CHAPTER 30

1.6K 50 13
                                    

SABRINA's POV

Natapos na rin ang kaguluhan. Mapayapa na ulit ang Elementalia.

Bumalik na ang lahat sa dati, may mga bagong estudyante na rin kami sa Element Academy kasi bukas na ang portal ng Fontalejo Academy at Ice Academy. May mga bagong buildings na rin at rooms. Dumami na din ang mga A1 students nang Academy

Ilang taon na ang nakalipas no'ng huling laban namin? 4 years?

Oo. Graduate na kaming walo at ngayon. Teacher na ako sa Agua Mansion, Gano'n din 'yong ibang prinsesa guro na din sila sa kani-kanilang mansion.

Si Rain? , nasa laboratory niya. Isa na din s'yang healer sa dito sa academy at si Clyde naman. Busy sa pagiging doctor niya. Samantalang si Blaze naman, Head Chef sa cafeteria, si Aeron? naging Janitor HAHAHAHAHA Joke. Siya ang Head ng Security Team sa Academy.

Nasa Room na ako ngayon ng Water Strike-1. 'Yong room ko dati.

"Goodmorning, Princess Sabrina" bati ng students ko

Nginitian ko lang sila.

"Okay class, we will be having an outside activity today" panimula ko.

'Di sila umimik. Akala siguro nila close combat battle na naman.

"This is a pool activity, guys" natatawa kong sabi sa kanila.

Napa YES naman ang mga estudyante ko. Hayss. Nakakamiss maging estudyante pero stress nga lang lalo na pag palapit na 'yong ranking day

"But I want you to listen carefully pag nasa labas na at dapat mag-iingat"

Kahit 18 na sila, I keep on reminding them na dapat talagang mag-ingat. Pa'no ba naman 'yong 18 ako alam niyo na siguro kong gaano ka na bait 'di ba? Ngayong 22 na ako mas naging mabait ako syempre hahaha

Lumabas na kami nang mga studyante ko sa Mansion namin. Nakita ko si Aira sa labas na tinuturuan n'yang lumipad ang mga estudyante niya. Today is Friday. Pero parang hindi nagpa activity si Sha at Sera sa mga estudyante nila.

Nandito na kami sa likod ng Agua Mansion. May malaking swimming pool na dito ngayon with may locker rooms at bathrooms rin.

"Okay, change your outfit" instruction ko sa kanila.

Nagsilayas naman 'yong mga estudyante ko at pumunta sa mga locker rooms nila.

Bumaba na ako sa pool at nagpalit nang anyo. From human to mermaid. Matagal ko nang hindi nagagamit ang anyong ito, nakakamiss tuloy. Lumangoy muna ako saglit at sinisid ang ilalim nang pool tapos lumangoy ulit paitaas.
Sakto namang bumalik na ang mga estudyante ko.

Naka swim shorts lang 'yong boys at swimsuit naman ang girls. Namangha sila nang makita ako. 'Di na ako nagpaligoy-ligoy pa at pinababa na sila sa pool. Nagsitalunan naman sila kaya splash dito, splash doon.

24 lang naman sila kaya hindi masyadong marami.

"Water is our bestfriend and yet, water is our best enemy pag 'di natin ito ginamit nang mabuti. got it?" sabi ko sa kanila

Tumango naman silang lahat. Nag simula na akong mag-instruct sa mga dapat nilang gawin. Tulad nang ginawa namin dati ni Ulan

Speaking of Ulan. 4 years na din kaming in relationship hihihi. Enebe! Weleng ferever. Duh! As if I know, kaming apat taken na. Pa secret lang 'yong ibang babae. Tss. Pabebe pa beh. Gano'n!

Nang matapos ang oras ko sa klase nila pinaahon ko na sila sa pool kasi may susunod pa silang klase kay Ms. Kiana.

I don't need to change! You know na.

Element AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon