang mga itinakdang tadhana para kanila? Story Title: Element Academy Start...