CHAPTER 29

782 20 1
                                    

THIRD PERSON's POV

Dahil sa ginawang pagsigaw ni Shannon. Lumindol nang malakas sa mundo nang mga tao. Magnitude 8.5 ang tindi nito. Ganyan kalakas ang epekto nang galit ng isang Prinsesa ng lupa.

Nangamba na 'yong mga tao baka ito na nga ang sinasabi nilang END OF THE WORLD?

"Royalties" Bulong ni Brylle habang nakahandusay sa malamig na sahig.

Nawawalan na rin siya ng pag-asang manalo. Akala nila, dumating na 'yong tagapagligtas at makakatalo sa mga kalaban. Hindi pala, mali ang HINALA nila. Mali ANG HINALA NIYA.

"Sa wakas, kami na ang maghahari sa buong Elementalia" sabi ni Brian at gumawa ng Dark Air Cage na nakapalibot sa mga kapatid niya.

"Blaze...Anak!" Sambit ni Brice habang nakatingin sa duguang anak nito.

"Patawad kong hindi ka nailigtas ni Daddy, patawarin mo ako anak" napahagulgol na ito sa loo nang kulungan.

"Ano'ng pakiramdam ng mawalan nang mahal sa buhay?" Natatawang sambit nang isang babae na taga DEA.

"I-imelda?" takang tanong ni Brice

"Ako nga, Brice" Imelda said.

Si Imelda ay naging kalaban noon ni Brice nang atakehin nila ang IA. Sa kasamaang palad o kabutihang palad, kayo na ang humusga! Napatay ni Brice ang asawa ni Imelda.

"Ang sarap pala panoorin nang pagkatalo ninyo" tumawa pa ito nang ubod nang lakas.

"Maiwan muna namin kayo dahil magsasaya pa kami" Paalam ni Imelda sa tatlong headmaster.

Napalingon naman ang dalawang lalaki sa nag-iisang prinsesa nilang makakapatid, si Cassandra. Nasasaktan ang dalawang lalaki dahil sa kanilang nakikitang umiiyak ang kanilang kapatid na babae dahil sa pagkawala ng anak nito.

Alam ni Brice na hindi madaling tanggapin na wala na 'yong anak niya. Lalo na kay Cassandra na halos pinag-ingatan niya ang bata sa loob nang siyam na buwan tapos ngayon nakikita n'yang nakahandusay na ito sa sahig na walang buhay.

Kahit walang anak si Brylle, alam niya kung gaano kasakit ang mawalan nang mahal sa buhay. Oo, sabihin na nating wala nga s'yang anak na galing sa sarili n'yang dugo at laman. Naramdaman niya ito kasi ama din siya, hindi lang sa isa kundi sa libo-libong mag-aaral ng Element Academy na ngayon ay nasa kamay na ng Dark Element Academy.

Maraming estudyante ang nasawi, nagkasugat, at iba pa. Responsibilidad n'yang protektahan ang mga ito pero hindi niya ito nagawa. Nakita ni Brylle na pilit paring lumaban ang mga prinsesa kahit nahihirapan na ito at halos wala nang pag-asang manalo pa.

SABRINA's POV

Dahil sa pagsigaw ni Sha. Biglang yumanig 'yong lupa na kinatatayuan namin. Tawa lang nang tawa 'yong mga demonyo habang nakatingin sa'min.

Oo, masakit sa'kin na mawala si Rain dahil mahal ko siya. Oo, mahal ko siya. Matagal na pero 'di ko lang sinasabi sa kanya. Kasi nga ACTION speaks LOUDER than WORDS nga 'di ba? So, what's the point na sasabihin ko pa sa kanya na mahal ko siya? Pero 'yong Oppa Rain niyo. Ang manhid! Sobrang manhid.

Bakit ba tayo napunta ka Rain? Tss.

"Mga hinayupak kayo! Makakatikim kayo sa'kin!" Sabi ko sa kanilang apat.

Nakaramdam ako nang kakaibang pwersa na galing sa loob ko. Pero 'di ko ito pinapakawala, pinipigilan ko itong lumabas. Sha, Aira and Sera too. Alam kong pareho kami nang gusto ngayon ang paslangin ang mga demonyong pumaslang at nagpakahirap sa mga mahal namin sa buhay.

Element AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon