Chapter 1

27 2 0
                                    

Chapter 1

Yelena's POV

Hi I'm Yelena Jessica Vardan a high school student. Proud to be beautiful with a heart. Grade 11 na ako.17 years of age. Ang pangarap ko ay ang maging professional doctor at a fashion designer. Bakit? Gusto ko lang. Isa din akong kpop fan pero ilan-ilan lang naman alam kong kpop. Matalino din ako. Mabait naman ako pero sa kaclose ko lang naman. At maldita sa iba. Mayaman kami ng pamilya ko.

"Yelena gising na baka malate kapa dyan!! " sigaw ni mama sakin.

"Saglit lang po,5 minutes more pa po inaantook pa po kasi ako " sabi ko kay mama, sabay takip ng unan sa mukha.

"Anong inaantok ka dyan malalate kana! First day mo pa sa school ay late ka kaagad! Hay nako bata ka " sabi ni mama

Ayy oo nga pala may pasok pala ako ngayon at first day pa. Nakalimotan kong first day pala ngayon.

"Ahh ano na palang oras ngayon ma? " tanong ko kay mama.

"Hay nako Yelena 7:15 Na kaya ng umaga nga-- "

"Ano?!

Hindi ko na pinatapos si Mama magsalita at bumangon na ako at dumeretso sa banyo para maligo at para mag-ayos nag sarili. Kumbaga ay morning routine ko.

Pagkatapos ko non dumeretso na ko sa baba para mag angmusal. Tumingin ako sa oras at nagulat ako sa oras na 7:40 am na pala. Kumuha nalang ako ng sandwich at nagpaalam kay mama na pupunta na ako sa school.

"Mama punta na po ako sa school bye ma"paalam ko kay mama at hinalikan sa chick.

"Oh sige anak ingat ka at nadun na ang driver mo sa labas sige na at baka malate ka pa. " sabi ni mama. Tumango nalang ako kay mama at lumabas na.

Pag labas ko ay nakita ko kaagad ang aming driver at nginitian ako.

"Magandang umaga po young lady " bati ng aming driver. Sya ang aming driver si manong Ark. Sampung taon na namin siyang driver.

"Good morning din po" bati ko pabalik at nginitian din siya.
Pumasok na ako sa kotse at nagsimula na din magnaniho si manong. Manong lang ang tawag ko sa kanya. Pinabilis na niya ang pagmaneho ng sasakyan dahil malalate na ako.

~

Pagdating namin sa school bumaba na ako at pumunta na sa gate.Nang malapit na ako ay nadatnan ko ang mga childhood bestfriend ko na naka simangot. Si Yoona at Ann ang pangalan at mayaman din sila katulad ko.

Well lahat naman ng nag-aaral dito ay mayayaman. But hindi ganun kayaman katulad ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero yun ang totoo. Kilala ang pamilya ko sa 2nd richest family sa Pilipinas at sa iba pang bansa. Oh ha san pa ba kayo?. Yabang ko no? Hahaha masanay na kayo. Pero kahit ganoon ay hindi parin nag babago ang amin pamilya. Pantay lang din ang tingin namin sa iba.

"Bakit ngayon kalang ha?! Alam mo bang kanina ka pa namin hinihintay?!"inip na sabi ni Ann.

"Ahh sorry Ann nalate kasi nang gising eh"sabi ko sa kanya

"Aish, sige na punta na tayo sa room natin"sabi ni Yoona samin. Tumango nalang ako bilang sagot.

~

Pagdating namin sa aming class room ay nakita namin ang mga kaklase namin na may sarit-saring mundo. Yung iba nag gagadget ang iba naman ay nag kwekwentuhan at iba-iba pa. Tsk ano bang aasahan dito?. Tss.

Hayy salamat wala pa ang aming teacher. Sana naman mabait ang mga teacher namin.Umupo na kami ni Yoona at Ann sa likurang bahagi pero may vacant seat pa bago umupo si Yoona at katabi ko sya. Si Ann naman ay nasa harapan namin .Tsk ewan ko dito sa kanya. Hindi kasi siya pinaupo ni Yoona sa tabi namin eh.tss.

Best Friend InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon