Eto po ung Wishing Well . Nagkaloko-loko po kasi ung Story ko na yon dahil aksidenteng na-delete ang parts nya . .
HIHI . Pasensya na po .
*****
Prologue:
6:30 pm
Naglalakad ako sa hallway ng mabangga ko ang isang lalaking tahimik pero mukhang mayamang gangster. Hindi nya ako tinulungang pulutin ang gamit ko. Tinitigan nya lang ako. Tumingala ako sa kanya pagkatapos kong mailigpit ang mga nahulog kong libro.
Napakamisteryoso nya. Kahit isang beses hindi ko pa sya napansing pumasok dito sa school, Ang mga mata naman nya ay tila nangungusap sa mga mata ko,parang may gusto syang sabihin.
Yumuko nalang ako at tumayo, "I'm sorry" sabi ko sa kanya. At umalis na ako. Ramdam ko na nakatingin pa rin sya sakin,pero hindi ko na pinansin iyon.
Napakamisteryoso nya. Parang kilala ko na sya dati palang , pero hindi ko alam kung paano at saan kami nagkakilala.