Chapter 2

25 3 1
                                    

Yelena's POV

Nagising na ako nang mag ring ang alarm clock ko. Bumangon na ako sa kama at pumunta sa cr.
5:32 pa naman ng umaga ngayon. Pero mag hahanda na ako para hindi na malate. Ginawa ko na ang routine ko.

Nagsout lang ako ng white shirt, black jeans at white rubber shoes. Next week pa kasi kami magsusuot ng uniform namin. Pagkatapos ko pumunta na ako sa baba.

Bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si mama na naghahain sa lamesa. Kung itatanong nyo kung bakit hindi ang maids ang nag hahain ay gusto kasi ni mama na sya ang mag luto at maghain para samin. Binati ko si mama. Chef din kasi si mama kaya naman masarap talaga siyang magluto lalo na sa desserts.

"Morning ma" bati ko kay mama.

"Good morning din my baby"masayang bati ni mama.

"Maaga ka ata ngayon ah" dugtong pa ni mama. Tumango lang ako at ngumiti.

"Good morning my beautiful daughter"biro ni papa at ngumiti

"Good morning din most handsome papa"bati ko din. Tumawa naman kaming tatlo.

"Uyy bat kayo lang sali din ako" sabat ni kuya. Tss childish talaga.

"Morning ma,pa, at baby princess" bati ni kuya saamin.

"Morning din"sila mama

"Morning handsome prince"bati ko. Tumawa naman kami.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan.

Siya nga pala. Ang pangalan ni kuya ay Jhon Bryan Vardan. 20 yrs.old. College na si kuya at 1 year nalang graduate na siya sa kursong Engineering. Gwapo, Sweet, caring at loving si kuya. Protective kuya siya saakin.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami ni kuya. Sabi ni kuya ay sabay na daw ako sakanya parehas kasi kami ng school. Hindi kami nagkasama kahapon dahil late ako ng gising. May kotse si kuya at may license na din siya. Meron rin naman ako kaso hindi ako pinapa maneho dahil ganito ganyan daw. Hmp! Unfair!.

Tahimik lang ang biyahe namin hangang sa nagsalita si kuya.

"Oh kamusta ang first day mo baby?" sabi ni kuya. Napasimangot ako sa tawag niya saakin.

"Kuya naman wag mo nga akong tawaging baby!" Nakaasimangot kung saad. Tinawanan lang ako ni kuya.tss.

"Okay naman first day ko kuya"sagot ko nalang.

"Ah okay pala..balita ko may tinarayan ka daw?" nakataas kilay niyang tanong. I just rolled my eyes.

"She's the one who started first not me! She called me a scholar! And so I answered back to her and she told me that I'm a feeler cause my surname is Vardan! Tss if I know she's just insecure and jealous!"depensa ko naman na may pag kainis.

Tumawa lang si kuya saakin sabay sabing "Woah..wag ka ngang mag english diyan hahaha" abat tinawan lang ako tss.

"Hmp! Ewan ko sayo kuya"sabi ko.

Tumango lang si kuya at pinark ang kotse. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa parking lot ng school. Nakalimutan ko lang sabihin na sikat si kuya dito dahil sa sure name at parents namin ay 2nd richest. Pati na din syempre sa kagwapuhan ni kuya.

"Hatid na kita sa room niyo Yel"sabi ni kuya saakin. Tumango lang ako.

Lumabas na kami sa kotse at inalalayan naman ako ni kuya. Ayan na naman ang mga bulungan psh tapos kung makatili wagas makabasag eardrums.

"Omy! Mag kasama yung magkapatid!"
"Ang cute nila tignan!"
"Oo nga gwapo at maganda"

Akala ko kung ano tsk alam naman pala nila na magkapatid kami eh yung babae lang talaga siguro kahapon ang walang alam. Tss.

Best Friend InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon