Yelena's POV
Kasalukuyan pa din kaming kumakain dito sa cafeteria kasama yung tatlong unggoy at swear gusto ko nang umalis dito. Yung mga tao kasi lalo na yung mga babae makatitig wagas. Sarap tusukin ang mata tss.
Bakit ba kasi dito sila pumunta sa table namin?! Aish bwisit!
Maya-maya pa ay dumating si kuya at kasama si ate Shann, best friend ni kuya. Tsk, hina din kasi ni kuya eh, halatang may gusto pero na totorpe. Pinag hintay pa si ate.
Umupo sila sa table namin kaya kompleto na ang chairs sa mesa. Bigla namang nag bro fist si kuya sa tatlo as if matagal na silang magkasama. Nakakunot kung nilingon sina Ann na ganun din ang reaksiyon.
"Kuya?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay pero abat ngumisi lang. Isumbong ko siya kay ate Shann tingnan natin kung makangiti pa to.
"Hi Yel! Nice seeing you again" masiglang sabi ni ate Shann. Napalingon ako sa kanya.
"Hello din ate" sabi ko sabay ngiti.
"Hey bro" -ate Shann sabay lingon kay Andrei ata.
"Hey sis" sabi ni Andrei.
Huh? Para atang may hindi ako nalalaman. Ang weird nila ngayong araw. Anyways nag patuloy lang kami sa pagkain nagsimula na ding kumain sila kuya.
"Alam niyo ba ang feeling ng hindi naaalala ng isang matalik na kaibigan?"sabi ni Chander sabay akbay kay Andrei.
"Tsk. Tigil tigilan niyo nga ako baka gusto niyong masapak?" Andrei habang masamang tinitigan si Chander
"Chill ka lang dude, baka hindi ka lang niya makilala"-kuya
"O baka naman nakalimot siya o ikaw yun"sabi ni Christian sabay tingin saakin at kay Andrei. Nakakunot noo ako sila Ann at Yoona naman parang nag pipigil ng tawa. Tss para lang ewan. Kumain nalang ako dahil patapos naman din ako at uminom ng juice.
"Yelena iniwan kana ba minsan ng kaibigan mo at pumunta ito sa malayo?" Nakangiting tanong ni Christian. Nilapag ko ang baso at napalingon naman sila saakin na parang hinihintay ang magiging sagot ko.
"Why do you asked?"-ako
"Sagotin mo nalang"-Chander. Napairap nlang ako ng wala sa oras tsaka sumagot.
"Oo, bakit? Kung tatanungin niyo naman kung sino sila Ann yun parating nang iiwan pag gumagala kami, sino pabang kaibigan ko eh sila lang naman"-ako
"Woah...hahaha nakalimot na talaga siya bro, pano bayan"-kuya
"What are you guys talking about? You're so weird"-ako
"Ikaw talaga Yel makakalimutin kana ba?" Ate Shann
"What the?! Makakalimutin?! At Yel? Kailan mo pa ako tinawag ng ganyan ate?"-ako. Wala akong paki alam kung oa ako pero iisang tao lang ang tumatawag sakin ng ganyan at siya lang ang pwede.
"Pfft... Yel matanda kana siguro"-Yoona.
"Oo nga" sigunda naman ni Ann.
"Tse! Tumigil kayo FYI hindi ako matanda kayo siguro diyan!"sigaw ko. Late ko nang nalaman na napalakas ang sigaw ko at nakatingin sa table namin no saakin ang ilang studyante lalo na nung mga babae at tinaasan pa talaga ako ng kilay.
"Pfft... Hahahahahaha" sila sa table namin ako naman napairap ng wala sa oras at napailing nalang hmp!
Tumigil naman din sila kalaonan. May naisip naman akong kalukuhan kaya napalingon ako sa gawi nila Ann at na gets nila yun kaya sabay kaming tumingin sa gawi ni Kuya na ngayun ay umiinom ng tubig at si ate Shann sa shake niya. Napangiti ako.
"Ayy ate Shann ano pala tipo mo sa lalaki?"sabi ko at napalingon naman sila sa gawi namin. Si ate naman namumulang napatingin kay kuya at napaiwas ng tingin. Si kuya namn nabilaukan. Hahaha huli kayo. Si Ann at Yoona naman ay napapangiti at nag tanong din na may halong pang aasar.
"Oo nga ate no? Ano bang tipo nyo sa lalaki?"-Ann
"Sa ganda niyong yan baka may marami ka sigurong manliligaw no?"-Yoona.
" Bakit nagseselos ka?"ani ni Chander sakanya.
"Tse! Ewan ko sayo"
"Asus sabihin mo lang at manliligaw ako sayo para hindi ka na mag selos"
"Heh! Tumahimik ka diyan" namumulang sabi ni Yoona. Napailing nalang ako. Napatingin sa gawi ni Kuya at ate na ngayon ay nag titigan na. Napa smirk nlang ako.
"Marami naman talagang manliligaw si Ate kaso di niya type. Yung gusto kasi niya natotorpe kaya ayun "sabi ko.
Si ate naman mas lalong namula si kuya napaiwas ng tingin.
"Ate may kakilala akong lalaki. Mabait, gwapo, matalino at higit sa lahat hindi torpe gaya ng iba, gusto mo pakilala kita?"-ako
"Huh ah eh"-ate
"Tumigil ka nga baby girl"sabi ni kuya. Nag kibit balikat ako at nag ligpit ng gamit. Tsaka tumayo.
"Saan ka pupunta at vacant pa ngayon? "-Kuya
"Kung saan tahimik"ako at tumalikod na at nagsimula ng mag lakad. Huminto ako at lumingon. Sa gawi nila.
"Kuya amin amin din pag may time sige ka bka maunahan ka nang iba, napag hahalataan na kasi eh"-ako
"Tsaka tama na ang torpe"dagdag ko.
Babatuhin sana niya ako ng plastic bottle ng tumakbo na ako palayo habang natatawa. Para akong sira sa hallway buti nlang at lunch break na at wala masayadong tao sa hallway.
Lumiko ako ng direksyon at pumunta sa tagong garden kung saan ko gustong pumunta kanina pa. Dito kasi ang tahimik at maganda ang tanawin. May nakita akong punong matayog kaya pumunta ako doon at umakyat at umupo sa may sanga nitong may upuan na kasya sa dalawa. Umupo ako at tinignan ang tanawin. Malawak ito at may ibat ibang klase ng nang bulaklak sa paligid, sa dulo ang may fountain at pinalilibutan ito ng mga malalaking puno. Naka locate ito sa likurang bahagi ng school.
Wala pa rin itong pinag bago kung dati ay maganda ngayon mas lalo itong gumanda. Nakapunta ako dito dati nung dito pa ako nag aaral. Ipinakita ito saakin ng best friend Kong lalaki. Sayang at di na sya dito nag aaral nag migrate kasi sila sa ibang bansa at sila ang may ari nitong school. Sila ang isa sa pinakamayan sa mundo at pangalawa kami.
Sobrang close naming dalawa at siya ang nag dala saakin dito. Sabi niya ito ang favorite place niya at iilan lang ang nakaka alam at maswerte daw ako dahil ako lang daw ang dinadala niya dito. Hayss miss na miss ko na siya sana mag kita ulit kami, wala kasi kaming communication simula nung umalis sila kaya ayun.
"Sana at naaalala mo pa ako" buntong hiningang sabi ko dahil wala namang ibang nandito.
Napatingin ako sa schedule ko at hanggang 3:00 pa ang vacant. Tamang tama at dala ko ang sketch pad ko kaya mag dadrawing nalang muna ako dito.
---------
Yan lang muna po sa ngayon kung may nagbabasa pa po nito.😄😁
BINABASA MO ANG
Best Friend Inlove
FanfictionHi po first story ko po ito. Hope you like it😘 Warning: The characters, names,places, events and others are just an imagination by the author. Any stories that is related in this story is just an accident. I'm not a good writer as you imagine so ex...